PAGOD kong pinagmasdan ang ginagawa ng matandang manggagamot sa mahina pa ring katawan ng aking prinsepe. Sinusubukan nitong patatagin ang kaluluwa ni dark upang lumakas muli ang katawan nito.
Tatlong araw niya na itong ginagawa ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring malay ang prinsepe. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nababaliw na ako. Mababaliw na ako kung hindi pa siya gigising ngayon.
"A-Ano na ang l-lagay niya?" Alalang tanong ng reyna. Napayuko lang ako ng makitang nagsimula na naman itong umiyak sa bisig ng hari.
"Patawad," Malungkot na lumayo ang matandang mangagamot sa katawan ng prinsepe. "Akala ko ay bubuti rin ang lagay niya ngunit sa nakikita ko ngayon ay habang tumatagal lalo siyang nanghihina. Mukhang hindi kinaya ng katawan ng mahal na prinsepe ang mahika." Sabi ng matandang manggagamot.
Mabilis akong nag-angat ng tingin. "A-Anong....?" Humakbang ako palapit sa matandang mangagamot. "Anong m-mahika? Akala ko ba b-biglaan lang ang n-nangyaring ito sa kaniya...." Naguguluhan kong tanong.
Nagkatinginan ang mahal na hari't reyna at ang matandang mangkukulam. Kapwa wala ni isa sa kanila ang gustong sumagot o bigyan ng linaw ang katanungan ko.
"Ano ba talaga ang dahilan kung bakit siya nanghihina?" Desperadang tanong ko.
Napalunok ako at sinubukang lumapit kay dark pero tulad ng dati ay nakuryente lamang ako. Gustong gusto ko na siyang hawakan ulit. Gusto ko siyang makausap at tanungin. Gusto kong siya ang magbigay linaw sa lahat ng tanong ko sa aking isipan. Siya lang ang gusto kong tanungin! Siya lang.....
"S-Sagutin niyo naman ako!" Desperadang sigaw ko habang nakatitig sa katawan ni dark.
"Mahal na prinsesa! Hindi tamang sumigaw kayo...." Mabilis na wika ng matandang manggagamot.
Napailing ako at mapait na ngumiti rito. "Sabihin mo sa'kin kung ano ang nangyari sa aking prinsepe..." seryosong tanong ko. "Ano ang totoong nangyari sa kaniya?"
Bumuntong hininga muna ito. "Ang prinsepe ay pumasok sa isang mahika kung saan maaari niyang makuha ang lunas na maaaring bumawi sa sumpa ninyong mag-kapatid." Inabot niya ang kamay ni dark at pinakita sa'kin ang palad nito. Napasinghap ako ng makitang kulay itim na ang gitna ng palad nito. "Ngunit, hindi kinaya ng katawan niya ang lakas ng mahika. Imbes na makuha niya ang lunas ay siya pa ang napahamak. Ninakaw ng mahika ang lahat ng lakas niya." Paliwanag nito.
"A-Anong pwede kong g-gawin?" Mahina kong tanong.
Napailing ito. "Wala kang magagawa mahal na prinsesa. Ang tanging magagawa mo lamang ngayon ay tulungan ang mag-ina'ng mangkukulam na magawa ang lunas para sa prinsepe." Sabi nito.
"Gaano katagal ba ang paggawa ng lunas?" Alalang tanong ko.
"Hindi ko masasabi..."
Napatingin ako sa mahal na reyna at hari. "Hindi siya pwedeng manatili sa ganitong kalagayan. Malapit na ang digmaan. Siguradong siya ang unang pupuntahan ng hari ng dilim kapag sumugod na sila rito." Takot kong wika.
"Hindi namin hahayaang may makapanakit sa kaniya. Manalig tayo na babalik din ang lakas niya." Seryosong wika ng hari.
Nangingilid ang mga luha kong muling bumaling sa aking prinsepe. May ginawa na naman siya para sa 'kin na ikapapahamak niya. Ibinuwis na naman niya ang buhay niya para sa 'kin.
Mapait akong ngumiti habang lumalandas ang luha sa aking pisngi. "Isa ka talagang hangal mahal ko..." bulong ko na sana ay naririnig niya.
"SINABI na ng libro ang nakatakdang araw ng digmaan. Umaasa ako na handa kana kirsten bilang itinakdang babae." Sabi niya matapos ang isang mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
BINABASA MO ANG
KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯
VampiroShe is KIRSTEN ORTEGA. A Half human-Half vampire. Buong buhay nya, Isa lang tangi nyang hinahangad yun ay ang maging isang ganap na TAO. Nais nyang maging tao tulad ng kanyang ina, Sawa na syang mabuhay ng may dugong bampira. Pagod na sya sa lahat n...