~Confused~
Rain' Pov
"I want you to be happy today and ...
...Ashfjgkl"
Ano daw? Hindi ko masyadong naintindihan yung sinabi niyang huli , tatanungin ko na sana sya para ulitin yung sinabi nya ng hinila na niya ako papasok ng mall.
Hinayaan ko na lang kasi baka wala lang naman yun.
Habang naglalakad kami sa mall ay napapansin kong pinagtitinginan at pinaguusapan ang kasama kong lalake ngayon ng mga babae.
Sabagay I can't deny that he looks like a Model whose walking inside this mall kaya hindi na ako magtataka kung pagtinginan siya o baka nga paglaguluhan pa.
Unang pinuntahan namin ay ang DQ , ngayon na lang pala ulit ako makakatikim ng ice cream kung sakali kasi busy ako sa pagtatrabaho para kay Blake kaya wala na akong time para kumain pa ng mga pagkaing gusto ko kainin.
"What do you want"tanong ni James sakin habang nakatingin sa menu sa counter.
"Anything will do"
Ngumiti sya sakin kaya nginitian ko rin sya pero nagulat ako sa sunod nyang ginawa.
Hinawakan niya ako sa kamay and he interwined his hands on mine that made my heart beats fast.
Pumasok na kami sa loob habang hawak niya ako at umorder na siya.
Hangang ngayon nararamdaman ko pa rin ang abnormal kong puso sa pagtibok, feeling ko tuloy pinagpapawisan na ako sa kaba kahit pa malamig dito sa mall.
Sh*t paano kung magtaka si Alex kung bakit nawala ako at si James sa University baka magalit na naman yun sakin.
Damn teka lang bakit ko ba sya iniisip , kasama ko si James ngayon kaya dapat maging fair ako sa kanya.Besides puro pasakit lang naman yata ang kayang ibigay sakin ng lalaking yun.
Habang nakapila kami ay narinig ko yung mga bulong bulungan ng mga babae sa paligid.
"Uy tingnan mo yung guy ang pogi!!!" Sabi nung babaeng naka dine in sa gilid kasama ang iba pa nyang kaibigang mga babae.
"Oo nga shocks ang gwapo niya mukha siyang hollywood star" sang ayon pa ng isa nyang kaibigan na halatang namumula na sa kilig.
"Wahhh magpapicture tayo dali!!!" Excited namann sabi nung isa.
Hindi ba sila nahihiya sa inaasal nila kay James . Kung ako yun mahihiya ako atsaka iisipin ko na lang na marami pang ibang gwapo diyan tulad ni Ale--
Damn Rain iniisip mo na naman siya. Pinilig ko yung ulo ko para alisin siya sa isip ko na napansin nman yata ni James.
"Rain are you okay"
"O-oo naman "
Tinitigan naman nya ako na para bang hindi ako nasasabi ng totoo pero umiwas na sya ng tingin at
Maya maya pa si James na ang magoorder .
"What's your order sir"
"2 order of Oreo Cheesecake Blizzard"
"What size po sir"
"Large please" Buti na lang at lalaki ang nasa counter dahil kung hindi ay baka kiligin din ito kay James tulad ng mga babae ngayon na papalapit na samin habang nangingisay sa kilig.
BINABASA MO ANG
The Bad Boys' Slave (Editing)
General FictionLife is full of struggles that leads us to number of sacrifices. We will do anything just for the sake of our loved ones, and it's a natural thing. Si Rain Andrea Martinez ay isang mapagmahal na kapatid. She will do anything for her brother and the...