Chapter 14: Ang Pagtutuos

151 15 14
                                    

Chapter 14: Ang Pagtutuos

Super Golfer's Point of View

Ah..nasaan ako.

Kakagising ko lang, ano meron?

Nasagot siguro tanong ko.

Di ako nakakaramdam ng ganun kabuti ngayon.

Kaya pala..nakatali katawan ko at nakasabit sa kisame. Nakakahilo. Upside down ako ngayon, kaya baliktad ang nakikita ko.

Nakita ko sa tabi ko na nakatali sina Bad Knife at Lady Shooter. Tulog pa rin sila. Sa kabilang side, nandoon sina Death at HD-Queen, nakaganito rin at hindi pa rin gising. Sa likod naman namin sina Jasper, Loisa at Daniel na gising na gising pero di rin makasalita sa tape ng bibig nila.

Nakita ko rin yung mga lalaki. Nadagdagan sila. May limang dumagdag, at pinagtulungan nilang subukang gamutin ang natamaan ng baril na nawalan ng malay na posibleng buhay pa, si Theodore Dimalanta.

Sina Ricky at Rico naman ay ginagamit ang mga cell phone nila, may cinontact.

Napatingin sa akin bigla si Rico, yung mas maliit sa kanilang dalawa.

"Aba, aba! Gising na yung golfer. Musta naman, diyan, Sabalza, ha?" tanong niya sa akin.

Siyempre, di ako makakasagot, nakatape bibig ko, eh.

 Walang use kung pipiliton kong magsalita sa kabila ng takip sa bibig ko na kung saan di na ako makasalita.

Gusto ko na nga suntukin itong Rico g*go na ito. Hehe, isang palayaw na ginagamit kong pantawag sa kanya.

"Haha di naman ako tanga o bobo para rito.

"Siyempre, di ko maririnig sagot mo. Pero sasabihin ko lang. Mangyayari na ang dakilang pagtutuos ng iyong grupo at aming grupo. Haha, makikita niyo rin sila muli. Sama-sama na ulit kayo. Sama-samang mamamatay dito." sabi niya, at di na lang ako nagsalita.

Umalis na siya pagkatapos. Naghintay talaga ako para dumating na yung iba.

Makalipas ang oras, biglang narinig kong parang nagbukas ang pinto.

Tumingin ako, nakita ko si Dragon Gangster, tinutok mga sub machine gun niya kaagad sa mga lalaki. Kasama niya sina Captain Killer, Little Blade, Boy Machine Gun, Crossbow Princess CL at Katana Queen.

"Ricky, Rico! Kasama sina Jhed, Lloyd, Carl, Gab at Alvin. Tumigil na kayo. Huwag niyo akong hayaan na gawin ito."

Natawa silang lahat bigla.

"Ikaw? Papatigilin kami? Ganun na ba kalakas trip mo? Hahahahaha! Alam mo namang hindi, di ba?" sabi nung Jhed.

"Oo nga naman. Hindi ka naming hahayaan na gawin yan sa amin. Alam mo kung bakit? KASI HALATA NAMANG DI MO KAYA! Haha! Mahina ka na nga, di mo pa kayang patayin kami by yourself! Haha! Boom!"" dagdag nung Alvin.

Biglang napatigil si Dragon Gangster, binaba ang mga baril niya na halos mabitawan ito sa panginginig ng mga kamay niya.

"Oo naman, aminado ako. Di na siguro kailangan na by myself. May bago naman na akong koponan na hindi katulad niyo. ANTI-ZOMBIE SQUAD, GO!" sabi ni Dragon Gangster pagkatapos, at inutusan na silang lima lima na kasama niya upang sumugod.

"Haha, dadaan muna sila rito!" ani Lloyd.

Binuksan nina Carl at Gab ang isang pintuan, at maraming mga zombie ang lumabas. Agad silang tumakbo palayo upang hindi mabiktims ng mga zombie. Buhat pa nila ang katawan ni Theodore Dimalanta na ginagamot nila. Kinabahan ako. Baka kaming nakatali ang kagatin, eh.

The Philippine Anti-Zombie Squad (SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon