Chapter 11: Pagdadambong

168 13 13
                                    

Chapter 11: Pagdadambong

Author's Note: Kaya po mapapansin niyong walang mga capitalization sa words at hindi masyado pormal ay dahil point of view ito ni Dragon Gangster, ang nag-iisang hindi edukadong miyembro ng koponan.

Dragon Gangster's Point of View

natulog muna sina little blade at katana queen sa pagod. binantayan naman sila ni hank.

habang natutulog sila, nagnakaw kami ni captain killer ng mga gamit sa mall, nilibot namin ito ng matagal upang maraming makuha at inubos ang mga zombie dito. nakakuha kami ng maraming mga kinakailangan na bagay sa mall. mga cell phone, extra clothes, mga kutsilyo para dumagdag sa koleksyon nina little blade at bad knife, mga golf club para kay super golfer, mga bolt para sa crossbow ni crossbow princess at mga pang-first aid pack sapagkat wala na kaming medic, patay na si scarlet medic. nagnakaw din ako ng pera na pwede kong kunin.

dala-dala namin ang mga gamit, bumalik kami ng prestige lounge, gising na sina little blade at katana queen.

"Naku, ang bigat naman!" daing ni little blade

"bigat? eh kay konti lang naman ng mga dala natin!" reaksyon ko naman sa kanya

"I mean parang ayoko naman na ganitong may dala hanggang sa maglakad tayo palabas at gawin yung pagdadambong na ideya mo." kontra ni little blade sa aking reaksyon.

"paano kaya kung kumuha tayo ng kotse rito sa garahe tutal nandito naman na tayo" mungkahi ko sa kanila

agad silang tumingin sa akin gulat na gulat

"Hai naku, ayan ka nanaman sa pagiging utak-kriminal mo! Gangster pa rin hanggang ngayon, eh noh?" sabi ni Captain Killer

"Pwede siguro, since wala na tayong choice. 5% na lang itong motorsiklo ko at baka di naman tayo magkasya. At dahil nga burglary ang gagawin natin, kailangan siguro, isang malaking truck ang kukunin natin." sabi naman ni Hank na sumasang-ayon sa akin

"wow salamat talaga hank ikaw lang lagi ang sang-ayon sa mga ideya ko" sabi ko kay hank

"Walang anoman, Dragon. Tara na, maghanap tayo ng truck na pwedeng nakawin."

naghanap kami ng truck at nahirapan pa nga sapagkat halos lahat ay sarado, nakalock at kung bukas man, hindi nakasusi ang bandang manibela para maimaneho na

hanggang sa makahanap kami sa pinakababa ng garahe, isang truck na bukas at zombie na ang driver.

agad na binaril ni captain killer ang drayber na zombie

pagkatapos nito, inalis namin ang katawan ng zombie at sumakay na

ako ang nasa driver's seat, katabi ko si captain killer, sa likod sina little blade at katana queen samantala si hank ay sinasakyan pa rin motorsiklo niya

"Magpa-gas muna tayo. Pagkatapos nun, sisimulan natin ang pagdadambong. Itong motorsiklo ko, 5% na lang at yang truck, kailangan siguro ng mas maraming gas din. Captain Killer, may kilala ka bang sundalo rito na malapit na pwedeng kuhanan ng mga supplies tulad ng baril at iba pa?" sabi ni hank

"Dito sa Las Piñas? Ay, oo. Si Colonel Carlos Arcivita. Malapit pa naman yun doon sa pinakamalapit na gas station, ang Shell, tamang tama! Doon na tayo sa Shell sa bandang kanan para malapit na sa bahay niya! Basta mag-ingat tayo. kapag nagising yun, baka agad niya tayong patayin." sagot ni captain killer kay hank

"wow. ayos ah! since kailan ka pa ba sundalo, armano?" tanong ko kay captain killer

"Highschool at college, I have already joined the army ever since na pinaexpell ako ng mga magulang ni Sonji sa kakabully at torture sa kanya. Homeschool naman ako nina nanay at tatay, kaya edukado pa rin ako kahit busy na busy ako sa army. Kaya nga rank ko ay mataas na, Captain, kahit 22 pa lang ako!" sagot naman sa akin ni Captain Killer.

The Philippine Anti-Zombie Squad (SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon