Chapter 6

2.1K 53 4
                                    

~Sana hindi ko na Ginawa~

Rain's Pov

Tapos na ang klase ko. Inannounce nang professor namin na half day lang daw muna ang pasok namin ngayon dahil sa emergency meeting nang mga professors ng bawat department.

Napagdesisyunan kong umuwi na lang muna sa bahay para makapagpalit ng damit, dahil pupunta akong ospital para bantayan si Blake.

Maglalakad na lang siguro ako dahil malapit lang naman yung bagong bahay na nilipatan namin.

Ilang araw pa lang ang nakakalipas, nang inasikaso na agad ni Mr. Montevalles ang paglipat namin sa bahay na ipinangalan niya sa'min.

He insisted that we have to move to the new house.

Maayos na ang lahat pagdating ko sa bahay at halos hindi na mapapakinabangan ang mga luma naming gamit dahil halos kumpleto na ang bahay sa nilipatan namin.

Pinaayos niya na iyon para maging maaliwalas sa amin ng kapatid ko ang paligid, lalo na sa kondisyon na meron si Blake.

At first, i am hesitant to accept it but i think that it will be a big help and ease to our life that's why i'd accept his offer. Tatanawin kong malaking utang na loob ang kabaitan ni Mr.Montevalles para sa'min ni Blake.



Habang naglalakad ako ay napatigil ako nang may tumigil na magarang sasakyan sa gilid ko.

Sandali akong nag intay sa susunod na mangyayari pero nanatiling nakatigil ang sasakyan sa harapan ko.

Nagtataka akong tumitig sa sasakyan. Kakatukin ko na sana yung pinto ng kotse dahil sa nakaharang ito sa daanan, nang biglang nagbaba ito nang bintana.

Nagulat ako nang makita ko kung sino ang nagmamaneho ng sasakyan.


Bakit nandito siya?


"Get in." napatuwid ako nang tayo nang marinig ko ang baritono niyang boses. Paano niya nalamang naglalakad ako sa lugar na ito? Hindi kaya---

"A-ano, wag na. Malapit lang naman yung bahay na nilipatan namin." nakakahiya dahil nauutal pa ako. Ayoko lang talagang sumabay dahil nahihiya ako.

"It's dangerous to walk outside, and who the hell told you that I will drive you home?"nakaramdam ako nang pagkapahiya sa sinabi nya.

"You will be working as my slave in the mansion today." Gusto kong maglaho sa pagkapahiya nang marinig ko ang sinabi niya.

'Kasi naman Rain, masyado ka kasing umaasa sa mga bagay bagay.'

Pasalamat na lang siya at mabait ang tatay nya kaya natitiis ko pa ang ugali nya. I sighed when i look forward on what will happen today. Kaya siguro niya ako nakita ay dito rin ang daan papunta sa mansyon nila.

Halos manlumo ako sa isipang magiging utusan pa ako buong araw. Nakadagdag pa ang lungkot sa pakiramdam ko dahil hindi ko man lang madadalaw ang kapatid ko ngayong araw. But i have no choice, it will be my reality from now on.

"Get in or I will carry you inside" napatigil ako sa pag iisip nang magsalita siya. His firm tone made him more intimidating for me.

"Sorry" No choice ako kundi ang pumasok na sa loob ng sasakyan. Binuksan ko ang pinto sa likod nang sasakyan at sa backseat ako umupo.

Pagdaan ng ilang minutong pagkakaupo ay napansin kong hind pa rin umaandar ang sasakyan. Nagtataka akong tumingin sa rear mirror para makita si Alex at malaman kung bakit hindi pa niya pinapaandar ang sasakyan.

"I'm not your driver. So sit here beside me" Naalarma ako ng marinig ko ang sinabi niya.

Oo nga naman, hindi ko siya driver kaya hindi dapat ako umupo dito sa likod umpisa pa lang.

The Bad Boys' Slave (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon