Chapter 17: Pagbabago sa Sarili

144 11 15
                                    


Chapter 17: Pagbabago sa Sarili

Crazy Bully Killer's Point of View

Hindi ako makapaniwalang nangyari yun. Namatay si Captain Killer para makaligtas ako. Binuwis niya ang buhay niya para sa akin kahit isa akong kaaway. Isa talaga siyang marangal na sundalo na may kakaibang nasyonalismo. Hinahangaan ko siya.

Noong nakaraan, noong bahagi pa ako ng Anti-Zombie Squad, malaki ang aking naitulong pero mas malaki ang aking naibigay na pahamak. To be honest, ako mismo ang pumatay kay Scarlet Medic. Kung hindi lang ako naging baliw na g*go sa away namin ni Captain Killer nun, baka buhay pa siya. Baka walang namatay nun, kahit si Grim Harvester siguro ay ligtas pa at hindi na nagsakripisyo. At hindi na sana sila naging hiwa-hiwalay, kung saan buhay pa sana si Dana Quinn ngayon. Ngayon, naging susi ang kamatayan na sakripisyo ni Captain Killer para sa aking pagbabago upang magbago na talaga ako ng tuluyan. Isa siyang bayaning minahal ang kanyang bansa at lahat ng mga kapwa niyang pilipino.

Sa mga aksyon ko, masasabi ko ako na ang pinakamasamang tao sa buong mundo.

Hubad na ang maskara mula sa akin. Patuloy lang ako nahuhulog pababa sa parachute na ito. Nakikita ko ang langit, ang mga ulap. Unang beses ko ito naranasan. Narinig ko naman ang tunog ng mga helicopter na parang naghahabulan. Kinuha ko ang sniper rifle ko at mula sa iron sights, nakita ko ang nangyayari: ang helicopter ng Anti-Zombie Squad ay hinahabol ng dalawang mga helicopter ng mga pulis. Nakakita ako ng mga pana na tumatama sa helicopter at mga bala ng machine gun yata. Sina Crossbow Princess CL at Boy Machine Gun. Nang tinignan ko ang mga pulis sa loob ng unang helicopter, nakita kong namamatay na ang apat sa kanila at ang piloto na lang ang natitira. Tinamaan ko na ang piloto sa ulo, at namatay na siya. Nagsimulang bumagsak ang helicopter nila. Nakita ko naman ang kabilang helicopter, ang mga pulis ay agresibong sinusubukan silang patayin.

T*ngina, itong mga pulis na ito, kakaiba, pinapatay ang mga bayani, hindi naman na sila nagmumukhang bayani. Napansin kong medyo mabagal ang takbo ng helicopter nila. Wala na kasi si Captain Killer, eh. Si Daniel Quinn na lang yata ang nagpipiloto. Naku po..14 years old pa lang yan! Di bale na, gamer naman, magaling sa mga larong nagpipiloto ng mga eroplano. Bigla namang may sumabog na mga granadang lason sa natitirang helicopter ng pulis. Kay Daniel Quinn siguro. Namamatay na ang lahat ng mga pulis dito.

Nakita ko naman ang isang helicopter ng pulis, nahuhulog na sa lugar ko. Napagtanto ko na pwedeng pwede ko ito sakyan dahil dikit na dikit sa akin ang direksyon ng binababaan niya. Nang makadikit ito sa akin, agad kong pinuwersa ang aking katawan, pinalipad ko ito para makapasok sa helicopter. Tagumpay naman ako. Suwerte talaga ako. At buti na lang, bukas na ang pintuan. Piniloto ko na ang helicopter, pataas, papunta sa lugar ng helicopter nina Daniel Quinn.

Nakita nila ako at hinanda nila ang mga sandata nila. Tinaas ko naman ang mga kamay ko, para malaman nilang suko na ako at hindi ko silang gusto kalabanin. Napatigil sila bigla at nakita ko si Dragon Gangster, inuutusan silang ibaba muna ang mga sandata. Hindi ko siya marinig, siyempre.

Nagbigay naman ng hudyat si Dragon Gangster na lumapit ako at pumunta sa kanila, kaya dinikit ko ang helicopter sa helicopter nila. Binuksan naman agad ni Daniel ang pintuan. Hinanda ko muli ang aking parachute para in case of diving failure. Tagumpay naman ako, nakapasok ako sa helicopter nila at agad kong sinarado ang pintuan pagkatapos.

Walang disiplinang sinubukan akong saksakin ni Little Blade sa galit niya, pero pinigilan siya ni Lady Shooter.

"Tama na muna..pasalitain muna natin ang traydor na ito." sabi ni Lady Shooter.

"Makinig kayo sa akin. Alam kong ako ang may kasalanan sa kamatayan ng apat sa inyo. Pero sana mapatawad niyo na ako. Sapat na ang sakripisyo ni Captain Killer para sa akin upang magbago ako. Anoman ang mga nagawa ko noong nakaraan, pinagsisisihan ko na ang mga ito. Alam kong hindi niyo agad ako mapapagkatiwalaan pero sige na, bigyan niyo muna ako ng pagkakataon. Kung alam niyong habang tumatagal ay wala pa ring pagbabago sa akin, sige, patayin niyo na ako. Okay lang, tanggap ko na yun bilang kabayaran at parusa. Pasensya na talaga. Sana tanggapin niyo ako." sabi ko naman sa kanila.

The Philippine Anti-Zombie Squad (SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon