Chapter 17

1.7K 48 4
                                    

~Mahal din Kita~

Rain's Pov

"Bakit ka ba kasi bigla biglang nanghihila kanina?" Hanggang ngayon ay tinatanong ko pa rin sya tungkol dito , kasi para sakin hindi pa malinaw kung bakit nga nya nagawa yun.

Pagkatapos ng nangyari kanina ay hindi pa rin nawawala sa isip ko kung anong mga nangyari kanina sa aming dalawa. Kaya nandito kami ngayon sa rooftop ng building para pagusapan ito.

Tamad syang nakatayo sa harapan ko ngayon habang nakapamulsa at nakatingin sakin ng diretso . He bit his lower lip and lick it .Bahagya na namang bumilis ang tibok ng puso ko. Kahit ano yatang gawin nya ay ganito na lang ang dating nya sakin.

"I pulled you because I want to hear an immediate answer to you about leaving the campus yesterday without my permission" Kalmado nya lang yung sinabi pero ramdam ko ang pagkairita nya. Napalunok ako ng maalala ko kung ano ang nangyari kahapon . Fuck oo nga pala , hindi man lang ako nakapag paalam sa kanya.

"Sorry, nainis lang talaga ako sa ginawa mong pang iiwan sa akin sa parking kahapon. Atsaka may pinuntahan lang ako"

"I know that you're with someone yesterday." Nagulat ako dahil alam nya na ata kung ano ang nangyari kahapon.

Yumuko na lang ako at hindi na ako nangatwiran pa.

"Sorry "

Akala ko ay matatanggap nya ang sorry ko pero nagkamali ko. " Don't you dare do it again , without my permission because your my slave and you have to do the things that you have to do."

Narinig ko na naman ang salitang laging nagpapasakit ng puso ko. Bakit ba kasi nawawala sa isip ko yan kapag nandyan sya. Siguro kasi nararamdaman ko na totoo yung mga ginagawa at pinapadama nya sakin.

Kapag kasama ko sya nakakaramdam ako ng halo halong emosyon. Ganito ba kapag nagmamahal , maya maya paparanasin ka ng saya pero maya maya rin ay sobrang sakit naman ang ipaparamdam sayo. Hindi ba pwedeng saya na lang kasi nagmamahal lang naman ako at sa tingin ko ay hindi ako deserving para masaktan .

Bakit hindi na lang kay James ko maramdaman yung mga nararamdaman kong to. Kung sana natuturuan lang ang puso ko.

"Mamaya pagkatapos ng klase pumunta ka sa room ,may ipapagawa ako sayo. " Hindi ko alam kung saan ako magugulat , sa nagsalita sya ng buong tagalog o sa papapuntahin na naman nya ako sa room na yon.

Imbes na magreklamo , tumango na lang ako sa kanya at pagkatapos nun ay umalis na sya sa rooftop at iniwan akong magisa sa kinatatayuan ko.


Bumaba na rin ako matapos kong magpahangin sa rooftoop . Pagbalik ko sa room namin ay wala pang professor kaya nanahimik na lang ako sa upuan ko.

Wala namang magtatangkang kausapin ako dahil sa pagkakaalam ko ay mga galit pa ang iba sakin dito dahil sa pagiging malapit ko sa DarkZone.

Pansin ko na wala akong mga katabi . Mga katabi dahil wala na namang nagtangkang pumasok sa kanilang lima sa klase. Mga tamad kasi , paano ko ba sila mapapasunod kung ako lang naman ang lagi nilang pinapasunod. Slave nga ako pero ang dapat kong gawin ay mapatino sila.

Maya maya pa pagdating ng prof namin ay ang sunod na sunod na pagsinghapan ng mga kaklase kong babae . Buti na lang at kahit papano ay may pumasok sa kanilang lima, akala ko talaga ay wala na akong pag asa sa kanilang lima na magtino.

Pumasok si Luke ng nakangiti kasunod si James na cold pa rin pero nakatitig sakin ngayon. Dahil walang nakaupo sa tabi ko ay umupo na silang dalawa sa tabi ko.

"Hey Rain" bati sakin ni Luke . bilang ganti ay binati ko rin sya at nginitian.

Napatingin naman ako kay James na tahimik na nakaupo at nasa harap ang tingin. Parang anghel ang mukha nya pero bakit hindi ako nakakaramdam ng katulad sa nararamdaman ko kay Alex pag nakikita ko sya.

The Bad Boys' Slave (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon