HINDI MAN lang kumurap ang mga mata ko nang magising ako. Nandito ako sa silid ko. Tahimik pero alam kong may kasama ako, hindi ko lang alam kung sino. Hindi ko pa magalaw ang katawan ko, maski ang ulo.
Kumunot ang noo ko at inalala kung bakit ako nagkakaganito. Nanlaki ang mga mata ko. Gustuhin ko mang bumalikwas ng bangon ay hindi ko magawa. Damn!
"Mabuti naman at gising kana..." Rinig kong sabi ng isang malambing na boses. "Kamusta ang pakiramdam mo kirsten?" Tanong niya pa.
Pumikit ako at pilit ginalaw ang mga kamay. "B-Bakit hindi ako makagalaw?" Nanginginig kong tanong.
"Wag kang mabahala." Lumapit pa siya sa'kin at inabot ang isa kong kamay. Hindi ko siya makita dahil hindi ko mabaling ang ulo ko sa pwesto niya sa gilid ko. "Babalik ka din sa normal. Maghintay lamang tayo ng ilang minuto." Mahinahon niyang wika.
"Sino ka ba?" Pagbabalewala ko sa mga sinabi niya.
Humalakhak siya at biglang itinapat sa mukha ko ang mukha niya. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "Bea?!" Gulat kong wika.
"Akala ko hindi mo na ako nakikilala eh." Halakhak niya.
"A-Anong...?P-Paanong......?" Naguguluhan at gulat ko pa ring wika.
Hindi ba't ayaw niya kay tito marlon at sa mga bampira? Bakit siya nandito ngayon?
"Namulat na ako kirsten. Namulat na akong hindi naman pala masasama ang lahat ng bampira. Mula nang iligtas mo ako at nakilala ay naputol na ang layunin kong patayin ang lahat ng bampirang makita ko." Seryosong sabi niya atsaka hinawakan ang aking kamay. "Isa akong vampire hunter kirsten. Pinatay ng mga bampira ang mga magulang ko kaya ganon nalang ang galit ko sa mga ka-uri ninyo. Hindi ko alam na iba iba pala ang mga bampira, na may mga mabubuti palang bampira tulad ninyo." Aniya.
Napatitig ako sa kaniya. Hindi ko alam na may pinagdaanan siyang problema. Kaya pala ayaw niya kay tito marlon. Malinaw na sa'kin ang lahat....
Pero, "N-Noong nakita k-kita sa gubat? Bakit mukhang wala kang laban sa h-halimaw?" Mahinang tanong ko.
Mapait siyang ngumiti at yumuko. "Kinakahiya ko ang araw na iyon kirsten....ang halimaw na iyon," tumulo ang mga luha sa mga mataa niya ng pagmasdan niya ako. "Isa siya sa pumatay sa aking ama't ina....natalo ako ng matinding galita at takot..." Hikbi niya.
Gusto ko siyang lapitan at yakapin pero hindi ko pa rin magalaw ang aking katawan. Hindi ko siya madamayan kasi maski mga daliri ko ay hindi ko kayang pakilusin.
"Bea...." Nagitla ako ng biglang sumulpot si uncle marlon at niyakap si bea. "Shhh....tahan na," Bulong nito sa iniibig.
Ngumiti ako. "U-Uncle......" buntong hininga ako. "N-Nauuhaw ako...." Mahinang wika ko.
Napalunok ako para sana pawiin ang uhaw na nararamdaman pero hindi pa rin ako makuntento. Nauuhaw pa rin ako. Parang gusto kong uminom ng dugo. Maraming dugo.......ng tao.
Huminga ako ng malalim at suminghap. Uhaw na uhaw talaga ako.
"Kailan siya huling nakainom ng gamot?" Rinig kong tanong ni bea ng hawakan niya ang pulso ko.
"Hindi ko alam. Bakit?" Tanong ni uncle marlon.
"Nauuhaw na siya. Ang bilis ng tibok ng pulso niya." Anito.
Napapikit ako pero agad ding nagmulat ng maramdaman ko ang pamilyar na presensiya sa tabi ko. Gusto ko siyang tingnan pero hindi ko pa rin maigalaw ang ulo ko. Hindi pa rin ako makagalaw.
"Ako na ang bahala sa kaniya." Rinig kong sabi niya.
Naramdaman ko naman ang paglayo ni bea sa'kin at unti unting pagkawala ng presensiya nila ni uncle sa loob ng silid.
BINABASA MO ANG
KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯
VampirosShe is KIRSTEN ORTEGA. A Half human-Half vampire. Buong buhay nya, Isa lang tangi nyang hinahangad yun ay ang maging isang ganap na TAO. Nais nyang maging tao tulad ng kanyang ina, Sawa na syang mabuhay ng may dugong bampira. Pagod na sya sa lahat n...