Chapter 18: Bagong mga kalaban, bagong mga pagsubok

149 10 15
                                    

Chapter 18: Bagong mga kalaban, bagong mga pagsubok

Lady Shooter's Point of View

Nang tanghali, tinawag kami ni Felix.

"Naubusan ako ng gamit na ipangluluto para sa tanghalian. Naiisipan kong pumunta sa sakahan ni Mang Ojeda, baka sakaling makahanap tayo ng mga manok, baka at baboy, at iba pa. Sino gustong sumama sa akin? Wala naman nang mga zombie doon sa Metro Manila. Ang iba ay mananatili rito dahil tuturuan kayo ni Chelsea ng mga stunts tulad ng backflip, ganun. Mga runners na kasi ang kalaban natin ngayon, eh." sabi niya sa amin.

"Um, kami ni Wenia na lang. Bored kami sa kasalukuyan. Ayaw na siguro namin mag-training kasi magaling naman na kami sa mga stunts." sabi ni Dragon.

"Okey, sige. Hehe kayong dalawa ay 'kayo' talaga, ah, haha! Di niyo agad sa amin sinasabi na kayo na pala, haha. Anyway, tara na. Bilisan natin. Magiging late lunch na ito." sabi ni Felix sa amin.

"Ge, okay na yang lovebirds na yan para maging kasama mo, Felix. The rest, sa akin na, ieensayo ko." pumayag naman si Chelsea dito.

Pumunta na kaming tatlo sa truck. Si Dragon ang nagmamaneho, ako ang nasa tabi niya at si Felix ay nasa likod.

Habang bumibiyahe, naglalambingan din kami ni Dragon. Nakakamangha talaga na kami na agad ni Dragon. Nahanap lang talaga namin ang isa't isa ng biglaan. Marami kasi kaming mga pagkakapareho, at nagkakasundo kami palagi.

Kakaiba nga talaga. Sina Justin at Lisa nga, kahit marami ring pagkakapareho, hindi pa rin nagiging magkasintahan hanggang ngayon sa kabila ng pagsusubok ni Justin na maging sila. Sina MVP at Momo, wala masyadong pinagkaiba at wala ring pagkakatulad, pero naging sila na sa sandaling panahon ng pagiging close.

Well, ganun talaga.

Sa bandang dulo ng Quezon City ang kapatagan ni Grim Harvester. Gumamit si Dragon ng shortcut kaya mga halos trenta minuto lang ang nakalipas para sa biyahe. Isa pa, wala nang masyadong tao kaya wala talagang trapik.

"Wala ka nang makikitang mga tao sa daan..o zombie." sabi ko bigla.

"Oo nga eh. Nagkaroon ng mga zombie at naging zombie ang karamihan na ikinamatay nila." dagdag ni Dragon.

Narating namin ang kapatagan ni Grim Harvester at nakita namin, wasak-wasak ang mga tanim nila.

"Inapak-apakan siguro ng mga zombie, naging ganito. Sayang yung mga tanim, pero mayroon pa naman sigurong mga hayop dito si Grim Harvester." sabi ni Dragon.

Dumeretso kami sa isang kamalig. Nakalock ito, kaya agad na ginamit ni Dragon ang guwantes niya. Sinuntok muna niya ang hangin ng maraming beses, hanggang sa suntukin na niya ng napakalakas ang pintuan ng kamalig. Nasunog ang kamalig at dahil dito, naging sapat ang kahinaan ng pintuan para masira na namin kaagad sa pamamagitan ng mga baril namin.

Nang pagkabukas nito, nakita namin maraming mga hayop na umaatras sa takot. Sila'y halo-halo: manok, baka, baboy, kabayo, kambing at tupa.

"Aba. Ang suwerte natin, ah. Madami ito. Buti, truck dinala natin. Baka di magkasya eh." reaksyon ni Felix.

Nakakita kami bigla ng mga zombie. Isa itong maliit na grupo at nang mapansin kami, tumakbo sila kaagad papunta sa amin. Makakagat na sana kami, nang barilin namin sila na pumatay agad sa kanila.

"Wow, ano yun? Runners?" tanong ko.

"Oo. Naranasan na rin natin. Hai, ganun pala kahirap kalabanin sila." sagot ni Dragon.

"Pero paano naman sila nakarating dito? Kala ko ba wala na sa Metro Manila at ang runners ay doon lamang sa Region 1, 2, 3 at CAR?" tanong ko muli.

The Philippine Anti-Zombie Squad (SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon