Chapter 10: Hiwa-hiwalay

198 12 11
                                    

Chapter 10: Hiwa-hiwalay

Third Person Omniscient's Point of View

Naging hiwa-hiwalay ang Anti-Zombie Squad. Naging apat na dibisyon: grupo ni Hank Bahinting sa kaliwa, pares nina Boy Machine Gun at Crossbow Princess CL sa timog, grupo ni Dana Quinn sa kanan at ang pares nina Death at HD-Queen sa hilaga. Patay na sina Scarlet Medic at Grim Harvester, kinagat na ng mga zombie. At si Crazy Bully Killer ay hindi na kasali sa kanila.

Kina Hank Bahinting.

Patuloy na hinahabol nila si Crazy Bully Killer na napakabilis tumakbo. Sasagasaan na sana siya ng motorsiklo at sasaksakin ni Katana Queen, nang biglang nagbato siya ng smoke bomb.

Napatigil sina Hank Bahinting, Dragon Gangster, Captain Killer, Little Blade at Katana Queen sapagkat naging poblema ang pagsabog ng usok na hindi magandang langhapin. Napaubo sila at takip sa ilong upang hindi ito malanghap. Dalawang-put segundo ang nakalipas, nawala na ang usok. Nakahinga na rin sila at nakikita na muli nila ang paligid: nakatakas na si Crazy Bully Killer.

"Hai naku, nakakainis na talaga yang Taiga na yan! Ginamitan pa tayo ng smoke bomb para makatakas. Naku po.." sabi ni Captain Killer habang nagbubuntong hininga.

"Tanggal na siya mula sa atin. Walang 'yang siraulo talaga yun! Siya ang naging pangunahing dahilan kung bakit tayo nagkahiwa-hiwalay at nabawasan ng miyembro." sabi naman ni Hank Bahinting at pagkatapos inubo pa.

"Tama lang yun. Baliw na ata yung sakim na yun. Walang magawa, eh noh? Siya rin ang rason kung bakit nasunog ang truck, binato niya ako at tumama ng malakas ang guwantes ko, malaki ang apoy na nabuo. Haii, kung pwede lang, patayin na rin siya! Kasi hindi sapat na kabayaran kung tatanggalin lang siya!" pang-sasang-ayon na pahayag ni Dragon Gangster. Sa galit niya, sinuntok niya ang hangin ng maraming beses, malaki na ang apoy sa metal na guwantes niya. Tinamaan niya ang sahig ng apoy sa pamamagitan ng pagsuntok dito.

"Kaya nga! Wala na si Sonji, dahil sa kanya! Nakakainis na talaga siya." Ani Captain Killer.

Tahimik lang si Little Blade, iyak ng iyak.

"Speaking of Sonji, di ba naubusan siya ng bala at biglang nadulas, kaya kinagat na siya ng mga zombie. Ibigsabihin..hindi lang si Taiga ang naging dahilan. Pati ang katotohanan na hindi masyado marami ang ating mga supplies." binahagi ni Katana Queen ang kanyang opinyon.

"Pwede. Naubusan din yung iba kanina." tugon ni Hank Bahinting dito.

"So ano na plano mo, Kuya Hank?" tanong ni Katana Queen

"Pahinga muna tayo, kumuha ng isang pansamantalang bagong headquarters, doon natin pagplanuhan lahat. Pero bago yun, patayin muna natin ang mga zombie na yan. Hindi pa nauubos ang mga zombie sa Metro Manila. May konti pa." sagot ni Hank Bahinting at tinuro ang isang malaking grupo ng napakaraming mga zombie.

"I honestly think na hindi lang yan sa Metro Manila. Posibleng sa iba ring rehiyon yan nanggaling. Las Piñas na tayo, di ba? So malapit ito sa Cavite, sa rehiyong 4A, ang CaLaBaRZon!" sabi naman ni Captain Killer.

"Less talk, more action!" sabi ni Hank at sinimulan nang patayin ang mga zombie sa pamamagitan ng kemikal niyang pistola.

Sumugod na si Katana Queen, nakahiwa ng maraming mga zombie gamit ang katana niya. Sumunod na sumugod ay si Captain Killer, ginamit ang isang revolver sapagkat ubos na ang laman ng flamethrower niya. Sinuntok ni Dragon Gangster ang hangin ng maraming beses, hanggang sa malaki na ang apoy sa metal niyang guwantes. Pagkatapos nito, tumakbo na siya at pinasayaw sa hangin ang kanyang mga kamay, tumalsik ang apoy sa maraming mga zombie. Sinuntok niya ito nang napatigil ang mga ito sa pagkasunog na ikinamatay na nila. Tinitipid na kasi niya ang bala ng mga sub machine gun niya, na mauubos na rin. Hindi sumugod si Little Blade sa kanyang kalungkutan. Napansin naman ito ni Hank Bahinting, agad niyang pinuntahan ito.

The Philippine Anti-Zombie Squad (SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon