Chapter 24

1.2K 35 6
                                    


  ~Paalam na Ba?~


Rain's PoV


Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Sa sobrang sakit na nararamdaman ko , kulang na lang ay kamatayan.


Nanghihina akong tumayo .Wala na akong pake sa itsura ko ngayon.


Punong puno ng luha ang mukha ko dahil sa walang tigil na paghinto nito sa pagbuhos. Ganun din ang basa sa katawan ko dulot ng tubig na inihagis sakin ng 'babaeng' yon.


"Grabe kawawa talaga sya"


"Bagay lang yan sa kanya . Masyado kasing naniwala na mahal sya ni Alex."


"Wala naman syang palag kay Vanessa e"


Hindi ako bingi para hindi marinig ang sari saring boses na nagsasabi sakin nang kung ano ano.


Kaya kahit nanghihina ay ginamit ko ang natitira kong lakas para harapin ang mga narinig kong nagsalita.


"Tama na!!! Pwede ba?! Sobrang sakit na nang nararamdaman ko, wag niyo nang dagdagan pa. Nagmamakaawa ako..." pinunasan ko ang luha na patuloy na tumutulo sa mga mata ko. "Wag nyo kong husgahan na parang may alam kayo sa mga nangyari. Na panrang alam niyo kung anong nararamdaman ko ngayon. Kasi kung kayo ang nasa posisyon ko... mas gugustuhin nyo pang mamatay na lang tulad ko."


Nakatingin silang lahat sakin na laglag ang mga panga at nagsisinghapan . Pero wala akong pakealam .


Naglakad ako at umalis doon. Halos lahat ng estudyante ay nakatingin sa akin. May mga naaawa, natutuwa at walang pakealam sakin.


Sabagay , isa lang naman akong tanga na naniwala sa matatamis nyang salita at pangako na sya ring kumitil sa puso at pagkatao ko.


Sisisihin nyo ba ako kung ganito ako umakto ngayon. Ni wala akong ideya sa mga nangyayari tapos sa isang iglap walang habas nila akong sasaktan ng wala man lang akong lakas para lumaban sa kanila...


...lalong lalo na sa 'kanya'


Hindi ko lubos maisip kung bakit nya yon ginawa sakin. May mali ba akong nagawa. Hindi ko ba sya napasaya. Nagkulang ba ako sa pagpaparamdam na mahal ko sya.


Hindi ko ba nasabi sa kanyang...




... mahal na mahal ko sya?









Hindi ko namalayan na nakalabas na ako ng school at ngayo'y naglalakad na lang papunta sa kawalan.

The Bad Boys' Slave (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon