"Ipaliwanag nyo naman sa 'kin kung anong nangyayari dito? Para kasing ako lang ang walang alam." Litanya ko sakanila.
Nang ihatid ako sa bahay ni uncle marlon ay naabutan namin sila uncle john at auntie janice kasama sila kuya at mama na tila may pinag uusapang importanteng bagay. At ang nakakainis pa rito'y napaghahalataan silang may itinatago sakin.
"Sweetie," Agad akong nilapitan ni mama saka malambing na ngumiti sa akin "Mas mabuti pa siguro'y umakyat kana muna sa kwarto mo at magpahinga."
Palipat lipat lang ang tingin ko sa kanilang lahat. Hindi ko na talaga alam kung ano ang dapat kong isipin sa kanila. Halatang halatang may itinatago sila sa akin.
"Ma please? Liwanagin nyo naman lahat sa 'kin! Dahil mula nang pumunta tayo sa lugar na 'to pakiramdam ko lalong nasira ang buhay ko! Mula nang dumating tayo rito, pakiramdam ko ang dami nyo nang inililihim sa akin! Wala na akong maintindihan! Pati sarili ko hindi ko na rin maintindihan! Ma, Sa tingin mo ba tao pa ako?! Kasi habang tumatagal pakiramdam ko nag-iiba na 'ko." Hindi ko gusto itong nararamdaman ko at kailanman hindi ko ito hiniling. Ayoko nito. Ayokong maging bampira. Gusto kong maging normal at bumalik sa dati.
"Kirsten..." Napatingin ako kay kuya nang marinig ko ang mahinahon nyang boses.
"Ikaw kuya? Tingin mo tao pa ba ako?" Tanong ko rito. Hindi ko na namalayang may mga butil pala ng mga luha ang nakatakas sa mga mata ko. Agad ko naman itong pinunasan at pilit tinatagan ang loob sa harap nila.
"Half vampire-Half human ka kirsten. Maaari kang kumilos O mamuhay bilang tao kung gugustuhin mo. Ang pagiging bampira mo naman ay maaari mo pa ring kontrolin kung alam mo kung paano." Paliwanag ni uncle john.
Napatingin ako rito saka napailing iling "Hindi nyo po alam ang nangyayari sa akin uncle." Masama ang loob kong sabi.
"Alam namin kirsten. Alam namin lahat ng nangyayari sayo." Biglang sabat ni Auntie janice.
"Hindi 'yan totoo." Dahil kung alam nyo ang nangyayari sa 'kin. Ipapaunawa ninyo sa akin ang lahat.
Tiningnan ko si uncle marlon na hindi makatingin sa akin ng diretso. Tapos kay mama na nakayuko lang sa isang tabi. Bumaling naman ako kay kuya na iba ang tingin sa 'kin, Takot at pangamba ang nakikita ko sa mga mata nito. Napabuntong hininga na lamang ako saka tumingin kela auntie janice at uncle john.
"'Yun ang totoo kirsten," Giit ni auntie.
Napailing na lamang ako, kasabay non ay ang pagtulo ng mga luha ko. Bakit ba sarili kong pamilya naglilihim sa akin?
"Kirsten, May mga bagay na hindi mo pa dapat malaman. Gusto ka lang naming protektahan." Ani ni uncle john.
"Protektahan saan?!" Di ko napigilang sigaw "Alam nyo, hindi ko na alam kung pamilya ko ba talaga kayo! Siguro kung nandito lang si papa hindi nya hahayaang magkaganito ako." Kahit matagal nang panahon na nawala si papa ay hindi ko pa rin makalalimutan ang ibang alaala ko sakanya. Ang mga alaalang hindi ko nakalimutan.
"Kirsten, Anak."
Umurong ako nang magtangkang lumapit saakin si mama. Umiling iling ako kasabay ng pagpigil kong humikbi.
"Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Basta ang tanging alam ko lang ay may inililihim kayong lahat sa akin." Sabi ko saka mabilis na tumakbo papunta sa kwarto ko.
Narinig ko pa ang pagtawag nila sa akin at paghikbi ni mama bago ako tuluyang magkulong sa kwarto ko.
Humiga ako sa kama ko at tumagilid ng higa saka niyakap ng mahigpit ang unan ko. Ibinuhos ko na lahat ng luha ko, gusto ko bukas wala na akong maramdaman. Gusto ko maubos lahat ng luha ko ng sa gayon ay hindi na ako makakaiyak bukas.
Naalala ko pa noong tao pa ako at kasama ang mga friends ko. Masaya ako noon at walang iniisip kundi ang magsaya at gawin lahat ng gusto ko. Masyado akong nabulag sa kasiyahan kaya't nagawa kong kalimutan na may dugo pa pala ng bampira ang dumadaloy sa mga ugat ko.
Napahagulhol ako. Ang hirap hirap na ng sitwasyon ko ngayun. Ang dami nang nagbabago sa akin. Dumagdag pa iyong kanina na halos pumugot sa paghinga ko. Sino kaya ang gumawa non? Bakit nya iyon ginawa? Mukhang malaki ang galit nun sa akin dahil kulang nalang patayin na nya ako kanina.
"Kirsten...."
Napabalikwas ako nang bangon ng may marinig akong pamilyar na boses mula sa likod ko. Nanggagaling iyon sa labas ng veranda ko.
Kumunot ang noo ko habang inaaninag ang bulto ng lalaking nakatayo sa labas ng nakasara kong veranda. Salamat sa liwanag mula sa buwan at kahit papaano ay nakikita ko ito.
"Dark?" Lumandag ang puso ko sa tuwa. Kahit papano'y unti unti ko nang nakakalimutan ang dahilan ng pag iyak ko kanina.
Agad akong bumaba ng kama at pinagbuksan sya ng pinto. Tinitigan ko ito ng mabuti at pilit hinahagilap ang sagot sa tanong ko 'Kung bakit sya nandito?'.
"Namumugto ang mga mata mo." Tiim bagang sabi nito.
"Bakit ka nandito?" Paglilihis ko sa usapan.
"Masama na bang dumalaw?" Kunot noong sabi nito "Ayaw mo akong nandito? Sige aalis nalang ako." Nagtatampong sabi nito at nang akmang tatalikod na siya'y agad ko syang hinawakan sa kamay para pigilan.
Ngumiti ako "Wala naman akong sinabing ayaw kitang nandito eh. Nagulat lang ako." Hinila ko na ito papasok atsaka muling sinara ang veranda ko.
"Anu namang nakakagulat sa pagdalaw ko sayo?" Tanong nito.
Umiling ako saka malapad na ngumiti "Dito ka ba matutulog?" Tanong ko nang humiga ito sa kama ko.
Tiningnan nya ako " Ayaw mo?" Nakangising tanong nito.
Lumundag ang puso ko sa pag-ngisi nya. Sh*t ang pogi! Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha. Tingin ko maski puso ko ay masayang masaya din dahil nandito ngayon si dark.
"Gusto ko dark." Tugon ko.
"Good." Ngumiti ito.
"Hindi ka ba hahanapin sa inyo?" Tanong ko saka humiga sa tabi nya.
"Hindi." Sagot nito at muntik na akong mapasigaw ng gumapang ang kamay nito sa baywang ko at hinila ako palapit sakanya. Sa pwesto namin ay parang nakayakap sya nang mahigpit sa akin.
"Sigurado ka?" Tanong ko habang dinadamdam ang higpit ng yakap nya.
"Yup." Mahinang sagot nito.
Tiningnan ko sya. Nakapakit na ang mga mata nya at pakiwari ko'y inaantok na ito.
Gusto ko sana syang kausapin at makipag kwentohan pa sakanya ng mas matagal kaya lang ay mukhang pagod na pagod na ito.
"Napagod ka ba kanina?" Tanong ko.
"Yes." Sagot nito ng nakapikit pa rin ang mga mata nya "Andami ko kasing inayos sa school."
Inabot ko ang buhok nito saka hinaplos. Napangiti ako nang mas humigpit ang yakap nito sa akin. Hindi ko man alam kung anong meron kami ngayon ay makukuntento nalang akong ganito kami. Atlis kahit hindi ako siguradong mahal nya ako ay sapat na sa akin na nandito sya sa tabi ko.
"Sleep well dark," Bulong ko na ikinangiti nya "Goodnight." Nakangiting pumikit na rin ako. Panatag na ngayon ang loob kong matulog dahil sya ang katabi ko.
"Goodnight my sweet kirsten,"
****
Ayiee nakapag-update din aketch haha sorry guys ngayon lang ako nag paramdam sa inyo. Busy kasi eh, super! President kasi ang lola nyo...Oh diba bongga?! HahaxD.Wala bang magcocomment man lang dyan para naman dina mablangko utak ko at nang mainspired naman ako xd.
TRIVIA:
Torpe po si dark. Duwag sya at ang mga ganyang lalaki mas higit na minamahal haha kasi loyal! Agree?
BINABASA MO ANG
KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯
VampireShe is KIRSTEN ORTEGA. A Half human-Half vampire. Buong buhay nya, Isa lang tangi nyang hinahangad yun ay ang maging isang ganap na TAO. Nais nyang maging tao tulad ng kanyang ina, Sawa na syang mabuhay ng may dugong bampira. Pagod na sya sa lahat n...