Chapter 2: Tunggalian sa Paaralan

704 28 23
                                    

Chapter 2: Tunggalian sa Paaralan

Lady Shooter's Point of View

Ako si Wenaya, Wenia Iris Sandoval. Labing-siyam na taong gulang na ako. Nasa eskuwelahan ako ngayon at nakakinip lang. Gusto kong umuwi at mag-cutting. Pagdating sa mga klase, mayamot talaga ako.

Ayan nanaman, mga dicussion nanaman. Lagi naman yan, alam ko naman yan, piraso ng keyk lang naman yan, basic lang naman, eh. Aksaya lang ng oras. Para sa akin hindi naman kailangan talaga napakahabanng oras na inaaksaya ng isang eskuwelahan. Sa ibang bansa nga, mga 4-6 hours lang o mas konti pa roon. Tapos ang aga pa ng simula ng mga paaralan dito, hai naku, nakakainis na. Sana pwede akong lumipat sa mga bansang hindi katulad ng Pilipinas sa oras ng eskuwela. School isn't really my thing. Masyado naman ako matalino na para rito, kahit di na ako makatapos, ayos lang sa akin.

Sa oras ng tanghalian, naisipan kong mag-cutting. Ang mga susunod na asignatura ay boring lang eh. Hindi na ako kumain. Nag-sign up muna ako sa klinik upang di mahalatang nag-cutting na ako. Dahil mabait naman ang nurse namin, pinayagan niya akong magpahinga noong sinabi kong may slight headache ako at kailangan ko lang ng pahiinga. Pagkatapos ng sampung minuto, lumabas na ako ng klinik.

Mula sa isang pader, umakyat ako at tumalon pababa. Nasa labas na ako ng school. Babalik ako ng last subject, P.E. Masaya roon eh! Ang tanging mga subject lang na ayaw ko i-skipan ay Music, Arts at P.E. Mga paborito ko. Papalitan ko na lang yung nakasulat na "Time Dismissed from the Clinic" sa papel.

"Sa wakas.." sabi ko.

Wala naman nakahuli sa akin. Dahil malapit lang naman bahay ko sa school, tumakbo na lang ako papunta roon. Baka mahuli pa ako o kung anoman..

Makalipas ng mahigit limang minuto, nakarating na ako sa bahay ko.

Pagkapasok ko, nandoon ang mga magulang ko at sinermunan nanaman nila ako. Siyempre, obyus naman na dahil nag-cutting nanaman ako.

Hindi ko na lang pinansin ang mga sermon nila. Ang sinasagot ko lang naman ay ito: "Hindi ko na kailangan ng eskuwelahan,

Nagkulong na lang ako sa kuwarto ko. Nanonood na lang ako ng pelikula mula sa isang DVD.

Patuloy na kinakatok ako ng mga magulang ko pero hindi ko pinapansin, nanonood lang ako. Hindi rin naman nila ako mabubuksan na, dahil ang unang susi ng kuwarto ko ay nasa bulsa ko at ang isa pa, ang duplicate ay nandito lang sa kuwarto rin, nakatago.

Tumigil din sila, pero ito ang huli nilang mga salita: "Bahala ka na nga diyan, Wenaya. Kanina ka pa, lagi naman na napakatigas ng ulo mo, parang di ka namin anak, ah! Kakausapin na namin ang school, sumosobra ka na, eh!"

Hindi naman ako natakot dito. Patuloy lang ako sa Thug Life na moment ko.

Pagkatapos ng ilang minuto, nakarinig ako ng tila malakas na sigaw. Mula ata ito sa nanay ko.

"Saklolo, saklolo!!!" Sigaw niya.

Nag-alala kaagad ako rito. Hinanda ko ang double hand guns ko. Pinause ko muna yung pelikula sa player at pagkatapos ay tumakbo ng pinakamabilis ko pababa.

Binuksan ko ang pinto at pagkakita ko, maraming mga mukhang maruming bangkay na naglalakad. Nagtaka ako kung ano ang mga ito. Pero hindi lang yun. Nakita ko na kinakain nila sina nanay at tatay.

"Mga zombie! Totoo ang mga zombie..at..kinakain nila ang mga magulang ko!" Napagtanto ko bigla na mga zombie pala ang mga ito.

"Wenaya, lumayo ka rito! Makakain ka lang!" sabi sa akin ni tatay.

"Hindi, tay." sabi ko at sinimulan barilin ang mga zombie. Lumayo ako ng konti. Tutal, nakakabaril pa rin naman ako ng mahusay kahit malayo.

Naubos sila, pero sina nanay at tatay ay kain na kain na ng mga zombie.

The Philippine Anti-Zombie Squad (SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon