Chapter 16

1.7K 55 6
                                    

~Done Makeout~

Rain's Pov

"Rain nakapunta ka na ba kay Blake sa ospital?"tanong ni Zia na nasa harapan ko ngayon. Kumakain kasi kami ngayon sa loob ng cafeteria at kinukumusta nya ang kalagayan ni blake sakin.

"Oo , mga ilang araw pa siguro sya maadmit kasi pinagpapahinga pa sya ng doktor. Pero malapit ko na ulit syang makasama sa bahay."

''Mabuti naman kasi namimis ko na rin yung lalaking yun"napangisi naman ako sa sinabi ni Zia . Halata kasing may gusto to sa kapatid ko matagal na pero hindi nya lang sinasabi.

"Edi umamin ka rin Zi na may gusto ka sa kapatid ko."

Napansin ko namang namula sya kaya umiwas na lang ako ng tingin at umarteng hindi ko sya nakita.Bagamat may nararamdaman akong may gusto sya kay Blake ay hindi ko pa rin sya dpat pangunahan .

"Namimiss lang may gusto na agad,concern lang naman kasi akong tao lalo na at kapatid sya ng bestfriend ko"Depensa nya sakin.

"Oo na naniniwala naman akong concern ka lang sa kapatid ko." Sarkastiko kong sabi na nagpatawa sa kanya.

Namiss din yung ganitong pakiramdam, yung walang iniisip na problema at nakakasama mo yung mga importante sa buhay mo para tulungan ka at pagaanin yung loob mo.

"Magkwento ka naman sa mga pangyayari sayo Rain, halos ilang araw kitang hindi nakasama."

Napahinto ako sa sinabi ni Zi , hidni naman sa ayaw kong ikwento sa kanya yung mga nangyari kaso lang naghahanap pa ako ng tyempo kasi parang napakadami ng nangyari na hindi ko alam kung saan ko uumpisahan.

Pero dahil sa bestfriend ko si Zi ay alam kong kailangan nyang malaman yun para na rin matulungan ako.

Kinwento ko sa kanya yung lahat ng mga nangyari mula noong unang araw ko bilang slave ng Darkzone , kahit na si Alex lang naman lagi ang naguutos sakin. Hanggang don sa nangyari kagabi.

"Grabe ,parang ang bilis nga ng mga pangyayari dahil hindi mo pa nga sila masyadong nakakasama ,pero aminin mo nga sakin sino ba talaga sa kanilang dalawa ang gusto mo?"

Nahirapan naman akong sagutin yung tanong ni Zi dahil sa totoo lang hindi pa talaga ako nalilinawan sa tunay na nararamdaman ko. Nalilito ako dahil kabaligtaran ng nararamdaman ko kay Alex ang nararamdaman ko kay James na kasiyahan. Samantalang sobra sobrang mga emosyon naman ang naibibigay ni Alex sakin na hindi ko pa rin maipaliwanag.

"Sa totoo lang Zi , nalilito talaga ako"

"Alam mo Rain hindi mo naman kasi kailangang madaliin din yang nararamdaman mo kasi marami ka pang mararanasan . Kung ako sayo piliin mo na lang yung taong sobrang sya mo kapag kasama mo sya at ayaw mo talaga syang mawala sayo kasi yun ang isa sa mga  nagpapahiwatig na mahal mo sya."

Pagkatapos nyang sabihin yun ay hindi ko mapigilang humanga lalo na at sobrang may point ang nga sinabi nya.

"Salamat Zi kasi kung wala ka hindi ko na alam kung ano bang dapat na gawin ko."

"Rain, deserve ko lang naman ang kasiyahan mo. Kasi pag masaya ka masaya na din ako" feeling ko napakababaw ko kung sasabihin kong naluluha ako sa sinabi nya pero gnun pala yung pakiramdam na ganun yung epekto mg nararamdman mo sa ibang tao. Damn, I Love My bestfriend so much.

Nagulat naman ako ng may biglang humila sa kamay ko .

Hindi ko alam pero nakaramdam naman agad ako ng inis sa humila sakin. Good that I mouthed 'thank you' to my bestfriend before I left her .

Kaya ng makalayo na kami sa mga tao ay pumiglas ako sa pagkakahawak sakin pero sadyang malakas sya kaya hindi ako nakabitaw, kaya galit ko syang hinarap.

The Bad Boys' Slave (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon