Chapter 1: Isang bago't kakaibang poblema ng Pilipinas

1.4K 33 44
                                    

Author's Note: Bago ang lahat, babatiin ko muna ang isa sa aking best friends dito sa Wattpad at ating squadmate na si SergeantAatros  na may tatlong karakter na sina Super Golfer, Grim Harvester at Dragon Gangster. Pero sa kabanatang ito, si Super Golfer pa lang ang karakter niya na lalabas. Fifteen years old na siya ngayon, alam kong yung iba sa inyo below 15, tulad ko, so pwede niyo siyang tawaging kuya. Sana mabati niyo kahit dito lang, hehe. Muli, MALIGAYANG KAARAWAN KAY MARC VICTOR PAOLO "M.V.P" G. SABALZA, A.K.A SUPER GOLFER!!! Happy fifteenth sa iyo, SergeantAatros !

Hank Bahinting's Point of View

Ako si Henry "Hank" Tyler Bahinting, isang simple pero masasabi kong misteryosong binata. Tatlong-put taong gulang na ako. Isa akong siyentista, inbentor, inhinyero at pulis. Perpekto talaga ako sa pagigng siyentisya at inbentor sa kakayahan at talino ko. Angkop na angkop din ako maging pulis, pero huwag lang sundalo. Sa katotoohanan, gustong guso ko talaga pagsamahin ang mga iyon, pero naisip ko na dapat din siguro mag-isa ako, solo. Kung sa ingles, I prefer to be a "solo vigilante." Ginamit ko yung kagalingan ko sa pag-iinbento para sa paggawa ng aking mga sandata. Nakasuot ako ng mga metal na guwantes na may halong teknolohiya na kung saan kaya ko magkaroon ng mahaba't nakakatusok na mga kuko na gawa sa metal. Ang sapatos ko ay pang-skating at pwede pang maging nakakatusok, sa pamamagitan ng pagkakaroon bigla ng mga ispaik. Ang tsaleko at pantalon ko na lagi kong suot ay bulletproof, nakamaskara pa akong bulletproof din palagi. Gumagamit din ako ng mga back-up weapons tulad ng mga granadang kemikal at pistola. At mayroon akong motorsiklo na nakakapagpasabog ng misayl. Pero itong motorsiklo na ito ay orihinal na ginawa ng nanay kong inbentor at siyentisya na hindi niya natapos dahil napatay siya ng mga kriminal. Ako na lang ang nagtapos nito. Kaya simula nito, kadalasan na akong lumalabas ng mag-isa at pumapatay ng mga kriminal, as a secret vigilante. Ang tatay ko na pulis ay namatay sa isang napakahirap na misyon, kung saan susubukan niyang patigilin ang mga ito. Namana ko ang kagalingan sa pakikipaglabanan mula sa tatay ko at katalinuhan mula sa nanay ko. Ang alyas ko ay simple lang, Hank Bahinting lang. Sa buhay ko, nagsaya ako sa kadalasang gawaing pang-pisikal at pag-eensayo sa akin ng pulis kong tatay at sa pakikipagtulungan ko sa nanay kong inbentor sa paggawa ng mga bagay. Ngayon, parehas na silang patay. Pati nga mga kapatid ko, nauna na sa kanila. Dinali kami ng mga kriminal; unang namatay ay yung bunso namin na si Teddy, tapos yung pangatlo na si Harry, yung gitna, si Thea at yung pangalawa, si Hera. Matagal na nawala sila, walong taon ang nakalipas, hindi man lang nakaabot sa aking graduation. Inensayo ako lalo ng aking ama. Bgunit napatay din siya noong nakaraang apat na taon, at hindi pa umabot ng aking ika-dalawangput-anim na kaarawan. Sumunod agad ang aking nanay makalipas ang isang taon. Ito ang dahilan para magsikap pa ako na maging mahusay na pulis at inbentor. Dati, napakasaya ng buhay ko, ngayon malungkot na. Hindi lang naman ako nagpapasalamat sa tatay ko sa kahusayang pisikal ko at sa nanay ko para sa talino at mga kakaibang sandata na mayroon ako, sa diyos na rin, siyempre. Tutal, siya naman ang lumikha sa akin at ang nagbigay sa akin ng mga napakamarangal na magulang at mga kapatid. Tatlong taon na akong namumuhay ng mag-isa.

Ngayon, kinalulungkutan ko pa rin ang pagkamatay nila. Namatay ang mga magulang ko ng may nasyonalismo. Kaya ako, habang buhay pa ay dapat lang na mahalin ang aking bansa, ang bansang Pilipinas.

Sa ngayon, pinagpahinga muna ako sa trabaho ko bilang pulis ng Philippine National Police (PNP). Isang araw lamang naman.

At sa katotohanan, mahirap talaga pagsabayin ang pagiging pulis ko sa pagiging sikretong inbentor ko. Binabalanse ko pa rin, kahit mahirap. Ginagawa ko ito para sa pamilya ko. Hinding hindi ko papabayaan na lumala ang mga aksyon ng mga kriminal. Hinding hindi ko kakayanin kung mararanasan ng iba ang naranasan ko. Kailangan ko gawin ito, para sa pamilya ko, para sa iba pang mga mamamayan at sa aking bansang Pilipinas.

The Philippine Anti-Zombie Squad (SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon