Chapter 27

1.2K 26 6
                                    

~Paalam Alex~

Rain's PoV

"Naitali mo  na ba ng mahigpit"

"Opo Boss, sigurado pong hindi sila makakawala."

May mga naririnig akong boses na naguusap pero nananatiling nakapikit ang mga mata ko.

Kung kanina ay namamanhid ako. Ngayon naman ay nararamdaman ko na ang sakit ng katawan ko.

Ganun din ang higpit ng pagkakatali nang lubid sa kamay at paa ko.

"Sige bantayan mong mabuti ang dalawang yan dito sa labas ng pinto at baka may ibang makapasok." Naririnig ko ang pamilyar na boses ng babae. Na sa tingin ko ay si Vanessa.

"Opo Boss" ganun din ang lalaking sa tingin ko'y utusan nya.

Nang marinig ko na ang dalawang beses na pagsarado ng pintuan ay nanghihina kong idinilat ang mga mata ko.

Noong una ay malabo ito pero nang kalaunan ay nakikita ko na ang paligid na kinaroroonan ko.

"A-ah" sumakit ang katawan ko ng pinilit kong gumalaw.

Madilim ang paligid at halos ang maliit na ilaw lang ang nagsisilbing liwanag.

Agad kong naalala si Alex kaya inilibot ko ang paningin ko para hanapin sya pero wala akong makita.

Pinilit kong lumingon kahit masakit ang leeg ko. At doon nakita ko syang nakatali rin tulad ko...



At wala pang malay.


Naginit na naman ang gilid ng mata ko at pinilit syang gisingin.

"Gumising ka Alex!!" Pilit kong nilalakasan ang boses ko para magising sya.

Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sya nagkakaroon ng malay.

Tumulo ang mga butil ng luha sa pisngi ko... at muli syang tinawag.

"A-Aex, Gumising ka na!!" Nanginginig ang boses ko sa pag aalala sa kanya.

Halos mawalan ako ng pag asa nang paulit ulit ko na syang tinawag pero hindi pa rin sya nagigising.


Pero mga ilang sandali ay nakita kong gumalaw ang ulo nya.


"A-Alex"  tinawag ko sya at doon dahan dahang umangta ang ulo nya at dumilat ang mga mata nya.

Tiningnan ko ang itsura nya at laking pasalamat na nagkaroon na sya nang malay.

Tinitigan ko ang mga mata nya. "Salamat at gising ka na"

Nakita ko ang bahagya nyang pag ngiwi ng sa tingin ko'y katulad ko rin na nakakaramdam ng sakit.

"A-Ayos ka lang ba?" Bakas ang panghihina sa boses nyang tanong sakin.

Agad naman akong sumagot."Oo Ayos lang ako. Nag aalala ako dahil ang tagal mong nawalan ng malay. Akala ko... A-Akala ko
p-patay ka na" muling may tumulong luha sa mga mata ko.

"Shh, Dont cry baby. Hindi tayo susuko at hinding hindi kita iiwan kasi ayaw kitang masaktan... Sana ikaw din, huwag mo kong iiwan. " agad agad akong tumango sa sinabi nya.

Hinding hindi ko iiwan ang lalaking mahal na mahal ko.

"Mahal na mahal kita Alex. At alam kong alam mo na hinding hindi kita iiwan dahil sayong sayo lang ako."

Nakita kong bahagya syang ngumiti at nagsalita. "Youre the only one I want to love and i dont have a choice to whom i choose to love because it's always you. Im yours , baby... Im yours also" tumibok ang puso ko na nagpapatunay na mahal ko talaga ang lalaking ito.

The Bad Boys' Slave (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon