Chapter 22: Ang Pagtatapos sa isang Kalokohan

151 13 30
                                    

Chapter 22: Ang Pagtatapos sa isang Kalokohan

Katana Queen's Point of View

Kakagising ko lang. Isang normal na araw nanaman. Normal na araw, pero hindi na buhay.

**Flashback**

July 24, 2007

Ang tatay ko, si Joey Bushido Osumi Santos ay pilipinong lumaki sa Japan at naging eksperto sa martial arts. Gamit niyang sandata lagi ay ang kanyang katana.

Simula noong apat na taon pa lang ako, tinuruan niya ako ng fighting skills, ng martial arts.

Ngayong pitong taon na ako at medyo magaling na ako sa pakikipaglaban gamit ang martial arts style, may bago siyang itinuro.

"Ngayon na napraktis na kita sa unarmed martial arts combat, idadagdag ko sa mga praktis ang may sandata na. Ito, ang katana ko. Tuturuan kita kung paano gumamit niyan. Throughout your life, tuturuan kita maging eksperto rito. Makinig ka lang ng mabuti at magiging eksperto ka rin rito. Klaro ba yun?"

"Opo!"

"Susunod ka ba? Pangako mo ba?"

"Opo, tay! Pangako po!"

"Sige, handa mo ang sarili mong matuto."

At tinuruan na niya ako gumamit ng katana. Nakita ko sa kanya ang tamang reflexes habang ginagamit ang katana at ang tamang pag-gamit. Natutunan ko ring ipokus ang aking sariling "chi" para makagawa ako ng mga strong martial arts blows.

Tumagal din siyempre para maging mahusay ako rito, lalo na't sa mga panahon na batang bata pa ako, hindi pa ako ganun kahusay at ka-matured. At nang hindi inaasahan, may nangyari, sa kasamaang palad.

May 25, 2016

Naconfine si tatay sa cancer niya. Stage 4 sa Liver at Kidney. Naapaketuhan na rin ang ibang mga organs niya. Hindi maganda ang mga vital signs niya. Namana niya kasi ang malalang cancer sa tatay niyang may bisyo, at may bisyo rin siya nang tumira na siya rito sa Pilipinas mula sa Japan.

Iyak na iyak kami roon, at kinakausap namin siya habang alam naming posibleng mamamatay na siya.

"Tay..huwag ka na mamatay. Lumaban ka pa! Mahal na mahal ka namin! " naiiyak na sabi ni Brianna, ang bunso sa aming magkakapatid. Limang taong gulang pa lang siya. Ako ang panganay.

"Tay, please. Kailangan ka namin. Kung wala ka, paano na kami? Di ba? Alam naming kayang kaya mo pa yan. Ipagdadasal ka namin!" naiiyak na sabi naman ni Jepoy, ang gitna sa aming magkakapatid. Siya naman ay sampung taong gulang na. Lalo kaming napaiyak.

Kami ni mama at pinakanaiiyak. Sa sobrang hagulgol, di na kami nakasalita. Tinitignan na lang namin si tatay na naririnig lamang kami, at umiilijg sapagkat hindi siya makasalita dahil sa hinihingaan niya ng oxygen na nakatakip sa bibig niya.

Biglang tumuwid ang linya ng heartbeat niya at napapikit na siya.

"Nurse! Nurse! Doc!" agad na tumawag si nanay.

Mabilis na nakadating ang mga nurse na magrerevive, sapagkat nakaabang lang sila sa labas.

Hinanda nila ang mga pang-revive.

"3, 2, 1. INITIATE REVIVE TRIAL!" sabi ng doktor, at sinubukan nilang i-revive si tatay. Iyak na iyak na kaming lahat.

"3, 2, 1. AGAIN!"

"3, 2, 1. ONE MORE TIME!"

"3, 2, 1. ANOTHER TRY!"

"3, 2, 1. REPEAT!"

The Philippine Anti-Zombie Squad (SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon