CHAPTER 35

1.4K 33 2
                                    

KIRSTEN POV

NAPABALIKWAS ako ng bangon ng biglang lumiwanag ang katawan ni carlo. Nanlaki ang mga mata ko nang unti unting umangat ang katawan niya sa ere.

"Carlo!" Bumakas ang takot sa mga mata ko. Anong nangyayari?!

Lalapitan ko sana siya para hilain pababa nang bigla akong tumilapon sa dingding. Ramdam ko ang hapding dinulot non sa likod ko. Napaungol ako sa sakit.

"Wag kang matakot kirsten..." Gulat akong nag-angat nang tingin kay carlo. Nagsalita siya pero boses babae ang lumalabas. Nagliliwanag ang mga mata niyang nakatutok lamang sa'kin, parang hindi si carlo ang kausap ko.

"S-Sino ka?" Nahintakutan kong tanong. Natatakot ako sa posibleng mangyari kay carlo. Nasaniban ba siya ng masamang elemento?

"Ako ang libro ng hinaharap kirsten at ang batang ito ang napili kong bagong tagabasa." Sabi pa nito na ikinakunot ng noo ko. "Gusto kong dalhin mo siya sa banal na silid kung nasaan ako. Kailangan ko na siya, upang harapin ang kaniyang tungkulin."

"Napakabata niya pa!" Ang bata bata pa ni carlo, hindi ko nga alam kung nasa limang taon na ba ito!

"Ako ang magsisilbing gabay niya. Kailangan mo na siyang dalhin sa banal na silid bago pa mahuli ang lahat."

"A-Anong ibig mong s-sabihin?" Tumayo ako at bahagyang lumapit sa kaniya.

"Mamamatay ang batang ito kapag hindi niyo pa siya nilagay sa tabi ko. Mamamatay rin ang matandang nasa loob ng banal na silid kapag nagtagal pa siya roon." Napasinghap ako."Ang batang ito at ang matandang mangkukulam na 'yon ay sabay na mamamatay katulad ng mga ibang tagabasa."

"Bakit siya pa?!"

"Dahil ang batang ito ay nasa propesiya. Isang makapangyarihang tagabasa at sa kaniyang salinlahi manggagaling ang mga magiging tagabasa sa hinaharap." Sabi nito.

"Pero...napakabata niya pa," Naluluhang sabi ko.

Hindi na niya ako muling sinagot. Mabilis na naglaho ang liwanag sa katawan ni carlo at dahan dahang bumaba ang katawan niya sa kama.

Mabilis ko siyang dinaluhan nang magmulat siya nang mga mata. Ngumiti siya ng makita ako at sinapo ang dalawang pisngi kong basang basa na sa luha.

"Auntie? Bakit ka na naman naiyak? Dahil ba nakatulog ako? Sorry na auntie, bigla kasi akong inantok." Sabi niya.

Umiling lang ako at niyakap siya. "Okay lang, mahal na mahal ka ni auntie...." Hikbi ko.

"Wag ka na iyak..."

Tumango ako at mabilis na nagpunas ng luha habang yakap pa rin siya. "Oo, hindi na iiyak si auntie."

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat atsaka bahagyang inilayo sa'kin. Mapait akong ngumiti. "Carlo, may ipapaliwanag si auntie sa'yo pero promise mo na makikinig ka, okay?" Mahinahon kong sabi.

Mabilis siyang tumango. Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita. "Nakakapag-basa kana ba carlo?" Tanong ko.

"Oo, isang taon palang si carlo ay nakakapag-basa na siya." Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ng pamilyar na matanda sa tabi ni carlo.

"Lola!" Bumakas ang tuwa sa mukha nang bata nang yakapin niya ang bagong dating na matanda.

Nangilid ang mga luha ko at niyakap rin siya. Isa siya sa mga importante sa'kin na nawala rin sa aking alaala. "Kamusta ka kirsten?" Tanong niya.

Nag-angat ako nang tingin sa kaniya. Mabilis naman niyang pinunasan ang mga luha ko sa pisngi. "Pasensiya na po nakalimot ako..." Hikbi ko.

Ngumiti lang siya. "Wala kang kasalanan." Hinaplos niya ang buhok ko. "Namiss ko ang mga mata mo at ang mga ngiti mo." Aniya na lalong nagpa-agos sa mga luha ko.

KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon