┗━━━━━━━ dee ━━━━━━━┓
𝚘𝚌𝚝𝚘𝚋𝚎𝚛 𝟸𝟹, 𝚝𝚞𝚎𝚜𝚍𝚊𝚢, 𝟼 𝚊.𝚖.
My phone vibrated against the table in the living room as I spat the toothpaste and rinsed my toothbrush. Kahit nasa bathroom ako, dinig na dinig ko pa rin kasi ang tahimik sa condo.
I did not sleep next to Shishi last night. I chose not to because he did not say he wanted me to. Gumising ako kasi I needed to prepare his breakfast para makainom na siya ng meds niya, but matutulog pa sana ako ulit kasi I planned to go to school in the afternoon na lang para mas mabantayan ko si Shishi sa umaga.
The text was from Ate Jessa. After reading it, napatalon ako sa tuwa and knocked on Shishi's door urgently. "Shiloh!"
His door opened and I was greeted by his huge frown. Ang dami niyang sleep marks sa mukha niya. At least, sign ng good sleep 'yon. "Ano? Kaaga-aga. Napakaingay mo, tang ina."
I recoiled. "Sorry."
Medyo nabawasan yung excitement ko kasi napikon ko na naman siya. Mali rin naman ako kasi ginising ko siya. I checked on him about two hours ago kasi hindi rin ako masyadong makatulog nang diretso, and his temperature had gone down to 36.5 na. Ngayon pa lang siguro nagiging okay yung pakiramdam niya.
"How are you feeling now?"
Nag-iwas siya ng tingin. Nakasandal lang siya sa doorframe at nakatingin sa kusina. "Ayos na. Nawala na sakit ng likod ko."
"That's great to hear," nakangiting sabi ko. "Sorry for waking you up. Tulog ka na ulit. Sorry talaga."
Tumingin na siya ulit sa akin at nabawasan ang pagkakalukot ng mukha niya. "Ano bang nangyari?"
"I received a text from Ate Jessa."
"Anong sabi?"
I showed him our guild captain's text.
After reading it, ngumisi siya. "Tuloy na pala parada niyo, eh. Ano pang hinihintay mo? Alas siete dapat nando'n ka na raw. Alas sais na."
My gaze fell to my bare feet. "Sorry, mukhang hindi ko masusunod ang deal natin. Ayokong nag-e-enjoy ako doon then ikaw, nandito mag-isa. Ayokong pumunta. Dadaan na lang ako dun mamaya."
Bigla akong nagsisi na ipinakita ko pa sa kanya yung text ni Ate Jessa. I should not have woken him up. I should have just kept it to myself. Nadala ako masyado ng excitement ko. Ang plano ko naman talaga, saglit lang ako sa school mamaya. If I went to the parade, maghapon na akong nandoon.
"Sino naman ang nagsabing magpapaiwan ako dito?" He stood straight. Napatingin ako sa kanya and saw that one-sided grin again. "Papasok na rin ako."
I might have frowned as well. "But—"
"Ayokong ma-miss yung festival. Tutugtog din sila Alba sa final event kaya gusto ko ring mapanuod. Saka gusto kitang makita sa parada niyo."
I could only wish that I did not blush. Nag-stammer pa ako. "Ta—Talaga?" I cleared my throat and repeated myself. "Talaga?"
He smirked at me this time. "Oo naman. Para may mapagtawanan ako at malait."
Inirapan ko siya. "Napakasalbahe mo."
"Saka para masapak ko lahat ng lalakeng lalapit sa'yo."
Okay, nalaglag na naman ang panty ko.
"Kinilig ka naman." Pinitik niya nang mahina ang noo ko. "Maligo ka na. Ang baho mo."
BINABASA MO ANG
Dominika (Pale As Dead I) | COMPLETED
ChickLitA chaotic people-pleaser. A hot-headed bruiser. And a clusterfuck of a school year. ∘ ⸻ ∘ Dee Yurieva only wishes to forget the sudden disappearance of her boyfriend and the misery he has left behind by transferring to a new school to start afresh...