"Akala ko pa naman mas ligtas tayo rito" Naghihinayang na sabi ni mama.
"Walang ligtas na lugar para sa mga katulad naming bampira Ma" Seryosong sagot ni kuya.
Ibubuka ko na sana ang bibig ko para magsalita nang biglang umingay sa labas. Napahawak ako sa braso ni mama habang dali dali namang sumilip sa bintana si kuya.
"Damn!"Malutong na mura nito.
"Gaano kadami kuya?" Tanong ko.
Marami akong presensyang nararamdaman diko lang mawari kung ilan. Sigurado akong naaamoy nila ang dugo ni mama.
"Marami..." Sagot ni kuya saka tumingin kay mama "Naaamoy nila ang dugo ni mama"
Napabaling din ako kay mama "Ma, Bat di mo pa sinusuot ang kwintas mo?" Natatarantang sabi ko. Nakng! Mukhang dito na ata kami mamamatay.
Hindi na sya sumagot bagkus ay dali dali nalang nitong kinalkal ang bagahe nya.
"Bilisan mo mama" Sabi ko saka ko binalingan si kuya na seryosong inaasembol ang mga baril nya.
Lumapit ako sakanya "Tutulong ako kuya..." Bampira na 'ko ngayun. Malakas na 'ko kaya ko nang makipaglaban sa ibang bampira.
"No." Mabilis na sagot nito "You'll stay here. Hindi ka pa handa" Dagdag nito.
Aangal pa sana ako nang biglang lumapit saamin si mama "Oo nga naman sweetie, Stay here with me muna" Pagsang-ayon ni mama.
"Dito lang kayo. I'll be back" Tumayo na ito saka ako tiningnan ng seryoso "I promise."
Di na ko tuluyang naka-alma nang mabilis nitong tinahak ang daan palabas. Napabuntong hininga nalang ako saka niyakap si mama. Nararamdaman ko ang takot na nararamdaman nya para kay kuya at alam kong nararamdaman din yun ni kuya.
"Magiging maayos ang kuya mo sweetie...." Bulong ni mama.
Tumango ako "Sana nga mama.." Bulong ko pabalik.
Sana nga maging maayos sya. May tiwala akong makakaya ni kuya ang mga bampirang yun. Nakita ko na syang nakipaglaban noon at masasabi kong Pambihira ang lakas na taglay nya.
MGA LIMANG MINUTO lang ang tinagal ng mga presensya ng mga bampirang uhaw na uhaw sa dugo. Masasabi kong nagtagumpay si kuya pero nakakapagtaka ang ibang presensyang nararamdaman ko.
"Tapos na mama...." Sabi ko.
Napahinto naman sa pabalik balik na paglalakad si mama saka ako nilapitan.
"Anung nangyari? Ang kuya mo? Ligtas ba sya? Napatay nya ba lahat? May sugat ba sya? Ano?Ano? Asan ang kuya mo?" Sunod sunod na tanong nito.
Isang malakas na hangin ang sumagot sa mga tanong ni mama. Kasabay nang pagkalma ng hangin ay ang paglitaw ng imahe ng apat bampira sa harapan namin kasama na dun si kuya.
"Kuya? Sino sila?" Nagtatakang tanong ko habang nakaturo sa tatlong kasama nya.
"Janice?" Napatingin ako kay mama nang magsalita ito "Ikaw ba yan janice?"
Kumunot ang noo ko nang ngumiti ang isang babaeng bampira at niyakap si mama.
"Oo. Ako nga ito karen, Kaytagal kong hinintay ang araw na ito"
Naguguluhan akong lumapit kay kuya at sa dalawang lalaking katabi nya.
"Sino sila kuya?" Kunot noong tanong ko.
Ngumiti si kuya saka ako inakbayan "Sila ang mga kapatid ni papa kirsten.." Sabi nito.
Tiningnan ko nang mabuti ang dalawang lalaking bampira. May pagkakahawig ang mga ito kay papa.
"Kamusta kirsten? Ako ang uncle john mo" Sabi nang lalaking may blonde ang buhok. Sa kanilang dalawa mas mukha itong seryoso.
Napatingin naman ako sa katabi nya na normal na kulay itim ang buhok. Mukha itong loko loko pero makikita mo sa mga mata nya ang kaseryosohan.
"Ako naman ang uncle marlon mo kirsten.." Pagpapakilala nya.
Palipat-lipat lang ang tingin ko sakanilang dalawa. Hindi ako makapaniwalang kaharap ko ngayun ang mga kapatid ni papa. Pakiramdam ko nakasama ko ulit si papa dahil sa presensya nila.
PAGKATAPOS ng pagpapakilala ay nag-alok si auntie janice na maghapunan sakanila. Si Auntie janice pala ay asawa ni uncle john at bestfriend ni mama.
"Alam mo kirsten kahit nabuhay na ang pagiging bampira mo. Amoy na Amoy pa rin namin ang dugong tao mo, kaya nga siguro parang mga asong ulol ang mga bampira kanina sa labas ng bahay ninyo." Sabi ni Auntie janice habang umiinom ng dugo.
Dugo ang hapunan nila. Kahit naman kasi kumain sila ng pagkain ng tao, di rin naman nila iyon malalasahan. Ang bampira ay walang panlasa tanging dugo lang ang tinatanggap ng panlasa at pang-amoy nila.
"Alam mo karen dapat mong bantayan ng maigi itong si kirsten, Sigurado akong alam na ng hari ng dilim na nandito na ang Special na babaeng bampira" Sabat ni uncle john.
Kumunot ang noo ko "Special na babaeng bampira? Ano pong ibig sabihin nun?" Tanong ko.
Nagkatinginan sila uncle john, uncle marlon at si auntie janice. Nakaupo silang tatlo sa harapan namin kaya madali iyong mapansin.
"Hindi nyo pa sinasabi sakanya?" Gulat na tanong ni uncle marlo.
"Kakasibol palang ho ng dugong bampirang dumadaloy sa ugat nya. Hindi pa po kami nagkakaroon ng pagkakataong ipaalam sakanya ang lahat" Si kuya ang sumagot.
Ipaalam sakin ang lahat? Meron pa pala akong hindi alam? At ano ang epecial na babaeng bampira ang sinasabi nila? Bakit pakiramdam ko, marami akong kailangan malaman about this place....about my family.
"Sabagay, maaari rin syang malito" kibit balikat na pagsang-ayon naman ni autie janice.
"Gusto kong tanggapin nya muna kung sino sya bago namin sabihin sakanya ang lahat" Sabat ni mama sabay sulyap sakin.
"Mas mabuti ngayun" seryosong sabat ni kuya marlon.
Natahimik na sila pagkatapos ng pag uusap na 'yon. Inabala ko nalang ang sarili ko sa pagkain ng tinapay na dala ni mama.
May dugo akong tao kaya nakakakain pa rin ako ng pagkain ng mga tao. Hindi ko kailangan ng dugo para mabuhay at lumakas. Yun nalang siguro ang maganda sa sitwasyon ko ngayun. I hate blood. I hate it.
Mabuti nalang at hindi dugo ng tao ang iniinom nila kundi dugo din ng hayop. I wonder, kung paano nila iyon nakokontrol on their own. May gamot kaya silang ginagamit?
"Are you okay?" Bulong ni kuya.
Nabaling naman ang atensyon ko sakanya. Dugo ng hayop ang malimit nyang iniinom, May gamot syang tinutusok para macontrol ang pagkauhaw nya sa dugo ng tao.
"Im okay. Im just tired kuya...." bulong ko pabalik.
Narinig ko ang pagbuntong hininga nito.
"Uuwi na rin tayo maya-maya" bulong pa nito.
Tumango nalang ako at tahimik na kinain ang tinapay para sa hapunan.
BINABASA MO ANG
KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯
VampirosShe is KIRSTEN ORTEGA. A Half human-Half vampire. Buong buhay nya, Isa lang tangi nyang hinahangad yun ay ang maging isang ganap na TAO. Nais nyang maging tao tulad ng kanyang ina, Sawa na syang mabuhay ng may dugong bampira. Pagod na sya sa lahat n...