Dream_Secretly: I love you guys 😃 and sorry kung ngayon lang ako nag-post. Gusto ko kasing tapusin muna ang kwento nila kirsten at dark bago ko ito i-publish. 😁 Thank you readers!
Pagkalipas ng sampong taon.....
KUNOT ang noo ko nang makalabas ako sa silid ni Leviticus. Lumilinga linga ako sa malawak na pasilyo at nagbabakasaling naglalaro lamang siya pero wala talaga! Hindi ko maramdaman ang presensiya....
"Patawad mahal na reyna! Hindi ko po talaga kayang sabayan ang bilis at liksi ng prinsepe...." Hinging paumanhin ng taga-alaga ni leviticus.
Napabuntong hininga na lamang ako atsaka siya hinarap. "Naiintindihan ako. Doon ka na lamang sa kaniyang silid at ayusin ang mga gamit niya. Ipapahanap ko na lamang siya sa kaniyang ama." Sabi ko.
Tumango naman ito at magalang na sinunod ang aking utos. Nang makabalik na siya sa silid ng kaniyang alaga ay mabilis ko namang tinahak ang daan patungo sa kinaroroonan ng aking asawa. Siguradong kinunsinti na naman nito ang anak.
Mula kasi ng isilang ko si leviticus ay halos ibigay na niya sa kaniya ang lahat. Minsan ay ako na lamang ang sumasakit ang ulo sa katigasan ng ulo ng batang iyon. Kapag gusto niya kasi ay ginagawa niya talaga kahit pinagbabawalan ko siya.
Kung ano kasi ang bawal ay siyang ginagawa niya.
Nang makarating ako sa hardin kung nasan si dark ay doon ko lamang nakumpirma na tama na naman ang aking hinala. Kinukunsinti na naman niya ang kalokohan ng anak.
Salubong ang kilay ko nang lapitan ko sila. Kasalukuyang nagku-kwento si leviticus sa ama tungkol sa mga kalokohan nito nang tumayo ako sa harapan nila at nakapameywang.
"Ano na naman ang nilabag mo leviticus?!" Tanong ko sa siyam na taong gulang kong anak.
"Mahal, hayaan mo nang lumabas ang anak natin." Pagkampi na naman ni dark rito.
Matalim ko siyang tinitigan dahilan para tumikom ang bibig niya. "Kunsintidor ka talaga! Alam mo namang hindi pwedeng lumalabas ng palasyo si levi nang mag-isa lamang?! Hindi natin alam ang kapahamakang maaaring mangyari sa kaniya!" Singhal ko.
Mula nang mag-anim na taon si levi ay natuto na itong tumakas ng palasyo at lumabas ng walang kasama. Hindi ko naman pinagbabawalan na lumabas siya, ang akin lang ay dapat may kasama siya!
"Ina, kaya ko po ang sarili ko." Pangagatwiran ng bata.
Binalingan ko siya. "Isa ka pa!" Sigaw ko. "Hindi ba't sinabihan na kita na doon ka muna sa iyong silid hanggat hindi pa nahuhuli ang nagtaksil na kunseho?! Paano kung napahamak ka? Ha?!" Na-stress ako! Uso pa pala iyon kahit bampira na ako!
Isa pang inaalala ko ay baka makuha siya ng nagtaksil na kunseho na kasalukuyang tinutugis ngayon. Ayokong madamay siya kaya hanggat maaari ay mas lalo ko muna siyang pinaghihigpitan.
"Ina, tinuruan na po ako ni ama na depensahan ang aking sarili." Mahinahong katwiran ni leviticus.
"Kahit na!" Umiling ako at napahilot ng aking sintido. "Ang titigas ng mga ulo ninyo!" Inis kong sabi bago ako mabilis na umalis sa harapan nila.
Hindi ko na alam ang gagawin sa dalawang iyon. Kahit kailan ay hindi nananalo lalo na't silang dalawa ang magkakampi. Lalo lang sumasakit ang ulo ko sa pag-iisip sa mga kalokohan nila.
KASALUKUYAN akong nakatitig sa bilog na buwan nang maramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa likuran. Napabuntong hininga ako at sumandal sa kaniya.
"Anong iniisip mo, mahal ko?" Malambing niyang tanong.
"Si leviticus." Diretsang sagot ko.
"Iniisip mo na naman ba ang kakulitan niya? Normal lamang iyon sa mga bata." Sabi niya.
Napapikit ako. Hindi naman iyon, e. "Hindi naman normal ang nararamdaman kong malakas na kapangyarihang nagtatago sa loob niya. Natatakot ako dark. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari sa kaniya." Sabi ko.
Napabuntong hininga naman siya. "Napapalaki natin siya ng mabuti. Wala kang dapat ipag-alala. Lagi niyang tinatandaan ang mga bilin natin sa kaniya." Sabi niya.
Mabigat ang loob kong tumango na lamang. Sana nga. Sana nga mabago ang sinasabi sa propesiya tungkol kay leviticus. Hindi ko kakayanin kapag nilamon siya ng kasamaan nang dahil lamang sa nakatago niyang kapangyatihan.
"Magtiwala na lamang tayo sa kaniya. Lagi mong tatandaan na anak natin siya, mahal ko. At ang anak natin ay may bukal na pusong minana sa iyo." Sabi niya pa na nagpawala ng kaunting pag-aalala sa puso ko.
"TUMAKAS KA na naman...." Mahinahong sabi ko.
Ngumisi lamang ito at malambing na yumakap sa akin. "Ang saya sa labas ina." Aniya.
Tiningnan ko siya. "Hanggang kailan mo ba ilalagay sa panganib ang buhay mo anak? Gusto mo bang maglaho na lamang ako sa labis na pag-aalala sa iyo?" Sabi ko.
"Ina...." Bumuntong hininga siya. "Kaya ko po ang aking sarili. Magtiwala lamang kayo. Isa pa," muli siyang ngumiti. "May mga kaibigan ako sa labas na mapagkakatiwalaan ko. Gusto ko pong maging kasama ko sila sa pagpo-protekta sa palasyo."
Malamlam ang mga matang tiningnan ko siya. Inabot ko ang kaniyang pisngi atsaka ito hinaplos. "Masaya akong may mga kaibigan ka, pero nakakalungkot isipin na lumalabas ka pa rin ng palasyo ng walang mga bantay na kasama." Hindi na ata talaga mawawala ang takot ko na baka mapahamak siya. Maraming gustong pumatay sa kaniya dahil siya ang prinsepe ng mga bampita at tanging tagapagmana ng kaharian. Balang araw ay siya na ang mamumuno sa buong kaharian ng mga bampira.
"Ina, kaya ko po talaga ang sarili ko." Malambing siyang yumakap sa akin. "Hindi po ako mawawala sa inyo."
Ngumiti na lamang ako at yumakap na rin sa kaniya. Hindi ka naman talaga mawawala sa amin anak. Walang sinuman ang pahihintulutan kong saktan ka.
Katulad ng pagmamahal ko sa iyong ama ang aking pagmamahal. Kaya kong pumatay para sa inyong kaligtasan at kaya kong lumaban hanggang kamatayan para sa inyong buhay. Ganon ko kayo kamahal.
Ang pamilya natin ang lubos kong iniingatan.......
-------------------------THE END--------------------------
BINABASA MO ANG
KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯
VampireShe is KIRSTEN ORTEGA. A Half human-Half vampire. Buong buhay nya, Isa lang tangi nyang hinahangad yun ay ang maging isang ganap na TAO. Nais nyang maging tao tulad ng kanyang ina, Sawa na syang mabuhay ng may dugong bampira. Pagod na sya sa lahat n...