Chapter 4: Pagtitipong Minimithi

364 23 22
                                    

Chapter 4: Pagtitipong Minimithi

Dana Quinn's Point of View

Ako si Dana Shane Buenavantura, isang working student. Nagtatrabaho ako sa isang laboratorya ng isang opisina ng mga pulis. Isa akong Crime Scene Investigator. Kadalasan, ang aking ginagawa ay iniimbestigahan ang mga krimen na nangyayari.

Ngayon, pinaimbestiga sa akin ang isang bangkay ng lalaki na duguan at mukhang patay na. Kaagad koong kinuhanan ito ng dugo upang masimulan ang imbestigasyon.

"Ma'am Dana, dito lang kami kasama ang bangkay habang nasa laboratarya kayo, okay ka lang ba?" sabi ni Renz, isang pulis dito sa stasyon. Kasama siya sina Carl, Dennis, Sam at Tom, ang iba pang mga pulis na nanatili sa stasyon. Yung iba kasi, umalis, nasa mga misyon.

"Sige. Payag ako." tugon ko naman sa kanya.

Pumasok na ako sa laboratarya at sinimulan ang aking pagsisiyasat. Maypagka-soundproof ang lab ko kaya di ko maririnig ang mga ingay sa labas.

Halos isang oras ang makalipas, nakakuha na ako ng resulta.

Ang mga pumatay sa lalaking ito ay hindi lang isang tao, marami. At base sa pagkukuha ko ng impormasyon sa mga pumatay sa kanya, nalaman kong patay na rin ang mga ito. At mukhang patay na sila bago namatay ang biktima.

Pero paano nangyari iyon? Pinatay ang lalaki ng mga patay? Ha? Ano yun? Parang napakaimpusible naman ata nito.

"Naku po..kailangan ko ibahagi ito sa kanila! At posibleng mali lang ang pagsisiyasat na ito, kukuha ulit ako ng dugo!" sabi ko at naisipang lumabas ng laboratarya.

Pagkalabas ko, nakita ko na nag iba ang anyo ng lalaking namatay at nina Carl, Dennis, Renz, Sam at Tom. Bukod dito, marami pa silang kasama na nag-iba rin ng anyo. Mukha silang mga maruming bangkay na naglalakad. Sinarado ko muna ang pintuan.

"Naku, naku. Hindi kaya..hindi kaya. Mga zombie iyon?! May mga zombie na?! So kaya pala ang mga pumatay sa lalaking yun ay mga patay na."

Hinanda ko na ang aking nightstick, baril at ang backpack na may mga granadang lason na ininbento ni Thalia Bahinting, isang tanyag na scientist, ang nanay ng matalik kong kaibigan na si Hank Bahinting at asawa ni CSupt Heinson Bahinting, isang napakahusay na pulis na patay na ngayon dahil sa mga delikadong kriminal. Patay na rin si Professor Thalia, nauna pa bago kay CSupt Heinson, dahil din sa mga kriminal. Naawa talaga ako sa kaibigan kong si Hank Bahinting, mag-isa na lang siya ngayon, wala nang pamilya. Ligtas kaya siya mula sa zombie apocalypse?

Nang pagkalabas ko, kaagad kong binaril ang mga zombie. Lumayo ako ng konti at binato ang dalawang granadang lason. Maraming zombie ang sumabog at bumuga ng delikadong, nakakalason na usok. Ang lahat ng iba pang mga zombie ay halos natumba na dahil sa lason na hindi nila matiis. Namamatay na rin sila.

Naisip ko na dumaan sa ibang daan, sa likod sapagkat maraming mga zombie na dadaanan, baka makagat pa ako.

Pagkadating ko sa likod, huminga muna ako ng malalim.

"Okay..hindi ito biro. Ang mundo, o baka Pilipinas lang ay sinalakay ng mga zombie. Totoong totoo ito. Naapektuhan na ang mga Pilipino! Naku po, patay, paano na ito." sabi ko habang sumasandal sa pader.

May naisip ako bigla.

"Alam ko na! Pwede ko sigurong tawagan ang kaibigang kong si Hank, baka matulungan niya ako. Hopefully, buhay pa siya."

Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan siya.

Pagkatapos ng ilang segundo, sinagot agad siya. Yun! Buhay siya.

Ako: Hello, Hank?

Hank: Dana. Ligtas ka? May kaalaman ka na ba tungkol sa Zombie Apocalypse?

Ako: Oo, Hank. Nasaan ka, kailangan ko ng tulong, eh. Hindi ko alam ang gagawin ko sa ngayon.

The Philippine Anti-Zombie Squad (SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon