CHAPTER 40

1.4K 36 0
                                    

Sa lahat po nakaabot rito. Maraming maraming salamat po! Wag pong kalimutang i-comment ang mga katanungang nasa inyong isipin hinggil sa kwentong ito 😂😂

N: Don't hate me po 😢 kung may mga tanong akong di nasagot, maaari niyo pong i-comment dito ng maayos. Salamat po!

NILAPITAN ko siya at mahigpit na niyakap. Pa-ulit ulit akong bumubulong ng patawad sa kaniya pero tanging iling at hikbi lamang ang tanging naging tugon niya.

"P-Parati niya nalang akong sinasaktan k-kirsten! Napapagod na ako p-pero minamahal ko pa rin siya." Hagulgol niya.

Hinagod ko ang likod niya at napatingin sa pamilyar na bultong nakatayo sa labas ng veranda. Malungkot ang mga mata nitong nakatingin sa amin habang sapo sapo ang tila naninikip na dibdib.

Darwin.....

Maya maya lang ay bigla itong tumalikod at nakayukong naglakad palayo. Gusto ko sana siyang pigilan para kausapin kaya lang ay hindi ko naman pwedeng iwan si rina. Kung kailan naman siya nakakaalala ay 'tsaka naman ito pinagtatabuyan ni darwin. Hindi ko talaga makuha ang iniisip ng pinsan kong iyon.

Nang makatulog si rina sa kakaiyak ay dahan dahan ko na itong iniwan para tuluyan nang makapag-pahinga. Balak ko sanang hanapin si darwin kaya lang naalala ko na hinihintay pala ako ni dark. Kasama kasi nito ang hukbong pamumunuan naming dalawa para sa darating na digmaan bukas.

Napapikit ako at dinasal na sana ay magtagumpay kami sa labang ito nang walang namamatay at nasasaktan.

"Handa na mahal ko..." Nakangiting mukha ni dark cane ang sumalubong sa aking ng makapasok ako sa malaking bulwagan. Nakatayo ngayon sa aming harapan ang higit sampong daang libong mandirigma na makakasama namin sa digmaan bukas. Matitikas at matatapang ang mga itong tuwid na tumayo sa aming harapan.

Ngumiti ako at binati sila. "Hangad ko ang tagumpay nating lahat sa laban. Nawa'y manatili tayong buhay at makabalik ng nakangiti sa ating mga mahal sa buhay!" Sabi ko. Nawa'y manatili tayong lahat ng buhay.

Sana ay makuha ko na rin si papa.....

"Mabuhay ang mahal na prinsesa't prinsepe!" Matikas na sigaw ng pinuno ng mga mandirigma.

"Mabuhay!" Sigaw naman pabalik ng lahat.

Nagningas ang mga mata namin at sabay na nagpakita ng pangil bilang tanda ng pagkakaisa. Mabubuhay kaming lahat.

"Magtatagumpay tayo mahal ko...." Napalingon ako kay dark cane ng kunin niya ang kamay ko at hinawakan ito ng mahigpit.

Lalong nagliyab ang mga mata ko. Naniniwala akong magtatagumpay tayo, mahal ko.

MAAGA ang naging paghahanda namin kinabukasan. Ang tatlong libong daan sa aming hukbo ay matapang na nakapalibot sa buong kaharian. Ang mga natira naman ay nasa loob ng palasyo at nakahanda sa maaaring paglusob.

Kami naman ni dark kasama si kuya, auntie janice, uncle john, uncle marlon, bea, darwin at ang mahal na hari, na siyang may kakayahang muling ikulong ang hari ng dilim ay nasa pinaka-una ng hukbo. Ang iba'y kasama si mama sa loob ng palasyo at pino-proteksiyonan.

"Ihanda ang mga sandata!" Sigaw ng mahal na hari sa mga hukbong nasa aming likuran.

Ang mga pam-bomba ay maayos ng naka-helera at hinanda na para mamaya. Nilingon ko ang aking mga kasama at tinanguan. Tumango din sila sa'kin at buong tapang na pinakita ang mga sandata. Masaya ako na makasama sila sa malaking labanang ito.

"Ang aking mga kasama ay naka-kalat lamang sa paligid kirsten. Tutulungan nila tayo para sa kapayapaan." Sabi ni bea.

Ngumiti ako rito. "Maraming salamat." Ang mga kasamang vampire hunter ni bea ay naka-usap ko na bago pa man dumating ang araw na ito. Sinabi ko sa kanila na ang hangad lamang namin ay kapayapaan.

KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon