SOBRANG bilis ng pangyayari. Akala ko ay mamamatay na ako pero tila kakampi ko pa rin ang may lalang at hindi niya ako pinabayaan.
Mula sa damuhan na aking kinabaksakan ay sinubukan kong tumayo kahit na punong puno ako ng sugat.
"Kirsten!" Gulat akong napatingin kay rina nang humahangos itong lumapit sa 'kin.
"A-Anong ginagawa mo d-dito?" Nahihirapan kong tanong.
Nangilid ang mga luha niya. "Hindi ko kayang maghintay nalang doon habang nandito kayo sa panganib." Sinubukan niya akong tulungang makatayo pero sadyang hindi ko talaga kaya. Masyadong nanghina ang katawan ko lalo na't tumilapon ako at diretsong bumagsak sa damuhan.
"A-Asan sila mama? Si autie j-janice? Si ate rhian? At ang reyna? H-Hindi ba't kasama mo sila?" Tanong ko habang iniinda ang sakit ng aking katawan.
"Wag mo silang alalahanin. Ginamitan ko sila ng mahika upang panandalian silang makatulog." Aniya. "Kasama ko si ate sa pagpunta rito. Nandito rin si nanay para tulungan tayo kaya magpaka-tatag ka." Aniya.
"Susubukan kong kayanin 'to rina..." Pilit lang akong ngumiti at sumuka ng dugo. "S-Sila dark....." Nanghihinang bulong ko. Baka kung ano na ang nangyayari sa kanila.
"D-Delikado ang lagay nila kirsten....S-Sugatan na silang l-lahat..." Naluluhang aniya.
Ilang beses akong huminga nang malalim bago ko pinilit na tumayo. Malaking tulong din na inaalalayan niya ako, hanggang sa tuluyan na nga akong makabangon at makatayo. Napaungol ako sa sakit ng aking katawan.
"Kirsten...." Alalang bulong ni rina sa 'kin.
Huminga ako ng malalim. "Kaya ko...." Muli akong umubo ng dugo. "Kaya ko...." Pagkukumbinsi ko sa kaniya at sa sarili ko.
"K-Kirsten, kailangan na nating l-lumayo dito. H-Hindi ko kayang itago ng matagal ang amoy ng dugo m-mo." Sabi niya.
Napayuko ako sa sobrang bigat ng pakiramdam ko. Ano nga bang nangyari at nagkaganito ako? Ang naalala ko lang naman ay ang biglaan kong pagtilapon sa damuhan nang sugurin ni dark cane ang halimaw na may hawak sa leeg ko. Nasan na kaya siya? Ayos lang kaya sila?
"Kirsten..." Alalang pukaw ni rina sa 'kin. "Wag kang panghihinaan ng loob." Aniya.
Tumango lang ako. Tumingin ako sa paligid namin at nagulat sa nakikita. Ang dating magandang parke ay tila dinaanan na ng sakuna. Hindi ko na halos ito makilala, ngayon ko lang rin napansin na nangingitim na lahat ng halaman at damo sa paligid.
"B-Bakit...? Anong n-nangyayari sa paligid r-rina?" Naguguluhan at nanghihina kong tanong.
Narinig ko ang pagsinghot niya bago sumagot. "Nasa isang ilusyon tayo ngayon na ginawa nila nanay at ate rhian. Kailangang protektahan ang iba kaya gumawa sila ng harang gamit ang ilusyon." Paliwanag niya.
Napatango ako. Bubuka pa sana ang bibig ko para magtanong nang bigla kaming tumilapon ni rina. Napaungol ako sa sakit. "R-Rina...." ungol ko.
"Hindi ko akalain na isang mahinang tao ang napili ng propesiya." Rinig kong pamilyar na sabi ng isang nilalang. Tumawa ito nang makitang hinang hina ako. "Hangal ang huwad na librong 'yon! Anong tingin niya sa 'kin?! Isang pipitsuging bampira para itapat sa 'yo?!"
Pinilit ko siyang tiningnan. "H-Hayop ka..." Puno ng galit kong sabi rito.
Ngumisi siya atsaka lumapit sa 'kin. "Ang sarap talaga sa pakiramdam nang pagiging malaya, salamat sa uto-utong prinsepe." Halakhak niya. "Akala ba nila mapipigilan nila ako sa pagpatay sa 'yo? Kahit ang ilusyong ito ay walang magagawa para iligtas ka." Aniya.
Lalong tumalim ang tingin ko sa kaniya. Hindi ako nagsalita. Ayokong sayangin ang lakas na natitira sa 'kin para sa kaniya. Kailangan kong manatiling malakas para kela mama.
"Wala ka bang gustong sabihin bago kita patayin?" Ngisi niya. Lumuhod ito atsaka hinila ang buhok ko pataas. Ngumiwi ako. "Sayang. Gusto ko mang habaan ang buhay mo ay hindi na maaari, kailangan mo nang mawala sa landas ko para mapanatag ang loob ko." Ngisi niya.
Ngumisi rin ako. "Hindi ko alam na natatakot ka pala sa isang taong tulad ko? Tingin mo ba, kapag napatay mo ako magtatagumpay lahat ng plano mo?" Umiling ako. "Maraming hahadlang sa 'yo! Hindi ka magtatagumpay!" I shouted, full of anger.
Tumiim bagang siya. "Isa kang hangal!" Muling bumagsak ang ulo ko nang sampalin niya ako nang malakas. Muli akong napaubo ng dugo. "Wala kang karapatang pagsalitan ako ng ganyan! Ako ang magha-hari ng buong mundo kaya galangin mo ako tao." Singhal niya.
"I-Isa lang ang hari ko at h-hindi ikaw 'yon." Malamig kong wika.
Nanggigil siya sa galit nang itaas niya ako gamit ang kamay niyang mahigpit ang hawak sa aking leeg. Napapikit na lamang ako. Kung mamatay man ako ngayon, ayos lang dahil alam kong hindi hahayaan ng mahal na hari't reyna na mamuno ang kasamaan sa buong mundo.
"Paalam hangal na tao...." Ngisi niya.
Pumikit na lamang ako at hinantay ang aking kamatayan.
Paalam aking prinsepe.
"W-What the.....?" Nagulat ako nang mabitawan ako nang hari ng dilim. Muli akong bumagsak pero ngayon ay mas mahina na ako. Tanging tenga ko nalang ang nagagamit ko at hindi ko na rin magawang imulat pa ang aking mga mata. Hindi na rin ako makagalaw.
"K-Kirsten...." Rinig kong tawag sa 'kin ni rina. Naramdaman kong nasa tabi ko na siya. "N-Nandito na s-sila. Ililigtas na n-nila tayo." Rinig kong bulong niya sa nanginginig na tinig.
"R...Rina," Tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Pagod na ako. Masakit na ang buong katawan. Hirap na hirap na ako pero gusto ko pa ring malaman ang nangyayari. Kamusta na sila papa? Si kuya? Sila uncle at auntie? Ang hari't reyna? Ang mama't ate ni rina? Si darwin at ang aking prinsepe? Ano nang nangyayari sa kanila.
Nanginig ako nang maramdaman kong humampas ang di pangkaraniwang lakas hangin. May mga dasal akong naririnig na alam kong tanging nga mangkukulam lamang ang nakakagawa, alam ko 'yon dahil minsan na akong nakarinig kay rina nang mga dasal na hindi ko naman maintindihan. Kung hindi ako nagkakamali ay ang mama ni rina at ate rhian ang gumagawa ng dasal. Pero bakit? Para saan? Matutulungan ba kami nito.
"Kirsten..." Naramdaman kong tumaas ako sa ere. Nakaramdam naman ako nang kaginhawaan nang maamoy ko si papa. Ligtas siya. "Nandito kami anak. Kapit lang, magiging maayos din ang lahat." Bulong ni papa.
Sana nga papa.....
"Pa! Delikado na ang ginagawa ni dark, baka malipat sa kaniya ang kaluluwa ng hari ng dilim." Rinig kong sabi ni tito.
Anong nangyayari? Anong ginagawa nang aking prinsepe? "Hindi na kakayanin nila rhian at ng mama niya ang lakas ng enerhiyang nilalabas ng prinsepe." Parinig kong sabi ni Auntie janice.
Ang aking prinsepe.....
"Anak, lahat ay gagawin ko para sa'yo. Magpalakas ka prinsesa ko...." Makahulugang bulong ni papa. Kusa na lamang tumulo ang mga luha ko. Anong gagawin mo papa?
Bakit hindi ako makagalaw? Bakit hindi ako makapag-salita?! Bakit ang hina hina ko!!
"Keiji, hawakan mo muna ang kapatid mo." Rinig kong sabi ni papa.
Naramdaman ko namang nasa bisig na nga ako ni kuya. "Pa anong binabalak mo?" Nahihimigan ko ang pag-aalala sa boses ni kuya.
"Gagawin ko ang makakabuti para sa kapatid mo." Huling salitang narinig ko kay papa bago nawala ang presensiya niya sa tabi ko.
"Sh*t!" Bulong ni kuya. "You will be fine princess..." bulong pa ni kuya bago ako tuluyang nilamon ng kadiliman.
Ang papa ko.....
Anong nangyari sa kanila ng aking prinsepe?
Hi dreamers 😂
Kamusta po? Sana magustuhan niyo po ito 😂😂😂 love you po 😍😘
BINABASA MO ANG
KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯
VampiroShe is KIRSTEN ORTEGA. A Half human-Half vampire. Buong buhay nya, Isa lang tangi nyang hinahangad yun ay ang maging isang ganap na TAO. Nais nyang maging tao tulad ng kanyang ina, Sawa na syang mabuhay ng may dugong bampira. Pagod na sya sa lahat n...