Chapter 7: Paghahanap sa mga Kamag-anak (Ikalawang Bahagi)

237 18 28
                                    

Chapter 7: Paghahanap sa mga Kamag-anak (Ikalawang Bahagi)

Death's Point of View

Nagulat kami bigla nang tumigil si HD-Queen.

"Anyare, sexy HD girl, my queen? May kumagat ba sa iyo diyan? Kahit langgam lang yan, papatayin ko! At kung zombie yan, magpapakagat na rin ako para parehas na tayo" sabi ko kay HD-Queen. Ang ganda kaya niya!

Bumukas na ang ilaw sa pagkapindot ni HD-Queen.

Hinanda ko ang baril ko, ngunit napatigil nang malaman ko na isang napakaliit na batang babae na kaedad lang siguro ni Jasper ang kumagat sa kamay ni HD-Queen. Maganda soya tulad ni Lisa. Magkamukha silang magkapatid.

"Jusko po! Ikaw lang pala, Loisa. Kala ko zombie na." reaksyon ni magandang HD-Queen.

"Haha ate Lisa! Naloko kita, haha! Kala mo zombie, noh?" sabi ni Loisa, ang kapatid ni HD-Queen na humahalakhak na.

"Um, alam mo na rin yung tungkol sa mga zombie na ito?" nagtaka ako bigla, kaya nagtanong ako.

"Oo, kinuwento nina mama at papa. Nakagat daw sila at hindi na nila tayo pwede samahan, kaya umalis na sila, pumunta sa malayong lugar. Siguro zombie na sila ngayon at mamamatay na rin kung may papatay sa kanila." sagot ni Loisa na napaiyak na.

Napaiyak na rin si HD-Queen. "Pumunta ako rito para sunduin ko. Pupunta tayo sa ligtas na lugar kasama sila, mga kaibigan ko. Kinakalaban namin ang mga zombie na nakaalay para sa aming mga pamilya!"

"Wow, ayos ah!" sabi ni Loisa.

"Tara na. Marami pa tayong pupuntahan. Kina Little Blade at Scarlet Medic naman. Pagkatapos, kay Katana Queen. Susunod doon si Bad Knife. At huli si Super Golfer na pinakamalayo." niyaya naman na kami ni Dana Quinn umalis.

Nang makarating kami sa van, umupo kami sa mga lugar namin. Dahil maliliit lang naman sina Jasper at Loisa, nagkasya kaming apat nina HD-Queen.

"Dana, gamitin mo itong Waze app ng cellphone para di ka na mahirapan sa daan." sabi ni Scarlet Medic at inabot ang cellphone niya na may "Waze" app kay Dana.

"Sige, salamat."

Habang bumibiyahe, napansin kong umuubo ng umuubo si Loisa.

"Lisa, okay lang ba kapatid mo? Kanina pa ubo ng ubo, eh." sabi ko.

"Wow, ngayon naman ikaw ang may napansin, kanina ako sa kapatid mo ngayon ikaw sa kapatid ko. Alam naman na natin ang gagawin. SCARLET MEDIC!" sabi naman ni HD-Queen.

"Oo, ito na! Naghahanap na ako ng gamot para diyan!" agad na tugon ni Scarlet Medic at naghalungkat na sa backpack niya ng gamot.

"Um, so tingin mo ba, ate Sonji, sa zombie apocalypse mismo nangaling yung ubo na ito?" tanong ni Little Blade.

"May posibilidad. Depende sa exposure ni Loisa. Pwede ring hindi, kasi tayo naman hindi. Pero sa bagay, mukhang di pa masyadong malakas ang immunity system ni Loisa. Anything is possible.." sagot ni Scarlet Medic.

Nahanap na rin ni Scarlet Medic ang gamot!

"Ito o. Ipainom mo sa kanya, Lisa."

"Maraming salamat!"

Pinainom na ni HD-Queen ang kapatid niyang si Loisa.

At pagkatapos ng mahigit trentang minuto, narating na namin ang bahay nina Little Blade at Scarlet Medic. Hindi siya actually bahay sapagkat condominium ito.

"Naku po, condominium? Maraming zombie rito! Sa elevator pa lang!" sabi ko.

"Oo. Condo kami. Fifth floor. Baba na tayo, tara!" sabi ni Scarlet Medic.

The Philippine Anti-Zombie Squad (SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon