┗━━━━━━━ helen ━━━━━━━┓
𝚘𝚌𝚝𝚘𝚋𝚎𝚛 𝟻, 𝚏𝚛𝚒𝚍𝚊𝚢, 𝟾:𝟸𝟶 𝚊.𝚖.
"I think babagsak ako," Dee said.
"May cheat code na nga, eh," Gwen replied naman. "Chill ka lang. Math lang 'yan."
"Yun na nga, eh. Math. Kay Lenny lang ako nakopya sa math."
"I made your cheat code, you should be fine," I told her.
Sinabunutan ni Dee yung sarili niya bago siya tumingin sa window sa kabilang side niya. "Walang napasok sa utak ko. Math, then english, then biology. They're all making my head hurt."
"Don't worry about math na nga, eh! Trust Lenny's notes," Gwen said bago siya tumingin sa akin. So I looked away. "Right? We wouldn't get our pre-approvals sa cheat codes natin kung hindi ikaw ang gumawa. Kasi kung ako ang gumawa nito, may examples pa. But you simplified them kaya it's easier to understand na. You're so brainy talaga."
I grinned and with my best jocular tone, I said, "You know what, I like you."
"No. You love me."
Napailing na lang ako and went back to my papers. Uunahin ko muna ang mag-review bago ang ibang bagay. For months, I had been consistent sa top ng class. Pop quizzes, recitations, reports, projects, homework. Across the board. But these periodical exams would seal my spot.
This was the chance to prove na deserved ko yung privileges na nakukuha ko from the teachers. Like yung pagiging late ko minsan kasi marami akong sketches na tinatapos for our manga. I did not always attend Homeroom for attendance but they never marked me absent. Saka pangbawi ko 'to sa issue na nangyari sa akin dati, that one issue involving Emma. I missed two days of school because of that so I could not let that tarnish my standing here forever.
The door slid open and pumasok na sila Shishi, Paris, Amy, and Callie. Amy greeted us but nawala yung ngiti niya pagkatingin niya kay Dee kasi hindi rin nakatingin sa kanya yung friend ko. Parang nalungkot siya na na-disappoint. Si Shishi, nakatingin siya kay Dee hanggang sa makaupo siya. Si Dee naman, nakayuko lang. Si Callie, umiinom ng orange juice na nasa bottle. Sana masamid siya, abnormal siya.
Lumapit sa akin si Paris at hinawakan pa niya yung shoulders ko. Ang lapad na naman ng ngiti niya, akala mo naman pinatulan na siya ni Dee. "Lens! Salamat! Approved yung cheat code ko! Ililibre kita ng lunch hanggang sem-break!"
"End of the school year ang usapan natin."
Binitiwan niya ako. "Seryoso? Hanggang bago magbakasyon lang kaya."
"No. You misheard me. Kasi if you remember, hiniram mo pa yung notes ko sa Biology, History, Geography, even fucking PE."
"Wow, grabe, nalista mo talaga? Nagbibiro lang naman ako. Alam ko naman yung usapan natin."
"Hindi mo alam kaya nagbabaka-sakali ka," I said and smirked at him. "Shoo, magre-review pa 'ko."
"Salamat ulit!" Ngumiti na naman siya at ginulo yung ibabaw ng ulo ko kaya inayos ko agad. Minura ko siya pero tumawa lang siya.
"Parang walang araw na bad trip si Paris, 'no?" Gwen said.
Tiningnan ko ulit si Paris. Si Shishi naman ang kinukulit niya, pinapakitaan niya ng notes niya. Mukha namang interesado rin si Shishi kasi tinitingnan niya talaga, but halatang hati yung attention niya kasi patingin-tingin pa rin siya sa friend kong feeling studious. "Once ko lang 'yan nakitang bad trip, no'ng birthday ng kapatid niya. Masyadong colorful ang buhay n'yan. Yun lang yung black."
BINABASA MO ANG
Dominika (Pale As Dead I) | COMPLETED
Romanzi rosa / ChickLitA chaotic people-pleaser. A hot-headed bruiser. And a clusterfuck of a school year. ∘ ⸻ ∘ Dee Yurieva only wishes to forget the sudden disappearance of her boyfriend and the misery he has left behind by transferring to a new school to start afresh...