chapter 13

51 12 1
                                    

[chapter 13]

Bangungot kung iisipin ang lahat ng nangyayari sa Cetus, walang may ideya na sisirain ng paaralang ito ang aming mga buhay. Ilang araw na mula noong mag sara ang Cetus at dito na kami sa loob ng unibersidad nakatira. Ang lahat ng mga studyante dito ay puro pag aaral ang inaatupag dahil una ngang patakaran ay if you fail you will die. Ngunit para sa akin isang malaking katangahan at kabaliwan ang nang nangyayari ngayon, ano ba ang meron sa utak ng lintek na namamahala sa skwelahang ito?

Nabalitaan din namin na tuluyan ngang namatay ang lalaking walang habas na pumaslang sa babae noong nasa theatre hall kaming lahat. Marami ang natuwa ngunit mas marami ang walang reaksyon.

"Hoy! Ally tulala ka dyan!" sambit ni Dian. Mag mula noong mga nakaraang araw nag umpisa akong mag matiyag at mag gawa ng imbistigasyon ngunit sa bawat araw na iyon lagi akong nakakatanggap ng puting sobre na naglalaman ng isang sulat.

"Ally, may sulat na naman para sa iyo. Bakit andaming nag papadala sayo ng sulat?" nagtatakhang sambit ni Dian at bigay ng puting sobre. "Ewan! Hindi ko nga rin kilala kung sino ang nagpapadala ng mga to" i simply said. Tumahimik naman sya at itinuon niya na muli ang kanyang atensyon sa binabasa niyang libro. Binuksan ko ang sobre at may sulat na nakapaloob doon. "Im watching you" agad akong napatingin sa mga taong nakapaligid sa akin ngayon ngunit wala namang kahina hinalang tao. Kinalibutan ako dahil ang taong nag sabi sa'kin ng mga salitang iyon ay kakapanaw pa lamang.

Agad akong tumayo hindi ko na pinansin ang tawag sa akin ni Dian ang gusto ko lang makilala kung sino ang may pakana nito.

"WAAAAAHHHHH!" karamihan ng atensyon ng mga studyante ay napukaw sa babaeng sumigaw na nasa bukanang bahagi ng cafeteria agad akong lumapit napatakip na lamang ako sa aking bibig dahil sa kaawa awang sinapit ng lalaking nakahandusay sa sahig at puno ng saksak at tama ng baril.

"Hindi maaari! Bakit naman sila gumawa ng aksyon? Damn!" napalingon ako sa nag salita. Pabulong nya lang na sambit iyon ngunit dahil malapit ako narinig ko ng kaonti. Halatang frustrated sya ngunit ano ang kinalaman nya? Sinubaybayan ko lang sya nagtakha ako nang lapitan siya ni Niel at seryoso silang nag uusap. Anong meron sakanila?

Inusisa ko ang bangkay mayroon siyang sampung saksak sa buong katawan at tatlong tama ng baril, isa sa dibdib, ulo at paa. Napag kaalaman kong isa na siyang college student na may kursong business administration at ang pangalan niya ay john javier.

I'm imbistigating some basic information. "WHAT THE HELL! ang sinabi ko diba huwag niyo syang patayin! Idiot! B*bo! Arggh! Mga walang kwenta!"  natuon ang atensyon ko sa pinanggalingan ng boses halata din sa boses niya na nafu-frustrate siya. Bakit ganoon na lamang misteryo ang pagkamatay ni John? May kinalaman kaya sila?


Agad akong nagtatanong tanong sa mga taong naroon kung ano ang pangalan ng lalaking nakatayo doon kanina na nilapitan ni Niel napag kaalaman kong siya si Jerome Garcia, 20 at business administration din at kaklase ito ni John sa kanilang statistic na subject.

Samantalang ang isa pang lalaki na nag salita kanina ay kinilalang Zander Aquino isa siyang BS IT bachelor of science in information technology.

The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon