┗━━━━━━━ helen ━━━━━━━┓
𝚗𝚘𝚟𝚎𝚖𝚋𝚎𝚛 𝟹𝟶, 𝚏𝚛𝚒𝚍𝚊𝚢, 𝟺:𝟹𝟶 𝚙.𝚖.
Walang pasok bukas—three words na hindi mo talaga matatanggihan lalo kapag lasinggera ka kagaya ko.
Noong uwian na, biglang lumapit sa akin si Paris at nagyakag ng inuman kasi nasa bahay raw nila sila Ate Tori at Kuya Ace. Niyakag namin sila Gwen, Dee, Shishi, and Amy, but may mga prior plans na sila so as usual, kami na lang ulit ni Paris ang naiwang dalawa. Kami na naman ang magkasama.
"Anong gusto mong pulutan?" Paris asked me as we got in the taxi papunta sa kanila.
"Kahit ano. Wala ba silang pulutan dun?"
"Meron na yata," sabi niya habang binabasa yung conversation nila ni Ate Tori. "Eto, ihaw raw. May betamax, isaw, tenga, saka ulo at paa ng manok. Trip mo yun?"
Nag-exhale ako kasi hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya na hindi ako nakain ng gano'n nang hindi nagmumukhang maarte. We had never eaten street food kasi. I wanted to before, but we never really got to it and ngayon hindi ako curious.
"Hindi mo ba gusto yun?"
"Sorry."
He nudged me with his elbow. "Ano ka ba, wala 'yon. Bili na lang tayo ng inihaw na manok. May malapit na Andok's sa labas ng subdivision. Daan na lang tayo dun."
"Sige. Salamat. Sorry ulit."
"Wala yun."
Bumaba kami sa tapat ng Andok's. Medyo mahaba yung queue, so pinauna na ni Paris yung taxi instead na paghintayin pa namin nang matagal.
"Lakad na lang tayo," sabi niya. "Malapit lang naman. Ten minutes nasa bahay na tayo."
I nodded and turned around kasi nakarinig ako ng bulungan sa likod namin.
"Uy, 'di ba, si Paris 'yan? Yung sa Pale As Dead?"
"Ay, oo nga. Pa-picture tayo."
Napatingin din sa akin si Paris kahit hindi siya lumingon. Nakatingin kasi siya sa menu at namimili ng mga bibilhin niyang pulutan. Ngumiti lang siya sa akin na parang nahihiya na rin siya sa attention na naga-gather niya.
"Paris, pa-picture naman."
Hinarap niya yung dalawang babaeng lumapit sa kanya at ngumiti rin siya agad, yung ngiti niya na kung tawagin niya ay 'heartthrob smile' dahil makapal ang mukha niya. "Sure."
Inakbayan niya yung unang babaeng nagpa-picture. Yung pangalawa, niyakap yung katawan niya. Nagulat siya pero inginiti niya na lang din and inakbayan na lang din yung girl. Pagkabitiw sa kanya, bigla siyang hinalikan sa cheek. Tumingkayad pa talaga yung girl para maabot siya. They giggled.
"Thanks, Paris!"
"Pogi niya talaga, 'no?"
"Kaya nga, eh."
Naiinis ako. Nakakabwisit sila. Privacy naman sana.
Bumuntong-hininga si Paris at humarap ulit sa pila. The smile was still there, but I could tell na hindi siya comfortable. Dati akala ko, enjoy na enjoy niya yung fame at attention. Pero noong palagi ko na siyang nakakasama, nakikita ko na ginagawa niya lang yun kasi ayaw niyang mang-disappoint at magmukhang rude. But sometimes, gusto niya rin ng sariling space niya at ayaw niya yung parang nakakabulabog siya.
"Okay ka lang?" I asked.
"Hmm? Oo naman. Maganda naman sila, eh. Win-win situation."
Sumimangot ako. "Sure ka?"
![](https://img.wattpad.com/cover/9034209-288-k992828.jpg)
BINABASA MO ANG
Dominika (Pale As Dead I) | COMPLETED
ChickLitA chaotic people-pleaser. A hot-headed bruiser. And a clusterfuck of a school year. ∘ ⸻ ∘ Dee Yurieva only wishes to forget the sudden disappearance of her boyfriend and the misery he has left behind by transferring to a new school to start afresh...