┗━━━━━━━ dee ━━━━━━━┓
𝚜𝚎𝚙𝚝𝚎𝚖𝚋𝚎𝚛 𝟸𝟿, 𝚜𝚊𝚝𝚞𝚛𝚍𝚊𝚢, 𝟷:𝟶𝟻 𝚊.𝚖.
"Bakit ngayon ka lang?"
Siniringan lang ako ni Shishi habang hinuhubad yung sapatos niya. Nahirapan siyang i-untie yung sintas kaya pinilit niya na lang na matanggal saka ibinato sa sulok.
"Hey, nagtanong ako."
"Ano ba?" Dumiretso siya ng tayo. "Galing nga akong Hernandez, 'di ba? Bakit ka ba tanong nang tanong?"
"I didn't know kasi na ganitong oras ka makakauwi. Akala ko mas maaga."
"Sa'n ka nakakita ng inuman na alas otso ang uwi?" He walked past me at tinabig niya pa yung balikat ko. "Tabi nga."
Napanganga na lang ako. Seryoso ba siya? Bakit ang init ng ulo niya? Ngayon ko na lang siya nakitang nakainom talaga ulit, yung as in namumula ang mukha dahil sa alak. So gano'n ba talaga 'yon? Kapag nakakainom siya nang marami, mainit ang ulo niya?
Kumuha siya ng baso and pitcher from the fridge at uminom. "Daig mo pa ermats ko."
"Hindi ka kasi nagre-reply. Nag-text ako at tumawag," sabi ko na lang. Hindi ko magawang mainis kasi nalulungkot ako. Ngayon na lang kasi siya ulit naging ganito ka-rude sa akin.
"Bakit ako magre-report sa'yo, ha?" Ibinaba niya yung glass sa marble sink so I flinched dahil sa tunog. "Bakit? Kailangan ba 'yon?"
Yumuko ako kaya nakita ko na nanginginig yung mga kamay ko. Tinago ko yun sa likod ko kasi ayoko namang makita niya. Ibang-iba pala sa pakiramdam yung alam kong may connection na talaga kami sa isa't isa at galit siya. Mas masakit kasi. Unlike dati na parang given na lang kasi gano'n talaga siya.
Saka ayokong pinagtataasan ako ng boses ng partner ko. Hindi kami pero ano ba ako dito? Halos gano'n na rin naman. Ayokong galit siya sa akin like this at sumisigaw. Kasi naaalala ko yung mga panahon na palayo na nang palayo sa akin si Zach. Yung panahon na unti-unti na siyang nawawala sa akin. Ganito rin yun, eh. Ganito yung simula ng pag-amba niya, ng panunulak at pananakit niya. Ayokong maulit 'yon.
"Hindi naman," sabi ko na lang. "Nag-aalala lang ako."
"Alala," sarcastic na ulit niya. He poured himself another glass of water and drank. "Ano 'ko, bata?"
Lumunok ako. "Sorry. Sinong kasama mo?"
Ngumisi siya at binagsak ulit yung baso. Akala ko mababasag dahil sa lakas. "Si Amy nga. Saka mga tropa niya. Sinabi ko na sa'yo yun, 'di ba?"
"I texted her kasi. She didn't get back to me. Kaya akala ko umalis na siya and naiwan ka dun."
"Sabay lang kaming umuwi," sabi niya. Umupo siya sa couch at hinilot yung temples niya. Lumapit ako and I offered na ako na lang ang gagawa no'n, but he swatted my hand away bago ko pa siya mahawakan. "Baka lalong sumakit. Dun ka na. 'Wag ka munang tumabi sa'kin."
"Bati na tayo. Sorry na. I'll make you a cup of coffee na lang."
Siniringan niya lang ako ulit. Tumayo siya at dumiretso sa balcony kaya sumunod ako. From his pocket, he fished out a lighter and a box of cigarette and lit one. "Dun ka na. Nagyoyosi ako."
"It's just weird na hindi siya nag-reply sa'kin," I said. Bigla ko na lang din yun nasabi. Hindi ko alam kung bakit. Alam kong maiinis na naman siya kasi iisipin niyang I was insinuating something. Which maybe I was. But I could not help it. Amy always replied to me kahit sa simpleng pangungumusta ko. Minsan nga siya pa yung unang nagche-check kung kumusta na ako.
BINABASA MO ANG
Dominika (Pale As Dead I) | COMPLETED
ChickLitA chaotic people-pleaser. A hot-headed bruiser. And a clusterfuck of a school year. ∘ ⸻ ∘ Dee Yurieva only wishes to forget the sudden disappearance of her boyfriend and the misery he has left behind by transferring to a new school to start afresh...