"Isa kang halimaw kirsten..."
Naririnig ko na naman sya. Ang halimaw na pilit kumakawala sa katawan ko. Gusto na nitong lumabas at tuluyan akong sakupin pero hindi! Ayokong maging halimaw.
"Akin ka lang kirsten. Akin lang ang katawan mo, ang kapangyarihan mo at lahat ng nasayo ay pagmamay ari ko." Sabi pa nito saka tumawa ng malakas.
Naramdaman ko ang paninigas ng buong katawan ko. Hindi ako makakilos, kinokontrol na naman nya ako. Gusto kong lumaban pero sa bawat ginagawa ko 'yun parang mas lalo lang syang lumalakas.
"Kirsten...."
Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Pinipilit kong gumalaw pero hindi ko kaya. Masyado syang malakas.
"Kirsten wake up..."
Naramdaman kong may yumuyugyog sakin. Gusto kong gumising, Gusto kong magmulat ng mga mata pero kusa nang tumigil ang pagpupumiglas kong kumawala sakanya ng marinig ko ang mga sumunod nya pang sinabi.
"Kapag dumating na ang takdang oras kirsten. Ikaw at ang sarili mong mga kamay ang kikitil sayong mga minamahal," Hindi! Hindi yun mangyayari! Paglaban ng utak ko.
"Hindi....." Nanghihinang nabulalas ko.
Narinig ko ang paghalakhak nito "Isipin mo ang pakiramdam kirsten!" Sabi nito "Isipin mo ang pakiramdam na ikaw mismo ang kikitil sa buhay nila!" Dagdag nito na nagpanumbalik sa buong lakas ko.
"HINDI!"
Hinihingal akong napabalikwas ng bangon. Diretso lang ang tingin ko habang walang tigil sa pag agos ang mga luha ko. Natauhan lang ako ng maramdaman ko ang isang mainit na yakap ang bumalot sa buong katawan ko.
Napahagulhol ako nang maalala ko ang mga napanaginipan ko kani-kanina lang. Nakausap ko na naman sya. Nakausap ko na naman ang halimaw na nagkukubli sa loob ko.
"It's ok kirsten, Everything will be alright." Bulong nito sakin.
"Kinukuha na nya ako kuya..." Sumbong ko rito.
Hindi sya sumagot bagkus ay mas hinigpitan nalang nya ang pagkakayakap sakin.
Mas gugustuhin ko pang mamatay kesa ang maging halimaw. Ayokong maging katulad ng mga bampirang napatay ko na.
NAKATULALA lang akong nakahiga sa kama ko pagkatapos kong mag iiyak. Kanina pa lumabas si kuya para kausapin si mama na alalang alala sa kalagayan ko.
Hanggang ngayun di pa rin mawala sa isipan ko ang mga sinabi ng halimaw na 'yun sa panaginip ko. Pakiramdam ko ay sinigurado nya talagang magugulo nya ang buong sistema ko.
Napabuntong hininga na lamang ako at walang buhay na bumangon sa kama. Gabi na naman. Dapat sa mga oras na ito ay nasa skwelahan na ako at kinakausap si rina. Isang gabi na naman ang lumipas.
Lumabas ako ng veranda saka tumingala sa mga bituin. Hindi ko ma-imagine na darating ang araw na hindi ko na makikita ang mga bituin na ito at ang ganda ng paligid ko.
Natatakot ako. Natatakot ako na baka tuluyan na akong lamunin ng kadiliman. Natatakot ako dahil alam ko sa sarili ko na wala akong lakas para lumaban.
"KAMUSTA na ang kalagayan mo?" Tanong nya sakin nang dumalaw ito kinabukasan.
"I'm fine now darwin..." Nakangiti kong sagot rito nang hindi man lang sya tinatapunan ng tingin.
"Hinahanap ka na ng kaibigan mong witch," May asim ang tono ng boses na sabi nito.
Bahagya akong natawa. Alam na pala nya, bago pa sila nagkaroon ng date ni rina ay alam nya na kung sino talaga ito. Iniisip ko tuloy kung alam rin ba ito nila kuya.
"Pumasok kana mamaya para hindi ka nila hinahanap sakin," Sabi pa nito.
Kumunot ang noo ko "Nila?" Nagtatakang sinulyapan ko ito.
Nasa living room kami ngayun. At kanina pa siya rito. Nangungulit at nagtatanong ng paulit ulit. Ngayun lang ata sya medyo nagseryoso eh.
Tumango ito "Yung witch parati akong kinukulit." Sumimangot ito "Tapos sumali pa 'yung dark na 'yun."
"S-Si dark?" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at sana di 'yun naramdaman ni darwin. Si dark....miss na miss ko na sya.
"Oo..." Lalo itong sumimangot "Kung hindi ko lang 'yun kaibigan ay baka nasa hukay na iyon ngayun."
Lalo akong naguluhan "Kaibigan mo sya?" Bakit hindi ko sila nakikitang magkasama? Bakit parating mag isa si dark? Akala ko wala itong kaibigan O kinakaibigan.
Tumango ito saka bumuntong hininga "Oo....at utang ko sakanya ang buhay ko," Sabi pa nito.
Natahimik ako ilang sandali. Maliit na nga talaga ang mundo para saaming lahat. Pakiramdam ko ay nakaplano na ang mga buhay namin. Totoo nga siguro ang tadhana na parati kong naririnig kela kuya at mama noong bata pa ako.
"Darwin?" Baling ko ulit ito ng tingin.
"Hmmm...." Sabi nito nang hindi man lang tumitingin sakin. Abala na ito ngayun sa pinapanuod nya. Diko man lang namalayan na nabuksan na pala nito ang telebisyon.
"Si dark...." Bumuntong hininga muna ako "Bakit pakiramdam ko matagal na syang naging parte ng buhay ko," Bakit nung una ko palang syang nakita agad nang tumibok ang puso ko? Bakit Pakiramdam ko kilalang kilala ko na sya.
Agad namang lumipad ang tingin nito sakin. Gulat at pag aalinlangan ang nakita ko sa expresyon ng mukha nito bago ito nag iwas ng tingin sakin.
"Malalaman mo rin sa tamang panahon kirsten," Makahulugang sabi nito.
"Sabi ko na nga ba't hindi mo ako masasagot." Pakiramdam ko lahat ng taong nasa paligid ko nagsisinungaling sakin! at Naiinis na talaga ako.
Nakita ko ang pagtikom ng bibig nito nang biglang dumating si mama. Parang may gusto syang sabihin na hindi nya na natuloy dahil sa presensya ni mama.
"Uminom muna kayo," Nakangiting sabi ni mama bago nito ibinaba ang isang tray na may dalawang basong dugo ng hayop.
"Salamat po Auntie," Nakangiting pagpapasalamat ni darwin rito.
Ngumiti naman pabalik si mama rito saka bumaling sakin "Sweetie mamaya bago ka pumasok dumaan ka muna sa lab. Okay?"
"Bakit po ma?" Tanong ko rito.
"May ibibigay lang ako sayo." Sagot naman nito bago kami ulit iniwan ni darwin sa sala.
"Mukhang hindi gusto ng mama mo na nandito ako at kausap ka," Ani ni darwin pagkalayo ni mama.
Tiningnan ko ito "Bakit naman?" Takang tanong ko. Gusto kong isipin na nagjojoke lang ito pero napakaseryoso ng ipinapakita ng mga mata nyang diretso lang ang tingin sa T.V o kung saan man.
Nagkibit balikat ito "Ewan. Siguro dahil natatakot sya na may masabi ako sayo." Makahulugang sabi nito.
"Katulad ng ano?" Takang tanong ko.
"Katulad ng mga bagay na hindi mo pwedeng malaman," Binalingan ako nito ng tingin. Napakaseryoso pa rin ng mga mata nya na kung tumitig sakin ay parang nangungusap.
"Darwin...." lalong kumunot ang noo ko. Naguguluhan na naman ako.
"Wag ka nang mag isip kirsten. Masasagot mo rin naman lahat ng katanungan sa isip mo sa lalong madaling panahon," Makahulugan pang sabi nito bago ito naglaho na parang bula.
Fuck! Did he just use his teleporting power.
Tinakasan ako ng hayop! Arg. Humanda talaga sya sakin kapag nakita ko sya.
BINABASA MO ANG
KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯
VampiriShe is KIRSTEN ORTEGA. A Half human-Half vampire. Buong buhay nya, Isa lang tangi nyang hinahangad yun ay ang maging isang ganap na TAO. Nais nyang maging tao tulad ng kanyang ina, Sawa na syang mabuhay ng may dugong bampira. Pagod na sya sa lahat n...