Chapter 13

1.7K 52 3
                                    

~Damn him to the Hell~

Rain's Pov

Totoo ba yung sinabi niya? Hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni James kanina.Alam kong yun ang kutob ko pero hindi pa rin ako makapaniwala na ang isang katulad nya ay magkakagusto sakin.


Pagkatapos nya kasi ibulong yun sakin ay hinalikan nya lang ako sa pisngi at umalis na .Nakatulala lang ako sa labas hanggang sa nag sink in na sa kin yung sinabi nya at pumasok na agad ako sa room.

Napagalitan pa ako ng prof. dahil halos 25 minutes na daw akong late . Buti na lang at walang quiz. Pero mahaba naman ang mga susulatin.

Kasalukuyang nakikinig kaming lahat sa Prof. kasi may sasabihin daw syang importante.

"Okay class, today we have 5 transferees from the other section and we have to transfer also 5 students from this section to the other section."

Kaya naman pala importante kasi may transferees, Sino sino naman kaya yun. Pero sana hindi na ko malipat sa ibang section . Okay na ako dito.

"The students who will transfer from this sections are Mr. Marquez, Mr. Santos, Mr. Pascual,Mr. Martinez and Mr. Guevarra , you can now transfer to the other section"

Narinig ko namang nagusap usap yung mga kaklase ko kung sino kaya yung lilipat sa section namin.

Dahil wala naman akong pakealam sa kung sino sino yung lilipat . Matutulog na lang muna ako kasi inaantok pa rin ako.

Sumubsob na lang ako sa desk at natulog.

Pero mga ilang minuto pa lang akong natutulog ng may mga babae akong kaklae na tumitili. Maging ang mga reklamo ng ibang mga lalaki sa room namin.

Pero dahil tinatamad akong mag angat ng ulo , hinayaan ko na lang sila at makikinig na lang ako habang nakasubsob sa desk.

"Okay, now introduce yourselves" narinig kong sabi ng prof.

"Good morning" sabay ng pagkakasabi niyang yun ay nagtilian ang mga kaklase kong babae.

Nang marinig ko kung kaninong boses yun ay napaangat agad ako ng ulo sa gulat dahil pamilyar sakin yung boses at kilala ko kung kanino yun.

"I don't have to introduce because I know that all of you know me" Habang sinasabi nya yun ay nakatingin sya sakin.

Yabang talaga. Akala mo naman mabait hanggang ngayon kasi naiinis pa rin ako sa ginawa nyang pang iiwan sakin kanina buti na lang nandyan si James.


Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumingin sa sunod na nagsalita.

"I'm Ron Kurt Perez" at nagtilian na naman ang mga babae sa room namin.

Nagulat naman ako kay Pj dahil nagsulat muna sya ng mga numbers sa board at nagtaka pa kung para saan yun pero ng marealize ko kung ano iyon ay napailing na lang ako .

"Hi Girls, I'm Paris John Lee . If you want to know me more , just call my number" sabay turo sa board at nung nakita kong tumingin sya sa direksyon ko ay kinindatan niya ko . Damn, Cassanova talaga .

"I'm Bryan Luke Dallas"pagtingin ko naman kay Luke ay nakangiti sya sakin kaya nginitian ko rin sya. Napatili naman ang iba dahil sa pangngiting ginawa ni Luke.

Ng huli na ang magpapakilala ay bigla akong kinabahan.

Umiwas ako ng tingin at pinakinggan na lang ang pagbanggit nya sa kanyang pangalan gamit ang nagyeyelo nyang boses at aura.



"James Ivan Falcon"


Hindi ko alam pero hindi ko magawang tumingin sa kanya kahit alam kong nakatingin lang sya sakin habang nagsasalita.

Nang pauupuin na sila ng prof ay nagdadasal ako na sana hindi ko sila makatabi.

Pero kung mamalasin ka nga naman ay katabi ko na lang ang may mga bakanteng upuan .

Nasa kabilang dulo ako ng upuan bale ganito ang posisyon ng mga upuan namin.

Ako - vacant - vacant - vacant - vacant- vacant

Kaya isa lang sa kanila ang pwede kong makatabi, hinihiling ko na sana si Luke man lang ang makatabi ko o si Kurt kasi alam kong kahit papano matino naman silang dalawa.

"Rain"


Pero sa kasamaang palad si Alex ang nakatabi ko na ngayon ay kasalukuyang tinatawag ang pangalan ko.

Hinyaan ko lang sya at pinilit ang sarili na hindi tumingin sa kanya. Ayokong tumingin sa kanya dahil baka mapatawad ko na lng sya agad agad .

"Damn Rain I'm calling your name"

I feel the irritation on his voice . Napansin ko ring napalingon si James , pero hindi ko pa rin sya nililingon. Manigas sya dyan , ako nga iniwan nya sa parking at hindi man lang gawing lingunin ako.

"F*ck, Rain if you don't look at me Im sure that you'll don't want what will I do to you"

Sa pangatlong pagkakataon, hindi ko pa rin siya nililingon

But I was shocked when...


He pulled my nape to kiss me inside the classroom.

May mga nakikita ako sa peripheral vision ko na nagsinghapan dahil sa nakita . Kung akala nyang kinikilig ako pwes hindi kasi naaalala ko lang yung ginawa nya sakin.

Dahil sa halo halong emosyon na nararamdamn ko , nagipon ako ng lakas at buong lakas ko siyang tinulak.

Tumingin ako sa Professor at nagpasalamat na hindi nya nakita ang nangyari dahil nakatalikod sya at nagsusulat sa board.



Magsasalita pa lamang sya ng bigla akong tumayo at inagaw ang pansin ng professor.

"Yes, Ms. Martinez , what's your problem"

Napansin ako ng prof kaya nagisip ako ng sasabihin kong palusot para makawala dito. Ni kailan ay hindi ko pa ito nagagawa pero dahil kay Alex ay nagawa kong magsinungaling , Damn Montevalles.

"Ahmm, m-maam can I go out?"


Tumango naman siya kaya sa wakas mkakalabas na rin ako.

I feel like I'm in hell when I'm inside the classroom plus the fact that i sat beside Alex.

Ganun ganun na lang pagkatapos nang mga masasamang ginawa nya sakin, hahalikan nya lang ako.








Damn him to the Hell.

The Bad Boys' Slave (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon