chapter 18

23 7 0
                                    

[Chapter 18]

Nang imulat ko ang mga mata ko everything was unknown. Ang buong paligid bago lahat sa mga mata ko. Dalawang beses kong kinusot ang mga mata ko pero parang walang pag babago. Wala akong maalala na kahit na ano. Ilang sandali pa may yabag na naglalakad at huminto iyon sa tapat ng pintuan ngayon ko lang napagtanto na parang pamilyar ang lugar mula sa disenyo nitong classical. Napangiti ako ng makita ko ang isang pinta ng babaeng nakatalikod na nakaupo at isang batang babae na may hawak ng isang pirasong dart.

Nag bukas ang pinto at tumambad sa akin ang isang babaeng na nakapang nurse. Naglakad siya papalapit sa akin at may ngiting mababakas sa labi niya.

"Gising ka na pala" matipid niyang sambit at may kung anong tinurok sa balikat ko. "Sino ka?" nagtatakha kong tanong sakanya. Ngiti lang ang sinagot niya saka naglakad ulit palabas ng pinto. Buntong hininga akong umupo at inayos ang mga hose nakakabit sakin. Dahan dahan akong tumayo at naglakad patungo sa bintana. Napakaganda ng paligid, puro puno at halaman ang matatanaw at Nasa ikalawang palapag pala ako ng gusaling ito.

Bakit nga pala ako nandito sa hospital? Hays! Hindi naman kasi ako kinausap nung nurse kanina kainis! Ramdam ko ang pagbukas ng pintuan kaya napalingon ako kaagad pero naapakan ko pala ang isang hose na nakakabit sa akin dahilan para madulas ako ngunit laking gulat nang may sumambot sa akin at halos mag dikit na ang mga mukha namin sa sobrang lapit. Sobrang gentle ng pagkakahawak niya sa baywang ko at mas hinigpitan niya at hinapit ang pagkakapit.

"Ayos ka lang?" sambit niya. Napatulala ako sa mukha niya dahil pamilyar siya sa akin. "O-Oo ayos lang ako" agad akong tumayo at tinulak siya ng mahina. Ngumiti siya at naglakad patungo sa kama saka umupo. "Naaalala mo ba ako?" tanong niya habang nakatingin ng deretso sa mata ko. Umiling ako dahil hindi ko naman talaga siya natatandaan pero parang pamilyar siya sa akin.

"So hindi mo nga talaga ako natatandaan?" Hays! Paulit ulit! Kutusan ko kaya siya! Grrr! Nag lakad siya papalapit sa akin

"Tsk! Kaya nga ako umiling kasi hindi kita kilala! In short hindi kita natatandaan! WALA AKONG MATANDAAN NA KAHIT ANO!, OKAY!" grabe! Nakaka-beast mode 'tong lalaking to! Inirapan ko siya at padabog akong naglakad papunta sa pinto. Rinig na rinig sa bawat sulok ng kwarto ang halakhak niya at galak na galak sa pang babadtrip sa akin. Arggh! Tinanggal ko ang lahat ng hose na nakatusok sa katawan ko kahit alam kong masakit.

"Hey! Wait! Don't open the door!" sabay pigil niya sa kamay ko. Napasandal ako sa pintuan at ngayon ay magkaharap kaming dalawa. Iniharang niya ang isa niyang braso habang hawak hawak niya pa rin ang isa kong kamay. He is looking in my eyes at hindi man lang kumukurap.

May sapak ata siya utak!


Inilapit niya ang mukha niya as in one inch na lang ang layo. Tinulak ko siya pero dahil sa mas malakas siya hindi man lang siya umurong ng kahit kaonti.

"S-Sino ka ba? D-Do i know you?"

"Hmm... Sabihin na lang natin na ito ang ikatlo nating pagkikita but still... This is the second time na nagkita tayo ng wala kang maalala" sambit niya sabay baba ng braso niya mula sa pagkakaharang.

"W-what do you mean? Second time? Are you kidding me? Ni hindi nga kita kilala at never ko pang nakita yang pagmumukha mo" i said with disbelief. Tss! Wala akong panahon para makipag lokohan sakanya. Tinitigan niya ako ng mata sa mata at inusisa ako. "Tigilan mo nga ako sa mga tingin mong 'yan! Im fucking serious so please stop that!" iritable kong wika sakanya sabay tulak. Nagtungo ako sa kama at umupo and place my palm on my face.

The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon