Chapter 2

2.6K 63 3
                                    

'Job'

RAIN

"Ano dadalhin na ba na'tin to kay Boss?"

"Mamaya na pag gising niya."

Nagising ako nang may mga naririnig akong nagsasalitang boses ng mga lalaki kaya unti unti kong dinilat ang mga mata ko.

Bumalot agad sa paningin ko ang dilim nang paligid. Batay sa naaamoy kong mga lumang kahon at kung ano ano pang gamit, mukhang nasa isang bodega ako. Dahil dun, gumapang na sa buong katawan ko ang kaba.

I can feel the rope, tightly tied against my wrists.  Sinubukan kong tumakas kaso nakita ako nung isang lalake na gumagalaw.

"Uy gising na pala yung babae e."

"Nasan ako? B-Bakit?" Hindi ko mapigilang hindi mautal kasi kinakabahan na talaga ako. 

"Anong gagawin niyo sa'kin"

"Relax miss, huwag kang matakot sa'min. Hindi naman kami ang nagpadukot sayo at isa pa, wala naman kaming kailangan sayo.  Maliban kay boss na mukhang meron."

Kung kanina kinakabahan ako, ngayon ay naghalo halo na ang nararamdaman ko. Maging ang takot ay namayani na sakin base na rin sa mga itsura nila. They are smirking like crazy and it gives fright all over my body. 

Sino ang tinutukoy nilang boss? Ano bang nagawa kong mabigat na kasalanan para ipadukot ako nang ganito? 

I can't remember a single thing. 

Nararamdaman ko ang unti unting pag iinit nang mga mata ko. Ngayon ay gusto ko na lang umiyak dahil wala akong magawa. Ayoko mang isipin na baka may posibleng mangyaring masama sakin, hindi ko maiwasan. Hindi pa pwedeng mangyari yun dahil kailangan pa ko ng kapatid ko.

Hindi ko man malaman ang oras at araw pero nararamdaman ko ang tagal nang oras na lumilipas. I moved a bit when i hear the cracking of the door.  Pumasok ang dalawang lalaki at nilabas ako nang kwarto. 

Pagkabuhat nila sa'kin ay agad akong gumalaw para hindi nila ako lubusang mahawakan. Nagpupumiglas ako at nagpapabigat habang naglalakad dahil ayokong puntahan ang pagdadalhan nila sakin,  pero masyadong malakas ang dalawa. 

Lalo lang nilang hinihigpitan ang hawak sakin at dinala na nila ako sa isang kwarto . Pagkapasok ay naramdaman kong tinanggal nila ang nakagapos na tali sa kamay ko.

Tatakas na sana ako pero mabilis nila akong naitulak pabalik dahilan para mapasandal ako sa sahig. Dumaing ako dahil sa puwersa pero agad din akong nakabawi para tingnan agad ang paligid. 

Natigilan ako nang napansin ko kaagad ang lalaking nakatalikod habang nakatingin sa labas ng malaking bintana na gawa sa salamin. Malaki ang kwarto at mukha itong isang lumang opisina.  Sa tikas pa lang nang taong ito, bakas ang ma awtoridad nitong katayuan sa lipunan. 

Ngunit isa lang ang sinisigaw nang utak ko, ang makatakas dito hangga't maaari. 

Sinubukan kong lumapit ulit sa pinto para  pihitin ang lock pero ayaw nitong bumukas. Mukhang nai-lock na ito nng mga lalake kanina mula sa labas. 

Napapikit ako nang alam kong wala na kong takas at imposible pang makawala ako dito. Nag ipon ako ng lakas at matapang kong tinanong ang lalaking nakatalikod sakin ngayon.

"Anong kailangan mo sakin!"

Pansin ko agad ang pormal na damit niyang walang gusot na bumagay sa hubog at tindig nang kaniyang katawan.  Kahit nakatalikod ay nagsusumigaw ito nang kapangyarihan. Nagtataka ako kung sino siya at bakit nya ako pinadukot.

The Bad Boys' Slave (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon