NAPAUNGOL AKO sa matinding sakit na nararamdaman. Handa na sana ako sa pag-pasok ko sa University nang maramdaman ko na naman ang pamilyar na pagsakit ng buong katawan ko, lalo na nang ulo ko. Nahintakutan ako at mabilis na ni-lock ang pinto. Kaagad akong tumakbo sa loob ng banyo at humarap sa salamin. "W-Wag muna n-ngayon..." Nanginginig kong bulong.
Nangilid ang mga luha ko nang magsimula na namang humaba ang mga kuko ko. Nakikita ko na naman ang dahan dahang pag-itim ng mga ugat ko. Napailing ako at muling napa-ungol sa sakit. Hindi ito pwede! Hindi ako pwedeng matulad kay kuya....wag muna ngayon.
"Kirsten...." Gulat akong napatingin sa kaniya. Anong....? Paano siya nakapasok rito?
Napaatras ako nang akmang lalapit siya sa'kin. Naglagay ako ng harang sa pagitan naming dalawa, Natatakot ako sa pwede kong magawa kapag lumapit siya sa'kin. "A-Anong ginagawa mo dito? Umalis k-ka na..." Nahihirapan kong sabi sa kaniya bago ako napaluhod sa sakit.
"P-Patawarin mo 'ko....gusto ko n-namang sabihin na s-sayo ang lahat, eh." Aniya atsaka rin lumuhod para makapantay ako. "K-Kaya lang ay natatakot a-ako na baka k-kamuhian mo rin ako..."
"U-Umalis ka d-dito." Sabi ko.
Muli akong napaungol sa sakit. Nanghihinang tumingin ako sa kaniya nang sapuin niya ang pabagsak ko nang katawan. Kumurap kurap ako nang maramdaman kong buhatin niya 'ko. "Hindi u-ubra sa'kin ang kapangyarihan mo, mahal ko. Dahil tayong dalawa ay iisa at magalit ka man sa'kin ngayon....siguradong pa-ulit ulit na ipapaalala ng puso mo ang koneksiyon na'ting dalawa." Aniya.
Huminga ako nang malalim nang ilapag niya ako saaking kama. At duon ko lang napansin ang pagbabalik ko sa normal. Wala nang masakit sa'kin, pwera nalang sa puso ko ngayon na nadudurog na naman dahil sa matinding lungkot at sakit na nakikita ko sa kaniyang mga mata.
"D-Dark--"
"---Cane. You use to call me cain before." Malamlam ang boses niyang aniya atsaka ako binigyan ng halik sa noo. Mapait siyang ngumiti, "And....I want you to call me cane, again." Dagdag niya pa.
Hindi ako nakapag-salita. Tinitigan ko lamg siya sa mata na para bang nababasa ko roon kung totoo ba ang mga sinasabi niya. But, all i can see in his eyes....are full of sadness and guilt. Pumikit ako at hinayaang tumulo ang aking mga luha. Gusto niyang tawagin ko siyang cane tulad nang sa panaginip ko noon tungkol saaming dalawa. Ngunit, tama bang tawagin ko siyang ganon ulit? Gayong.... wala pa akong maalala?
Ramdam ko ang unti unting pagkalma ng buong sistema ko pati ang dahan dahang paghila sa'kin ng kadiliman. Pagod akong nagmulat ulit ng mga mata para salubingin ang mga nangungusap niya ring mga mata. "L-Leave...." Tanging salitang kaya kong sabihin sa kaniya bago ako tuluyang nawalan ng malay.
DARWIN POV
NANG makita ko si Dark sa labas ng kwarto ni kirsten ay alam ko na kagad ang nangyari. I sigh. Kailangan kaya magkakaayos ang dalawa.
"Bakit kasi hindi mo pa ipaalam sa kaniya ang lahat? Mas magandang ikaw na ang magsabi kesa maunahan ka pa nang iba, Dark." Sabi ko habang naglalakad palapit sa kaniya.
Umayos siya nang tayo at yumuko. "Sinusubukan ko namang sabihin sa kaniya, Darwin. Kaya lang sa tuwing sinusubukan ko ay lalo akong napanghihinaan nang loob." Aniya.
Napailing ako atsaka ko siya tinapik sa braso. "Kung hindi ka magkakalakas ng loob na sabihin sa kaniya. Lalo lang magtatagal itong hinala at galit niya sa'yo." Sabi ko.
Nag-angat siya nang tingin sa'kin atsaka malungkot na ngumiti. "Kapag nabawi ko na sa demonyo ang papa niya baka magkalakas loob na akong sabihin sa kaniya."
Kumunot ang noo ko. "Lalaban ka na naman? Noong huli mong labang muntik ka nang mamamatay, ah." Naalala ko iyon. Nang araw na iyon ay agad siyang nagpunta kay kirsten na punong puno nang sugat. Hindi pa rin siya nagtagumpay sa laban.
BINABASA MO ANG
KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯
UpířiShe is KIRSTEN ORTEGA. A Half human-Half vampire. Buong buhay nya, Isa lang tangi nyang hinahangad yun ay ang maging isang ganap na TAO. Nais nyang maging tao tulad ng kanyang ina, Sawa na syang mabuhay ng may dugong bampira. Pagod na sya sa lahat n...