chapter 19

23 5 0
                                    


[Chapter 19]

"I miss you, Yana"

Naiwan ako sa kinakatayuan ko. Bakit nakikilala nila ako pero hindi ko sila maalala. Nag ka amnesia ba ako? Sa pagakakasabi sa akin ni Libra natamaan lang daw ako ng bala ng baril at hindi ako na aksidente na tumama sa bato ang ulo. They said don't force my self kasi makakasama daw sa akin but curiousity kills me!

May mga nagsidatingan may dalawang babae at ang iba ay mga lalaki. Lahat sila ay nakatingin sa akin at may pagaalala ang mababakas sa mga mata nila. Napayuko ako dahil sa hiya , sino ba talaga ako? Bakit ganyan sila kung makatingin?.

"Hey! Yana, are you okay? Come here! Wag mo silang intindihin" tawag sakin ni Libra. Sa unang pagkakataon tinawag niya akong Yana at hindi Sweetie. Umupo ako agad sa tabi niya. Sa isang rectangular na lamesa kami nakaupo na mayroong doseng upuan na halos na occupied na ng lahat pero may nakabakante pa ring apat na upuan.

"Libra, akala ko ba garden? Bakit andito tayo sa isang shooting range?" pasimpleng tanong ko sakanya habang siya ay nakikipag tawanan sa iba.

"Malalaman mo rin mamaya, basta ready yourself, okay?" napatango na lang ako bilang tugon kahit wala talaga akong ka-ideya ideya sa mga mangyayari.

Nasaan nga pala si Leo? Wala pa siya dito. Gusto ko sanang tanungin si Libra kaso busy siya sa pakikipag kwentuhan at parang ngayon lang sila nagkita kita ulit.

Hays! Nakaka out of place naman wala akong naiintindihan sa mga pinag uusapan nila tsaka puro sila tawanan. Tsk!

"Baka pwede nyo naman ako isali sa usapan niyo! Yuhooo! Andito pa ako! Hindi ako invisible!" mahina kong sambit. Hayss mukhang wala talaga silang balak na isama ako sa mga usapan nila!

Ngunit sa dami ng tawanan nila may dalawang tao ang nagmumukad tanging tahimik, yung isa yung lalaki kanina i think kilalang kilala niya ako at siguro close ko siya dahil ganoon niya na lamang ako namiss. At yung isa naman ay yung babaeng maganda na panay ang tingin sa akin. Siguro nagagandahan din siya sakin! Charing! As if naman diba?

Biglang namayani ang katahimikan sa paligid at lahat ay seryosong nakatingin sa isang dereksyon. Tiningnan ko ang bawat isa sakanila ngunit isang seryosong reaksyon lang makikita sa mukha nila. Nang tingnan ko kung saan sila nakatingin nakita ko si Leo na walang emosyong naglalakad papunta sa kinauupuan namin ni Libra. Kunot noo akong tumingin sakanya dahil sa kaweirduhan niya.

Tapos? Isang cold na nilalang na naman siya ngayon? Tsk! Mas bagay sakanya tumawa kesa sa mukha siyang yelo sa sobrang lamig ng timpla ng awra niya.

Kanya kanya silang sumalubong ng bati, samantalang ang iba naman ay nakatingin lang. Tulala at kunot noo akong napatingin kay Leo nang huminto siya sa harapan ko ang angas ng dating niya at ang pogi niya rin pala. Argghh! I admit! Gwapo naman siya kaso mukha siyang yelo!

"How are you, Yana?" bungad niyang wika sabay halik sa noo ko. Nawindang ako kaya mas lalo akong natulala. Hala! Bakit niya ginawa yon? May nalalaman laman pa siyang pag halik sa noo ko! My goodness!

Samantala, ang lalaking kumausap sa akin kanina ay walang emosyon akong tiningnan. Nang tingnan ko siya sabay iwas siya ng tingin, si Leo naman ay umupo na at nakangiti akong tiningnan. Anong gagawin ko? Should i smile? Tinapunan ko na lang siya ng isang masamang titig. He smirked. Nabalik ako sa katinuan ng kinalabit ako ni Libra.

Damn! Anong poblema nila? They all looking at me. Aww! This is awkward what the fuck!

"A-ahh... Kailangan ko pa bang sagutin ang tanong mo?" hindi siya sumagot bagkus ay nag simula na siyang kumain.

The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon