VAMPIRE 16

2.6K 108 5
                                    

KAREN POV (Kirsten's mom)


Papalubog na ang araw ngunit tila hindi iyon alintana ng aking panganay, Kanina pa ito dito sa loob ng lab at wala pa itong pahinga. Nag aalala ako sakanya at kay kirsten. Gusto kong tumulong pero hindi ko naman alam kung papaano.

"Keiji anak, magpahinga ka muna kaya." Malambing kong sabi rito. Dapat ay kanina pa ito nasa kwarto nya. Masama sa isang bampira ang hindi nagpapahinga sa umaga, maaari nya itong ikahina.

"Mamaya nalang po ma, tatapusin ko lang po ito." Sagot nya ng hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.

Napabuntong hininga na lamang ako saka sya pinanuod sakanyang ginagawa. Gusto nitong patibayin ang gamot na iniinom ni kirsten para maiwasan ang nangyari nung isang gabi. Hindi na kasi kayang pigilan nang gamot na ginawa ko ang pagkauhaw ni kirsten sa dugo.

"Kailangan ko itong matapos ngayun ma," puno ng determinasyong sabi nya pa.

Nag aalala ko itong tiningnan "Kailangan mo ring magpahinga keiji anak. Baka ikaw naman ang mapasama sa ginagawa mo," ayokong pati sya ay malagay sa panganib, baka diko na kayanin.

"Ayos lang po ako ma," Sagot nito.

"Hindi ka ayos anak. Alam kong mabigat ang dinadala mong problema ngayun." Sabi ko rito.

"Ma," Nag angat na ito ng tingin sakin. Lungkot at pagod ang nakikita ko sa mga mata nya. "Natatakot ako mama. Natatakot ako na baka magkatotoo nga ang mga nakita ni auntie janine," Walang buhay na sabi nito.

"Hindi mo 'yun magagawa sa kapatid mo anak. Kilala kita, alam kong mahal na mahal mo si kirsten." Nilapitan ko ito at buong suyong niyakap. Mas maayos siguro ang lahat kung nandito pa ang ama nila. Siguro hindi magkakagulo kung hindi sya nawala. "Hindi mo sya masasaktan, magtiwala ka lang sa sarili mo." Sabi ko pa rito.

Magiging maayos din ang lahat. May tiwala akong babalik saatin ang papa ninyo. Babalik sya saatin. Sana......



KIRSTEN POV


"Ma aalis na po ako," Paalam ko kay mama na nasa kusina ngayun. Kaming dalawa lang ang nandito ngayun sa hapag. Masama daw kasi ang pakiramdam ni kuya kaya't hindi nya kami masasamahan.

"Sasabay kaba sa uncle marlon mo?" Tanong nito.

"Hindi po ma," Pinuntahan ko ito sa kusina "Kay darwin po ako sasabay." Sabi ko dahilan para huminto ito sa paglilinis ng mga plato.

Nagtatakang humarap ito sakin "Bakit kay darwin pa? Bat hindi nalang sa uncle marlon mo." Sabi nito.

Kumunot ang noo ko "May lakad po si uncle mama at si darwin nalang po ang pwede kong makasabay sa pagpasok." Sabi ko rito "May masama po ba sa pagsabay ko sakanya?" Tanong ko pa.

Nag iwas lang sya ng tingin "Wala naman," Narinig ko ang pagbuntong hininga nito bago muling ipinagpatuloy ang naudlot na trabaho kanina "Sige na, umalis ka na at baka mahuli ka pa sa klase mo." Sabi nya nang mapansin nyang di pa ako umaalis.

"S-Sige po ma," Sabi ko nalang.

"Mag iingat ka kirsten," Narinig ko pang sabi nya bago ako tuluyang makalabas ng bahay.


Pakiramdam ko lahat sila may itinatago sakin.


"ANG LALIM ata ng iniisip mo?" Tanong ni darwin sa gitna ng byahe.

Matipid akong ngumiti "Maraming gumugulo sa isip ko ngayun darwin,"

Nasa backseat ako ngayun samantalang nasa driver seat naman sya, nagmamaneho. Ako ang pumili na dito pumwesto, Mas gusto ko kasi dito,Walang katabi.

"Kalimutan mo muna 'yun kirsten," Rinig kong sabi nito.

Binalingan ko ito ng tingin. Sinusulyapan pala ako nito gamit ang rear mirror ng sasakyan nya.

Pinaningkitan ko ito ng mga mata "Baka akala mo nakalimutan ko na 'yung ginawa mo sakin kanina," Inis na sabi ko rito.

Tumawa ito "Kalimutan mo na rin 'yun." Natatawang sabi nya lang.

Napairap ako "Kung hindi mo lang hawak 'yang manobela baka kanina pa kita sinakal." Nakasimangot ko pang sabi.


Tumawa lang ito saka inihinto ang kotse sa------harap ng isang condominium? Anung meron?

"Wait lang," Sabi nito saka dali daling lumabas ng kotse.

Kumunot ang noo ko saka ko ito sinundan ng tingin. Binuksan ko pa ang bintana sa tabi ko para makita ko kung saan/sino ang pupuntahan nya.

Nakita ko itong pumasok sa loob ng hindi man lang sinisita ng guard. Mukhang kilala na ito doon. pero sino kaya ang pupuntahan nya dun?


"Mawalanggalang na iha," Nawala ang atensyon ko sa pagsunod kay darwin nang may aleng lumapit sakin.

"Po?"

Ngumiti ito "May makakain ka ba riyan? Nung isang araw pa kasi ako hindi kumakain." Tanong nito.

Pinakatitigan ko ito. Hindi ko alam kung bampira ba ito O tao. Nakakapagtaka. Bakit hindi ko maamoy kung anong klaseng nilalang sya?

"Kahit anu lang ang meron ka dyan, Ayos na sakin." Sabi ulit nito.

Napabuntong hininga na lamang ako saka kinuha ang sandwich na ginawa ni mama para sakin. Tutal hindi ko na rin naman ito makakain, Hindi na ito tinatanggap ng panlasa ko.

"Saan po ba kayo nakatira ale?" Tanong ko rito pagkaabot ko sa sandwich "Bakit po kayo pakalat kalat sa daan? Masyado pong delikado rito."

Ngumiti lang ito saka hinawakan ang kamay kong nasa labas ng bintana "Napakabuti mong bata kirsten,"

Napasinghap ako "K-Kilala nyo po ako?" Naguguluhang tanong ko rito.

Bahagya itong tumango "Kilalang kilala...." Sabi pa nito bago ito biglaang naglaho sa paningin ko.

"Ale?" Nilibot ko ang buong paningin ko sa paligid. Ngunit, wala na talaga ito.

Nasan na 'yun nagpunta? Bat biglang syang nawala?

"Kirsten? What happened?" Tanong ni darwin pagkabalik nito.

"Wala," wala sa sariling sagot ko. Kilala ako ng ale na 'yun. Pero hindi ko sya kilala.

Sino ang ale na 'yun?

"By the sasabay si----" Hindi na nito natuloy ang sasahin nya nang biglang magbukas ang isang pinto ng backseat at mula doon ay pumasok ang isang bampirang hindi ko inaasahang makakasabay ko.

"Dark?" Gulat na bulalas ko.

"Goodevening." Bati nito sakin saka umupo sa tabi ko.

Napanganga ako. Papanong--? Ito ba ang pinuntahan ni darwin doon? Bat hindi man lang nagsabi ang hangal na 'yun.

"Magkasabay kami parati," Energetic na sabat ng pinsan ko ngunit hindi ko na 'yun nagawang pansinin pa dahil na kay dark na ang buong atensyon ko.

Malamlam ang mga mata nito na matamang nakatitig sakin. Hindi rin kumukurap ang mga mata nya tila takot na mawala ako sa paningin nya. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Miss na Miss ko na sya. Gusto ko syang yakapin pero natatakot ako. Natatakot ako na baka itulak nya lang ako.

Ako na ang unang nag iwas ng tingin. Baka kasi hindi na ako makapagpigil at mayakap ko na talaga sya.

Miss na Miss ko na talaga sya....

"D-Dark?" Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang bigla nya akong hilain papunta sa bisig nya saka niyakap ng mahigpit.


"F uck! I miss you kirsten," Bulong nito dahilan para lalong magkagulo ang mga paro paro sa tiyan ko.



Yes! F uck....I'm so inlove.

*****
Pangit ba? Huhu Ewan ko ba kung bakit ko pa ito ginawa. May topak talaga ako hahaxD by the way thanks readers.

Mwamwa :*

KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon