Chapter 6: Paghahanap sa mga Kamag-anak (Unang Bahagi)

304 13 41
                                    

Chapter 6: Paghahanap sa mga Kamag-anak (Unang Bahagi)

HD-Queen's Point of View

Nag-talaga na ng mga kuwarto si Hank. Hiniwalay niya ang mga lalaki at babae mula sa isa't isa.  Apat na kwarto ang ginamit. Ito ay ang kwarto ni Hank, kwarto ng nanay niya, kwarto ng tatay niya at isang parang bodegang bihisan lamang na kwarto. Sa kwarto ni Hank, kasama niya sina Super Golfer, Dragon Gangster at Boy Machine Gun. Sa kwarto ng tatay niya nakatakda sina Death, Grim Harvester, Crazy Bully Killer at Captain Killer. Sa kwarto naman ng nanay niya ay kami nina Dana Quinn, Katana Queen at Lady Shooter. At huli, ang bihisan ay okupado nina Crossbow Princess CL, Bad Knife, Little Blade at Scarlet Medic.

So far, walang naman akong poblema sa mga kwarto. Kasi ang aking poblema..ay ang kalungkutan. Mukha ngang nakagat na sila ng mga zombie, dahil hindi nila sinasagot ang mga cell phone nila. O nagrereply sa text. Alam ko na sa sarili ko na hindi sila nakaligtas.

Pero hindi ako magpapatalo sa kalungkutan na dinadala ng mga zombie. Nawala man sa akin ang mga mahal ko sa buhay, ako'y lalaban alang-alang para sa kanila. Ngayon, magsisimula na akong gumawa ng aksyon upang maibalik ang mundo sa dati para sa kinabukasan ng lahat.

Nakalipas ang unang araw ng pagsubok na ibinigay ng mga zombie. Maaga ako natulog, habang ang iba ay may kanya-kanyang mga ginagawa. Si Hank ay may pinagkaka-abalaan sa laboratorya niya, inbensyon nanaman siguro. Si Super Golfer ay naglalaro ng golf sa garahe. Sina Dana Quinn, Lady Shooter, Dragon Gangster, Captain Killer, Crazy Bully Killer, Bad Knife, Katana Queen, Death, Little Blade at Scarlet Medic ay nag-eensayo ng mga kakayahan at fighting skills nila. Naglambingan muna ang magkasintahan na sina Boy Machine Gun at Crossbow Princess CL na parang date na rin nila. At si Grim Harvester ay nasa labas, sa bandang hardin, inaasikaso ang mga halaman at naglilinis din.

Kinabukasan, nagising ako. Nasa kama ako, katabi ko si Katana Queen na tulog pa. Nasa kutsyon sa lapag si Lady Shooter na tulog pa rin din. Nakita ko, wala na si Dana Quinn na katabi ni Lady Shooter. Gising na siguro yun.

Nakaramdam ako ng uhaw, kaya naisipan ko nang bumaba.

Habang bumababa sa hagdan, nakarinig ako ng usapan.

"Marami pa sa atin ang may mga pamilyang inaalalala. Baka sigurong nais nilang tignan kung buhay pa sila o kung anoman. Kailangan natin pagpulungan ito." narinig ko ang boses ni Hank.

"So aalis tayo mula rito at maglalakbay para hanapin yung mga kamag-anak ng iba para malaman nila kung buhay pa o patay na?" Tanong ni Dana Quinn.

"Oo. Magiging magandang paraan ito para makabawas sa zombie dahil habang bumibiyahe mapapatay na natin yung mga zombie." Sagot ni Hank.

"Sa bagay, ako rin naman, gusto ko yun, baka buhay pa mga magulang ko..at iba kong mga kapatid."

Nakababa na ako at nakita ko sa sala sina Hank at Dana Quinn.

"Hi, Lisa!" sabi ni Dana sa akin.

Kumaway na lang ako.

"Sinu-sino ba yung mga estudyante rito? Sila siguro yun." Nagtanong si Hank.

Habang kumukuha ng tubig sa ref, agad akong nagsalita. "Ako, isa ako roon."

"Si HD-Queen. Si Katana Queen, si Death, si Crazy Bully Killer. Ayun, sina Little Blade at Scarlet Medic din! Si Lady Shooter, wala nang mga magulang. Si Dragon Gangster ba may mga magulang pa? I heard drug users and pushers mga magulang nun, pero baka makatulong pa rin."sagot naman ni Dana Quinn.

"Hindi, wala na. Katulad ko lang siya. Wala nang mga magulang. Napatay na ng mga pulis sa utos ng presidente mga magulang niya na lalong nagpagalit sa kanila ng Kuya Baril niya."

The Philippine Anti-Zombie Squad (SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon