VAMPIRE 31

1.6K 38 3
                                    

HANGGANG NGAYON ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman. Kahit nasa harapan ko na ngayon ang pruweba ay hirap na hirap pa rin ako itong paniwalaan dahil wala talaga akong maalala.

"Ibig sabihin matagal nang may koneksiyon ang pamilya natin kela rina?" Tanong ko kay mama.

Tumango ito. "Oo anak. Asawa ng kuya keiji mo ang ate ni rina. Hindi mo lang sila maalala dahil isa sila sa mga alaalang nawala sa'yo."

"Kung ganon...bakit sila nagkahiwalay ni kuya mama? At pati ba si rina ay walang maalala?" Tanong ko.

Hinaplos niya ang aking pisngi. "Dahil iyon ang tingin ng kuya mong tama at paraan para iligtas ang mag-ina niya." Tumulo na ang mga luha ni mama. "At oo, nabura rin ang alaala ni rina tungkol sa'tin kaya wala talaga itong maalala."

Kung ganon ay parehas lang pala kami ni rina. Sabay kaming napalingon sa kanila nang lumabas na sila sa silid na nagsilbing kulungan ni kuya. Kaagad nilapitan ni mama ang umiiyak na ate ni rina para yakapin. Bumaba naman ang tingin ko sa bata, namumukhaan ko ito. Ito ang batang kasama ni rina sa park noon.

"Hi." Ngumiti ako rito. Umupo ako para makapantay ko siya. "Ako ang Auntie kirsten mo. Kamusta kana?" Naluluha kong tanong. Kamukhang kamukha niya si kuya. Parang gusto ko tuloy batukan ang sarili ko dahil hindi ko ito napansin noon.

Nagtaas muna ito nang tingin sa mommy niya. At nang tumango si ate rhian rito ay nagulat nalang ako nang bigla akong yakapin ng bata. "Ako po si carlo. Kilala ko po kayo, parati po kayong binabantayan ng lola ko." Aniya.

Napangiti ako. "Talaga?"

"Opo." Masaya nitong sabi.

Natawa ako at ginulo ang kaniyang buhok. "Alam mo kamukhang kamukha mo ang kuya keiji ko." Di ko napigilang sabi.

"Si Daddy ko po? Kapatid niyo po ang daddy ko? Kaya pala magkamukha rin po kayo." Anito.

Napangiti ako. Hinaplos ko ang pisngi niya, "Oo, kapatid ko ang Daddy mo." Ngumiti ako at tiningala sila mama at ang asawa ni...kuya. hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga ako makapaniwala. "Wala man akong maalala, asahan mong hindi ko kayo pababayaan." Seryoso kong sabi.

"Hindi ka pa rin nagbabago, kirsten." Naluluhang lumuhod si ate rhian para makapantay kami ng anak niya. Hinila niya ako at niyakap nang mahigpit. "You still the sweet kirsten, i know." Hikbi niya.

Am I? Bago ba nawala ang mga alaala ko ay marami kaming mga memoryang binuo? Ang hirap talaga nang ganito. Iyong tipong naliligaw ka sa sarili mong mundo. Walang alam at walang maalala.

DARK CANE LORD POV

NANG BUMALIK ako nang palasyo ay wala akong kinausap kahit si darwin ay iniwasan ko. Hanggang ngayon ay palpak pa rin ako. Hindi pa rin ako nag-tagumpay. Kailangan ko nang matapos ito bago pa tuluyang mapahamak si kirsten.

Nakangiwing sinapo ko ang sugat ko sa'king tagiliran. Wala na nga akong nahita, mukhang napuruhan pa ako. Hayop talaga ang hari ng dilim na 'yon. Pasalamat talaga siya hindi ko siya kayang saktan.

"Need my help?"

Nag-angat ako nang tingin sa kaniya. Mukhang inaantay talaga nito ang pagdating ko. Seryoso ko lang siyang tiningnan at hindi pinansin.

Napatigil na lang ako sa akmang pag-alis nang muli siyang magsalita. "Iiwas ka na naman? Tulad nang dati ay tatakbo ka na naman sa katotohanan at sa mga kasalanan mo!"

Nakuyom ko ang aking kamao. "Tumahimik ka!" May pagbabanta sa tinig ko.

Nanunuya siyang tumawa. "Nakakaawa ka. Tingnan mo nga iyang sarili mo ngayon. May napala ka ba sa kahangalan mo?! Diba wala? Mas gusto mo pang sarilinin iyan kesa sabihin kay kirsten ang buong katotohanan."

"Sinabi nang tumahimik ka!" Marahas ko itong hinarap. "Isa kang hangal! Prinsepe ang kausap mo baka nakakalimutan mo!"

"Ikaw ang hangal dark...mula noon hanggang ngayon." Tumiim bagang ito. "Isa ka pa ring makasariling prinsepe na walang ibang hinangad kundi ang sariling kaligayahan! At dahil sa ginawa mo noon maraming nasira at nawasak, isa na doon ang pamilya namin nila kirsten."

"Hindi totoo iyan! Oo at nagkamali ako noon pero ginawa ko lang iyon para kay kirsten! Dahil gusto niya nang maging bampira tulad ko." Singhal ko.

"Ginawa mo para sa kaniya? Hindi porket sinabi niyang gusto niyang maging bampira ay totoo na iyon dark. Wag kang hangal at wag kang magbulag bulagan dahil ikaw rin ang dahilan kung bakit kahit ayaw niyang maging bampira noon ay  sinunod niya pa rin ang gusto mo."

Kumunot ang noo ko at naguguluhang tiningnan siya. "Anong ibig mong sabihin?"

"Kahit noon ay hindi niya pinangarap na maging bampira, alam ko iyon dahil sinabi niya sa'kin. Ginusto niya lang na maging katulad mo upang matanggap mo na siya nang buong buo. Mahal ka niya noon dark kaya kahit ayaw niya ay pilit niyang ginagawa para sa'yo."

Nanghihinang napayuko ako. Ano bang ginawa ko? "Tanggap ko siya kahit tao lang siya." Mahinang sambit ko.

"Hindi iyon ang nararamdaman niya. Hindi iyon ang pinaparamdam mo sa kaniya." Sabi pa nito.

"Ang gusto ko lang naman ay ang makasama siya." Mahinang sabi ko. "Masama ba iyon?"

"Sinabi ko na sa'yo noon dark...masama ang sobra sobrang pagmamahal. Sarili mo lamang na nararamdaman ang mahalaga sa'yo hindi iyong mga nararamdaman nang mga taong nagmamahal sa'yo."

"Hindi totoo iyan...." Nakakuyom ang mga kamaong sabi ko.

Hindi ako ganyan magmahal! Hindi ko hinangad kailanman ang makasakit nang mga minamahal! Lalo na si kirsten, hindi ko ginustong saktan siya!

"Buksan mo ang mga mata mo dark at tingnan mong maigi ang mga nagawa mo noon. Tingnan mo ang dinulot noon sa mga mahal mo."

Napailing ako at marahas siyang tiningnan. "Tumahimik ka! Ayoko nang marinig pa iyang mga sasabihin mo!" Madiing sabi ko rito.

"Hindi ka pa talaga handang maging hari, Dark. Tulad ka pa rin noon....isip bata at walang pakiramdam."

"Tahimik! Umalis ka na sa harapan ko." Nagpupuyos sa galit kong sabi rito.

Nilulukob nang matinding galit ang puso ko dahil kahit saan man ako tumingin ay alam kong ako ang may kasalanan. Kahit magbingi-bingihan man ako ay naririnig ko pa rin ang mga katotohanang isinusumbat niya sa'kin.

Oo kasalanan ko ang lahat. Ako ang nagsimula nang lahat. Ako ang nagpakawala sa hari nang dilim sa kulungan nito at nakipag-kasundo sa kaniya. Ako.....Ako ang may gawa nang lahat nang pasakit sa buhay ni kirsten.

Alam kong malaki ang kasalanang nagawa ko. At tatanggapin ko kung anumang kaparusahan ang nag-aantay sa'kin sa takdang panahon. Sana lang maayos ko na ang lahat at maibalik sa dating ayos...para sa kaniya. Kay kirsten.

++
Sabay po ito...i know. Walang kalaman laman huhuhu pero sana magustuhan niyo pa rin ito guys! Love you all :)

KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon