┗━━━━━━━ dee ━━━━━━━┓
𝚜𝚎𝚙𝚝𝚎𝚖𝚋𝚎𝚛 𝟸𝟻, 𝚝𝚞𝚎𝚜𝚍𝚊𝚢, 𝟹:𝟹𝟶 𝚙.𝚖.
"OMG! Sobrang bagay sa'yo, Dee!"
Natawa ako sa reaction ng mga ka-guild ko. Nandito kasi kami ngayon sa loob ng clubroom, dito sa room para sa Cosplayers Guild. They were fussing over me because I decided to wear Inori Yuzuriha's school uniform from the anime Guilty Crown.
"I did great on her makeup, didn't I?" Inakbayan pa ako ni Ate Jessa. Siya kasi ang nag-ayos sa akin. Dumaan lang siya sa club ngayon because she needed to help the other cosplayers to prepare for the cosplay event sa SM Cantu in Perez later. Hindi ako kasali but they wanted me to try on the costume so I did.
"Thanks, Ate Jessa," nakangiting sabi ko sa kanya as I helped Lyza, my other guildmate, put on her wig. She was cosplaying Lenalee Lee from D.Gray-man.
"Welcs," she told me, nudging my side playfully, and helped another cosplayer with her makeup.
"If I did your makeup, mas maganda," sabi ni Miko kaya napatingin sa kanya si Ate Jessa at siniringan siya. In return, tinaasan niya lang ng kilay ang captain namin.
"Okay, magpapalit na 'ko," paalam ko sa kanila. Papunta na sana ako sa changing room, yung parang mga fitting room sa malls, but pinigilan ako ni Ate Jessa.
"Wait, Dee, I forgot to tell you. I've gotten approval from Kyo. You will lead our guild's parade sa school festival."
Nabitin yung pagtanggal ko ng wig. "Wait, what?"
"Congrats!" Vince put a hand on my shoulder. Inalis niya muna yung lollipop from his mouth bago siya ulit nagsalita. "Achievement yun, dude! Laging event-pro ang nakakakuha no'n."
"I'll do your makeup for that day!" Miko shrieked. He even hugged me. Mas mabango pa siya sa akin, nakakainis.
Napatingin ako kay Ate Jessa but ngumiti lang siya sa akin. Magtatanong pa sana ako kaso sabi nila Miko at Vince, i-push ko na lang daw. Mas okay na raw yun kaysa magbantay ako ng booth. Mas may chance pa raw akong makapaglibot sa school.
So nagpalit na lang ako. Hindi naman ako nanghihinayang na magpalit agad kasi we had taken pictures na kanina. Clive, the toy photographer from Collectors Guild, took our pictures. Yung pinaka-favorite kong shot, na-upload ko na sa Instagram account ko.
Pagkalabas ko, naka-uniform na ulit ako. School was over for the day pero parang ayoko munang umalis sa clubroom. Most of them would be staying until five kahit wala silang gagawin because our clubroom was like a sanctuary for all of us. Kahit hindi magkaka-guild, magkaka-close kami. Ang dami kong naging kaibigan sa Streamers Guild kasi napunta ako doon dati to watch anime habang hinihintay sila Gwen.
Bukod sa gusto ko pang mag-stay para tumambay, wala rin akong gana. Shishi was not available to go out today dahil sa gig nila mamayang gabi. Hindi uso ang weekdays sa work nila. Today was the first month since the first time we went out. I felt like it really was our monthsary kahit hindi naman kami official couple talaga. I mentioned it to him kagabi, but he said na busy nga siya today so no puede. Okay lang din naman, at least hindi niya sinabing hindi naman kami kaya hindi dapat i-celebrate. I would look at the brighter side na lang.
Pero kanina, nagtanong ako ulit sa kanya. Nagbabaka-sakali na we could just eat out bago ang gig nila. Kahit treat ko na at mabawas sa ipon ko, ayos lang. But he said the same thing. Hindi na rin siya pumasok. After lunch, nag-cutting na sila ni Paris. He just texted me after our last period that he was in their clubroom and puntahan ko na lang daw siya doon kapag gusto ko nang umuwi.
![](https://img.wattpad.com/cover/9034209-288-k992828.jpg)
BINABASA MO ANG
Dominika (Pale As Dead I) | COMPLETED
Genç Kız EdebiyatıA chaotic people-pleaser. A hot-headed bruiser. And a clusterfuck of a school year. ∘ ⸻ ∘ Dee Yurieva only wishes to forget the sudden disappearance of her boyfriend and the misery he has left behind by transferring to a new school to start afresh...