𝚏𝚘𝚛𝚝𝚢 - 𝚏𝚘𝚞𝚛

162 9 0
                                    

┗━━━━━━━ shishi ━━━━━━━┓

𝚗𝚘𝚟𝚎𝚖𝚋𝚎𝚛 𝟽, 𝚠𝚎𝚍𝚗𝚎𝚜𝚍𝚊𝚢, 𝟷𝟸:𝟺𝟶 𝚙.𝚖.

Noong lunch na, bumili lang kami ni Yurieva ng pagkain sa cafeteria. Pagkatapos, dumiretso na kami sa pwesto namin sa garden. Hindi naman sumama sa amin yung iba. Sinamahan ni Paris si Kyo, yung mga tropa ni Yurieva nagkanya-kanya yata. Si Amy, sa iba niyang tropa sumama. Mas okay na rin 'to. Ang dami pang sasabit, eh.

"Oy, ubusin mo 'yan," sabi ko sa kanya. Tapos na akong kumain pero ilang subo pa yung natitira sa maliit na box na lagayan ng take-out na pagkain niya.

"Busog na 'ko." Inilayo niya yung pagkain sa kanya. "Ikaw na lang umubos."

Napapalatak na lang ako. Para talaga siyang bata minsan. Hindi naman nakakainis, nakakatuwa rin. Kaso ang payat niya na nga, eh. Ayaw pang magkakakain. Kinuha ko yung pagkain niya at ako na rin ang umubos. "Mananaba ako sa ginagawa mo, eh."

"You workout naman, eh. Hindi 'yan."

"Workout na takbo sa treadmill? Minsan na nga lang ako makapag-boxing talaga."

Ngumiti siya. "You look so hot when you box."

"Ang manyak mo."

Nginusuan niya ako kaya natawa ako lalo. Binibiro ko lang naman siya.

"Bale, hindi ka na dun matutulog sa Alabang mamaya, 'di ba?"

"Wait, what?" Humarap siya sa akin. "I thought payag ka na?"

Pumalatak ako ulit. "'Wag na kasi. Gano'n din naman, eh. Dumaan ka na lang dun tapos susunduin kita pagkatapos ng practice namin."

"Baka magalit lalo sa'kin si Daddy," sabi niya at hinawakan ang braso ko. "Baka hindi na 'ko payagan no'n na umalis talaga ng bahay."

"Pa'no niya magagawa yun kung wala siya dito?"

"They can ask one of our relatives to live with me for a while. Ang daming kamag-anak ni Daddy na gustong-gusto sa bahay namin for some reason. But si Mommy Alicia lang yung minahal ni Daddy na kamag-anak niya."

"Baka mukhang pera yung iba."

"Bad." Tumawa siya. "I don't know. But, yeah, I have to stay the night in Alabang."

Bumuntong-hininga ako at iniligpit na yung pinagkainan namin. Pinanood niya ako habang ginagawa ko yun. Hindi man lang nag-offer na tumulong. Pero ayos lang. Ayoko rin siyang pakilusin kung kaya ko naman.

Tinawagan kasi siya ng erpats niya kanina bago kami pumasok. Tinatanong kung nasaan siya. Ang sabi niya, nakila Gwen daw siya. Medyo nakakayamot kasi hindi niya sinasabi sa kanila na may syota na siya at yun ang kasama niya ngayon, pero naiintindihan ko naman kung bakit hindi niya masabi. Naiinis lang ako kasi kailangan naming itago dahil nga magkasama kami sa iisang bahay.

Ang sabi ng erpats niya, umuwi na muna siya. Hindi yung lagi siyang nakikituloy sa iba. May bahay naman daw sila. Sigurado raw na hindi naman siya guguluhin ng punyetang ex niya dahil nasa Dasma na raw. Sinabi rin ng erpats niya na hindi niya na rin papapuntahin yung ex niya sa kanila. Mas okay pala yung erpats niya, eh. At least, marunong makiramdam.

Hindi ko rin masyadong naintindihan yung ibang pinag-usapan nila. Russian na, eh. Nakakatakot pakinggan ang mga Russian kapag nagsasalita, siguro kasi sila lagi yung kalaban at terorista sa mga pelikula, pero noong narinig ko si Yurieva na diretsong nagsasalita ng gano'n, gusto kong i-record. Hindi naman siya nagru-Russian palagi, eh. Ngayon ko nga lang siya narinig na gano'n magsalita. Ang sarap pakinggan. Nagbago bigla ang tingin ko sa mga Russian.

Dominika (Pale As Dead I) | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon