Chapter 33

1.2K 30 4
                                    

~Andrea~

(5 months after the accident)

Rain's PoV

"Sa tingin mo ba magagalit sya satin, Zia."

"Blake... para rin to kay Rain kaya tama lang ang ginawa natin"

May naririnig akong mga boses. Boses nang isang lalaki at isang babae, pero hindi malinaw sakin ang mga sinasabi nila.

Dilim...yan lang ang nakikita ko dahil hindi ko man lang maidilat ang mga mata ko .

Nanghihina ako at walang lakas. Bahagya kong ginalaw ang mga kamay ko.

Naigalaw ko ito pero panandalian lamang. Maya maya ay narinig ko ang pagkataranta  nang mga boses nila.

"Gumalaw na yung kamay ni Ate."

"Tawagin mo ang Doctor , Blake. Dalian mo..."

Ilang sandali pa ay parami nang parami ang mga boses na nagsasalita.

"Doc , ang kaibigan ko..." ani nang babae.

"Get the tools,Nurse.Gigisingin na natin sya." May panibagong boses akong narinig.

Maya maya lang ay nararamdaman ko nang may malamig na bakal ang dumampi sa palibot nang ulo ko.

Ganun din ang init nang palad na humawak sa kamay ko.

Mga ilang minuto lang ay parang may sariling utak ang mga mata ko na kusang bumukas.

Noong una ay malabo pa ang paningin ko... pero luminaw ito nang mga ilang sandali na lang ang  nakalipas.

Pero puro kulay puti lang ang  nakikita ko...

Hindi ko maigalaw ang katawan ko kahit na nakadilat na ako. Nanghihina pa talaga ang katawan ko...

"Rain... Salamat at gising ka na!" Tumingin ako sa nagsalita.

Agad uminit ang mga mata ko nang makitang si Zia ito. Bagamat nanghihina ay pinilit kong banggitin ang pangalan nya.

"Z-Zia" hindi na nya napigilan ang sarili at niyakap na nya ako.

I smiled even when i was still weak.

Habang humahagulgol sya habang nakayakap sakin ay nakita ko sa likod ang kapatid ko.

Being happy and thankful is all i can see in his eyes...I also smiled also to him.


Nakita kong may sinabi ang mga doktor sa kanya at umalis na nang silid.

" Namiss t-talaga kita" binubulong ito sakin ni Zia habang umiiyak.

Pinilit kong magsalita. Baka sakaling makapagsalita na ako.

"A-Ako din..."

Bahagyang napahiwalay si Zia sa pagkakayakap sakin at natutuwa akong tiningnan.

Lumpit naman samin ang kapatid ko.

"Ate, nagpapasalamat ako at gising ka na. Ganito pala ang pakiramdam mo nung ako ang binabantayan mo..." yumuko ako nang sandali at nag angat nang tingin sa kanya.

Minuwestra ko ang kamay ko para yakapin sya... Kaya lumapit sya sakin at niyakap din ako.

Ramdam ko ang sakit na nararamdaman nang kapatid ko. Dahil ganito rin  ang naramdaman ko sa kanya noon.

Masarap talaga sa pakiramdam na nadama ko ulit at nakita ang presensiya nang mga taong mahal ko.

Pero bakit ganun... tila may kulang.

The Bad Boys' Slave (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon