Chapter 23: Mga Hindi Inaasahan

114 10 37
                                    

Chapter 23: Mga Hindi Inaasahan

Ma'am ZJ's Point of View

Ilang oras kami nagpahinga. Si Hank ay kinakausap sina Taiga at Dragon time to time upang maging updated sa status ng misyon nila sa Cordillera Administrative Region. Si Zoey ay nagpapahinga lamang sa kama niya. Naglalaro naman ang iba ng boys and girls, sapagkat yun lang ang tanging magagawa nila mula sa mga injury at sugat nila. Dahil naiinip ako, pinakinggan ko na lang sila.

"Makakakuha tayo ng score sa bakbakan na tayo. Kanino kayang koponan ang may mas magandang fighting performance kagabi?" sabi ni Super Golfer.

"Ah! Sige! Ilang points mabibigay niyo rito? Sinipa ko sa weakspot ng isang lalaki ang drayber ng kotse na kung nasaan kami kinidnap ni Justin. Napatigil bigla ang kotse dahil napatigil yung drayber na gangster. Sisipain ko na sana ang susunod, pero nahila ako ng lahat ng mga gangster, pinagtulungan ako, kinaladkad ako, pinapalo-palo ng malakas sa bubong ng kotse maraming beses ang katawan ko, at pagkatapos, tinapon na lang ako mula sa bintana, tumama ako sa kabilang sasakyan, yung sa inyo, MVP. Tapos, sinubukan kong maglakad. Nakita ko, may sasakyan na sasagasaan na ako at hindi ako makalakad sa pilay ng kaliwa kong paa at halos di na rin makagalaw ng dumagdag pa ang kanan kong kamay. Akala mo mamatay na ako, hindi ko ineexpect na biglang sumulpot si Justin, umalis mula sa sasakyan namin at mabilis na inalis ako sa daan, at nasagaan siya ng sasakyan! Kaya..napilay siya ngayon sa kaliwang binti at kaliwang kamay. Buti, mahina lang ang bangga at naiwasan pa niyang matamaan ang ulo niya. Saka buti na rin at yung isang kamay at isang paa ay hindi nainjure at mababa lang binagsakan mo. Pero salamat talaga, Justin ah. Niligtas mo buhay ko roon. Siguro dapat lang na friendly na ako sa iyo. Masyado na kitang tinatarayan, eh.." sabi naman ni HD-Queen.

Pumalakpak silang lahat.

"Wew!!! Friends na sila! I mean..different level of friends na sila? Anong level? Parang kina MVP at Momo, ganun, romantic relationship? O yung more than that na na relationship, sexual relationship na tulad nina Felix at Chelsea pati nina Hank at Ma'am ZJ?" tanong ni Yanni.

Tila nahiya at nagblush si Death, sumipol na lang siya at tumingin sa kabilang side.

"Depende sa kanya. Habang nagiging Anti-Zombie Squad tayo na lumalaban sa mga zombie at ilan sa inyo ay mga couple na kung saan inspiration niyo ang isa't isa sa pakikipaglaban, nararamdaman ko na parang gusto ko na rin ng kasintahan." sagot ni HD-Queen.

Napalingon si Death sapagkat kumuha ito ng atensyon niya. Ngayon naman, mukhang natutuwa at nasasabik siya.

"Hey! Gusto ko ng romantic relationship na! Bilis! Matagal mo na ako di sinasagot dito!" sabi ni Death.

"YES NA YAN! YES NA YAN! YES NA YAN! ALTOGETHER.." sigaw ni Super Golfer.

"YES NA YAN! YES NA YAN! YES NA YAN! YES NA YAN!" sabay sabay na sigaw nilang lahat kina Death at HD-Queen.

Natawa muna si HD-Queen at si Death ay tumalikod. Paulit-ulit naman ang sigaw ng iba.

"Ahem, ahem. Tigil muna sa cheer ninyo, hindi ito intrams. May ibibigay na akong sagot. Handa na ba kayo? Siyempre hindi. Tama ba?" nagsalita na si HD-Queen.

Tumigil na sila sa kakasigaw ng "Yes na yan" paulit-ulit.

"Hindi po! Handa na po kami, ate! Titigil na po kami, at hihintayin na ang sagot mo." sabi ni Yanni.

"Good. So ang sagot ko ay.."

Pinaghintay sila ni HD-Queen. Si Death ay napapasmirk na lang at sumipol muli.

Humarap na si Death. Pinalo muna niya ang dibdib niya.

"Naku, di na ako makahintay. Ako na ang magpapasagot sa iyo kung di ka talaga makaisip!" sabi niya at lumapit na kay HD-Queen. Dumeretso siya sa bandang mukha nito. Halatang hokage moves ito. Mukhang hahalikan niya na si HD-Queen.

The Philippine Anti-Zombie Squad (SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon