Chapter 25

1.2K 34 7
                                    

~Mahalin ka~

Rain's PoV

"Sumakay ka na, para makaalis na tayo"

Hindi na ako nagdalwang isip pa at dali dali na akong pumasok sa kotse ni Luke.

Malakas ang kabog ng dibdib ko at hindi na  ako makapag intay pa. Sana lang at totoo ang mga sinasabi ni Luke . Dahil sabik na akong malamann ang katotohanan.



Pagkapasok ko ay nagseatbelt na ako at mabilis na pinaandar na ni Luke ang sasakyan papunta sa sinasabi nyang Headquarters.

"Sinong may gawa nyan sayo" tanong ni Luke na bahagyang sumulyap sa gawi ko. Muling bumalik sa alala ko ang nangyari.

"Si Vanessa" hindi sya nagulat man lang .

"Hindi na ako magugulat kung gagawin nya yan sayo. Ganun talaga ang ugali ni Vanessa." Sa pagkakasabi nya ay parang kilalang kilala nya na ang ugali ni Vanessa.

Nadagdagan tuloy ang tanong ko sa utak. Sino si Vanessa? Anong papel nya sa buhay ni Alex at sa mga kaibigan nito?


"Ito isuot mo para hindi ka ginawin" inabot nya sakin ang leather jacket nya gamit ang kanang kamay nya.

"Salamat" inabot ko ito at sinuot.


Inayos ko na kaunti ang mga hibla ng  buhok na tumatakip sa mukha ko at pinunasan ang mga luha kong nagkalat sa mukha.

Ngayon lang ako nagkaroon ngpakealam sa itsura ko. I looked depressed.





Maya maya pa ay naramdaman kong tumigil na ang sasakyan at nagtanggal na ng seatbelt si Luke.

"Rain... andito na tayo"

Tinanggal ko na din ang seatbelt ko at sabay kaming lumabas ni Luke ng sasakyan nya.

"Handa ka na bang alamin ang katotohanan?" Tanong nya sakin.

Tiningnan ko sya at sumagot.
"Kung yon ang magpapagaan ng loob ko... Oo handa na ako lalo na at si Alex mismo ang magsasabi sakin nito."


Tumango sya at nauna nang maglakad sakin papasok.


Bawat hakbang ko ay sumasabay ang kaba sa dibdib ko.Pilit akong umaasa na ang natitirang  pag asa sa puso ko ay magkakatotoo.

Sana Alex ako pa rin ang mahal mo. Kasi ako mahal na mahal pa rin kita at walang halo yung pagdududa.

"Handa ka na ba?"sa sobrang pagiisip ko ay hindi ko napansing nakarating na kami sa tapat ng isang pinto na satingin ko'y sasagot sa mga katotohanan nais kong marinig.

Sandali akong pumikit ng mariin at nagpakawala ng hininga. Tumingin ako kay Luke.

"Aalis ka na ba pagpasok ko?" tanong ko sa kanya.

"Kailangan nyong mapag isa Rain. Pero andito ako kapag kaikangan nyo ako." Bahagya syang ngumiti sakin.

"Salamat Luke" gumaan ang loob ko kay Luke at pinagsisihan ang mga nasabi ko sa kanya kanina.
"Sorry sa sinabi ko kanina na hindi ka mabuting kaibigan para kay Alex"

"Naiintindihan naman kita Rain. Okay lang yun. Sige aalis na ako ." Pagkatapos ay tumalikod na sya sakin para umalis.

Humarap na ako sa pinto at akmang papasok na nang marinig kong tinawag ako ni Luke.

"Rain"

Humarap ako sa kanya at nagtataka syang tiningnan.

"Maging matapang ka . Huwag mong iiwanan ang kaibigan ko kahit anong mangyari kasi walang duda na mahal na mahal ka rin nya. " gumaan ang loob ko sa sinabi nya. Hindi ko na napigilan ang luha na tumakas sa mga mata ko.


The Bad Boys' Slave (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon