Chapter 3: Ang pagkawasak ng isang grupo ng mga kriminal

377 22 13
                                    

Chapter 3: Ang pagkawasak ng isang grupo ng mga kriminal

Dragon Gangster's Point of View

Ang saya ng buhay ko ngayon, sapagkat kasama ko ang mga kasamahan ko sa "Bautista's Baril Boys Gang" o 3B Gang. Isa kaming maliit na grupo ng magkakaibigan na mga kriminal. Konti na lang kami ngayon, ngunit dati ay marami kami. Pakonti ng pakonti kami dahil yung iba ay nakukulong sa bawat krimen naming ginagawa. At ngayong 2016, taon ng pagbabago ng Pilipinas, ang iba sa amin ay pinapatay na, lalong lalo na yung mga gumagamit at nagtutulak ng droga. Sa ngayon, walo na lang kami. Ang pinuno ay si Brian Riley "Baril" Bautista, ang aking nakakatandang kapatid. Mas matanda siya sa akin ng apat na taon. At ako, si Drake Gideon "Dragon" Bautista. ang pinakabata sa grupo, sapagkat labing-siyam na taong gulang pa lang ako. Tumatayo naman ako na pangalawang pinuno, inaalalayan si Kuya Baril. Inuubos nang mga pulis ang grupo namin, kaya't naiinis talaga ako, lalo roon sa Bahinting na pulis na yun..buti nga, namatay na siya. Ang daming pinapatay sa amin, eh. Pero hindi pa tapos ang poblema namin sa Bahinting. Yung anak niya, si Hank Bahinting ay delikado tuwing gabi, bigla kaming susugurin. Hindi naman siya pumapatay, pero yung mga atake niya, nilalagay kami sa kondisyon na madaling mahuli o mapatay na ng pulis.

Ngayon, kasama ko ang pitong natitira sa grupo namin.

Dalawang kotse ang gamit namin. Yung isa, maneho ko at yung isa, maneho ni Kuya Baril.

Ang minamaneho ko ay isang Vios na kulay pula. Kasama ko sina Benedict Sante, Miko Guzman at Oliver Celzo. Samantala ang minamaneho ni Kuya Baril ay isang Mazda Tribute na itim, kung saan kasama niya sina William Maron Cruz, Jason Matthew Aguila at Jameson Paul Olivera. Kami kami na lang ang natitira sa grupo, sapagkst wala na ang karamihan, patay na. Yung iba naman ay nakakulong na at wala kaming kagagawa roon, lalo na ngayon na may pagbabago na ang bansa pagdating sa mga krimen at kriminal.

Nang tinigil niya ang sasakyan niya, tinigil ko na rin ang akin. Sinusundan ko lang naman siya, eh. At ang nang bumaba sila, bumaba na rin kami.

"3B Gang, ito ang plano. Mayroong fast-food restaurant dito. At sa kabila naman, mayroong Grocery Mart. Pwedeng pwede natin pagnakawan ang mga lugar na ito. Mapipilitan silang ibigay ang lahat ng pera nila sa atin sa pagtutok lang ng baril. Pero hahatiin natin ang grupo. Yung grupo kanina, yun din ang grupo ngayon. Benedict, Miko at Oliver, sasama kayo kay Dragon. Sa Jolibee kayo. William, Jason at Paul, sama kayo sa akin. Sa Grocery Mart tayo. Handa ba? Para ito sa pera nating lahat, makakatulong ito!" sabi ni Kuya Baril.

"Oo, 3B Gang for Life!" Sabi ko.

Ang iba ay tumango na lang at nagbigay ng thumbs-up.

"Sige, tara na." sabi ni Kuya Baril, at gumalaw na kami para sa pagnanakaw na gagawin namin. Haha, this will be a good robbery!

Habang naglalakad, binulong ko kina Benedict, Miko at Oliver ang plano kong naisip.

"Benedict, Oliver, kailangan niyong gumawa ng stealth kill sa mga guwardya. Since magaling kayong gumamit ng kutsilyo. Pero kailangan muna ng distraction. Miko, dahil ikaw ang makulit na mahilig sumayaw, pwedeng pwede kang distraction para sa gwardya upang mabigyan ng malaking pagkakataon na makapatay sina Benedict at Oliver. Sang-ayon ba?"

"Oo naman! Here goes my dancing moves once again!" sabi ni Miko.

"Kilala mo kami, Dragon. Sinusunod namin ang utos mo palagi." sabi naman ni Benedict.

"Handa na kami. Dragon, mukhang malalakas ang gwardya na ito, tignan mo yung sandata nila, may malaking shotgun at may pistola pa. I-back up mo na lang kami kung kinakailangan." mungkahi ni Oliver.

"Sige. Simula na tayo!"

Tumakbo si Miko papunta sa harapan ng dalawang mga gwardya at nagsimulang sumayaw, at nagbackflip-backflip pa. Napatingin dito ang mga gwardya na tila distracted na nga. Hindi nila napansina Benedict at Oliver na nakapunta na sa loob at naghihintay lamang na lumayo sila ng konti habang abala.

The Philippine Anti-Zombie Squad (SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon