VAMPIRE 22

2.1K 67 5
                                    

DAHAN dahan akong nagmulat nang mga mata nang maramdaman kong may humahaplos sa buhok ko. Nung una'y medyo malabo pa ang nakikita ko pero nang tumagal ay unti unti na rin namang lumilinaw.

Sumilay ang ngiti sa labi niya nang makita nyang gising na ako. Nanghihina pa ako kaya't nanatili pa rin ako sa pagkakahiga. Nasa kanya lang ang mga mata ko.

"K-Kuya...." Mahinang usal ko.

"I'm so sorry kirsten," Sabi nito kasabay nang pagtulo ng mga luha niya. Pagsisisi at lungkot ang nakikita ko sa mga mata niya.

Maayos na ulit ang itsura niya. Hindi ako nagsalita, Nanatili lang akong nakatitig sa kanya. Kahit muntik na niya akong mapatay ay hindi pa rin ako nakaramdam ng pagkatakot sa kanya. Alam kong di niya 'yun magagawa sa 'kin kung nasa matinong pag iisip siya.

"S-Sinubukan kong iwasang masaktan ka, pero hindi ko pa rin napigilan. I'm sorry for hurting you kirsten. Mahal na Mahal kita." Humihikbing sabi niya.

Tumulo na rin ang mga luha ko.
"K-Kuya...."

"I'm so sorry, hindi ko natupad ang pangako ko sa 'yo. Nabigo ko si papa. Sa 'kin ka niya ibinilin pero mukhang hindi ko magagawa ang protektahan ka....baka ako pa nga ang maglagay sa 'yo sa kapahamakan."

Napapikit ako nang abutin niya ang magkabilaang pisngi ko saka marahang pinunasan ang mga luha roon. Sa mga oras na ito ay nararamdaman ko ang matinding pagmamahal sa 'kin ni kuya. Buong buhay niya wala na siyang ginawa kundi ang mahalin at alagaan ako. Parati siyang nandyan sa 'kin at kailanman ay hindi niya ako iniwan.

"This would be the last kirsten. Hindi ko na hahayaang masaktan ka pa. Ayoko nang masaktan ka pa nang dahil sa 'kin." Malungkot na sabi nito.

Nagmulat ako nang mga mata saka ko siya tinitigang mabuti. Anung ibig niyang sabihin? Bakit pakiramdam ko may gagawin siyang hindi ko magugustuhan?

Sinubukan kong magsalita at ibuka ang bibig ko pero tila napipi ako nang mga oras na 'to. Masakit pa ang katawan ko, nanghihina pa ako. Kaya siguro hindi ko magawang magsalita.

Napansin ko ang paglapit ni uncle marlon kay kuya. Nandito lang silang lahat sa kwarto ko, kasama na rin si mama na walang tigil sa kaka-iyak. Ramdam na ramdam mo ang sakit sa mga hikbi nito.

"It's time keiji." Seryosong sabi ni uncle marlon sa kanya saka ako sinulyapan "Pagpahingain muna natin siya," May kakaiba sa mga mata nito dahilan para makaramdam ako nang kaba. May gagawin sila, ramdam ko 'iyon. At kung ano man 'yon, sigurado akong hindi ko 'yun magugustuhan.

"Kirsten," Bumalik ulit kay kuya ang atensyon ko. Wala na ang mga luha nito sa pisngi, pero nandun pa rin sa mga mata niya ang matinding lungkot at pagsisisi.  "Wag mong kakalimutan ang mga sinabi ko sa 'yo, ha?. Siguro naman sa dami ng mga alaala natin ay hindi ka makakalimot." Sabi niya saka niya ako hinalikan sa noo. "Goodbye kirsten," Tumayo na siya saka walang lingong tumalikod sa 'kin.

Gusto ko siyang pigilan. Natatakot ako na baka ito na ang huling pagkikita namin. He hates 'Goodbye' kaya impossibleng magpaalam siya sa 'kin ng walang sapat na dahilan.

I know,

May mali talaga.

KEIJI POV

ISANG malungkot na ngiti ang ibinigay ko kay mama. Akala ko hindi na ako makakadagdag pa sa po-problema-hin niya. Hindi ko pala talaga ito maiiwasan, Ito na ang kapalaran ko. And all i have to do is to keep my family away from me. At 'yun ang gagawin ko ngayon.

"Sigurado ka na ba rito? May oras ka pa para umurong." Tanong ni uncle marlon.

Mapait akong napangiti "Ilang beses ko nang pinag-isipan ang bagay na ito uncle. At sa ngayon ay ito nalang ang natitirang paraan para malayo sila sa 'kin." Nararamdaman ko na unti unti na akong nalalamon ng dilim. Hindi ko na ito mapipigilan, Siguro ito na ang kapalaran ko.

"Kaya mo ba keiji? Kaya mo bang malayo sa kanila? Kaya mo bang mag isa? At kaya mo na bang humarap sa hari't reyna?" Sunod sunod na tanong niya.

Bahagya akong natawa. Bukod kasi sa dami nang tanong niya at di ko alam kung ano ang sasagutin doon ay Nakakatawang isipin na ako mismo ang lalapit sa mga bampirang iniisip kong kaaway---kahit hindi naman.

"Ang dami mong 'kaya' uncle," Sigurado naman ako kakayanin ko 'yun basta para sa pamilya ko. "Basta ang alam ko lang ay ginagawa ko ito kay kirsten at mama. Lahat ng 'kaya' kakayanin ko, basta para sa kaligtasan nila." Malungkot na bumaling ako nang tingin sa labas ng bintana ng kotse.

Nasa byahe kami ngayon patungo sa palasyo. Matagal tagal na ring panahon mula nang makatuntong ako roon. Napailing nalang ako nang maisip ko ang mga kasinungaling isinuksok namin sa isip ni kirsten.

"I am sorry kirsten...."  bulalas ko sa isip.

I know, pagkatapos nang gagawin ko ay malalaman niya na ang lahat. Sana nga lang ay hindi niya ako kamuhian.

"Andito na tayo." Nabalik ako sa huwisyo nang tapikin ni uncle ang braso ko "Sasamahan pa ba kita?" Tanong niya.

Umiling ako "Kaya ko nang mag isa uncle." Seryosong sabi ko habang nakatanaw sa malaking palasyo sa harap namin.

Bumaba na ako nang kotse at tuloy tuloy na pumasok sa loob. Hindi ko na pinansin ang mga kawal nang bampirang nagsisiyukuan sa bawat daraanan ko. Pagpapakitang galang sa anak nang  dating kanang kamay nang hari.

"Totoo pala ang balita kuya."

Napahinto ako sa paglalakad saka ko siya nilingon. Alam kong nandito siya. Wala naman nang duda doon, Kaibigan niya ang hangal na prinsepe.

Bumuntong hininga ako "Siguro naman, alam mong malaki ang problema nang pamilya natin ngayon darwin," Kaya nga ako nandito para lunukin ang pride ko at balewalain ang galit ko, Masigurado ko lang ang kaligtasan nila mama at kirsten.

"Alam ko kuya," Malungkot itong ngumiti "Kaya nga naghahanda na ako para sa darating na malaking labanan."

Tumango ako saka ko siya tinapunan nang seryosong tingin "Help me to keep them safe darwin." Napabuntong hininga ako "Pagkatapos nito baka hindi na ako makalapit sa kanila. Baka hindi ko na sila ulit mayakap." Alam kong ito ang mas makakabuti sa kanila, kaya nga kahit mahirap ay titiisin ko nalang.

"You need help kuya. Matutulungan ka rin nila."

"No one can stop this evil darwin." Ayoko na ring umasang ma-i-a-alis pa sa 'kin itong halimaw sa loob ko.

"Kaya mo kuya kung gugustuhin mo. Pwede mo pa silang makasama kung lalaban ka." Seryosong sabi niya. "Wag kang sumuko kuya.....Kailangan ka nila lalo na si kirsten."

Matipid lang akong ngumiti. "Darwin." Bumuntong hininga ulit ako "Nakapag-desisyon na ako. Alam ko na, itong gagawin ko ang tama at makakabuti sa lahat." Malungkot ang mga matang tinitigan ko siya "Leaving them is the best way to do. At alam kong hindi sila papabayaan dito, lalo na't nandito ka rin." Tinapik ko ang braso niya "Ipagkaka-tiwala ko na sila sayo darwin. Again, keep them safe." I said before leaving him. Kailangan ko nang puntahan ang totoong pakay ko rito.

Alam kong maiintindihan niya rin itong gagawin ko and I hope kirsten too.

Huminto ako sa isang pinto. Kahit matagal na akong di nakakapunta dito, Kabisado ko pa rin ang daan at parte nitong malaking palasyo. And this door infront of me, is the door of  king's office. Alam kong andito na sila sa loob. I felt their presence.

Bumuntong hininga muna ako saka walang katok katok na pumasok sa loob.

*****
Hi guys! Isang mahaba habang hindi pag update na naman ang naganap hahaha sorry po. Hindi ko po kasi mahanap si kirsten sa utak ko hahaxD.

Love you po sa mga readers ko :) Love din po kayo ni kirsten! See you din daw po sa next chapter sabi ni dark sa 'kin.

#voteandcomment

Trivia: (kunwari trivia hahaxD)
    Letting go is the best way to do, if you doesn't have a choice. --Keiji ortega.

Ang baliw ko na po hahahaxD. Naapektuhan na po ata nang mga vampire ang utak ko. Kinagat po kasi ako ni dark eh hahahahha----charot.

*Say hi to me po :) dipo ako snob. Promise!*

Comment po kung may masama sa mga update ko o kung may mali po para po maayos ko :) 'yun lang po...thanky.

See ya next chapter! Mwa :*

KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon