Chapter 23

12 2 0
                                    

Chapter 23


Third person's POV

Tanaw sa hindi kalayuan ang mga armadong lalaki. Mga naka suot ng itim na tuxedo at may mga hawak na matataas na kalibre ng baril.

"Boss, paano kung maalala niya na ang lahat?" kinakabahang tanong ng isang lalaki. Walang imik ang lalaking tinawag niyang boss. Naka tanaw lang ito sa malayo.

"Kung maalala niya ang lahat, edi masaya. Mas masaya makipag laro ng patas. She will fight that's her."

May ngiti sa labi niya bago umalis. Naiwang tulala ang isang lalaki. Mukhang malalim ang iniisip.

Alliyah's POV

Dahil malapit ng matapos ang christmas vacation sinusulit na namin ni Dian ang bawat araw.

Madalas naming kasama ang mga boys. Ewan ko ba parang napalapit na sila ng sobra samin. Hindi dahil sa trabaho nilang protektahan ako kundi tinuturing ko na silang mga totoong kaibigan.

Si Zian ang weird niya. Pati na rin ng nararamdaman ko sobrang weird. Parang pamilyar pero hindi ako sure sa lahat.

Nagiging busy rin si Dian nitong mga nakaraang araw. Kaya heto ako abala ngayon sa paglutas ng kaso ng mga magulang ko.

May mga lead na ako kaso hindi ako sure masyado. Parang kapag malapit na ako sa kaso biglang nabablanko ang isip ko tapos mawawala na naman sa utak ko kaya balik na naman ako mula sa umpisa.

"Ally! Tara na dalian mo!" tawag ni Dian sakin mula sa labas ng kwarto ko.

"Eto na wait lang!"

Mabilis akong nagbihis. May gala nga pala kami ngayon.

Nang matapos ako agad akong lumabas. Nadatnan ko siyang nakaupo sa sala at nakikipag kwentuhan andito na pala sila Zian.

"Yow madame! Ang tagal mo, sino bang pinapagandahan mo? Si Taurus ba o si Zian?" isang malakas na batok ang binigay ko sakanya.

"Yan! Favorite mo yan diba?" natawa sila Dian sa sinabi ko habang si Jacob naman napakamot na lang sa batok niya.

"Tara na, wala na tayong maaabutan sa venue" sabi ni Neil.

Takha akong tumingin sakanya.

"Venue? Akala ko na sa park lang tayo" takha kong sambit.

"Nakalimutan mo na Yana? Sa Birthday Celebration ng isang kilalang politician tayo pupunta" wika ni Dian.

Mas lalong nagiging makakalimutin ako nitong mga nakaraang araw. Kahit 20 minutes pa lang ang nakalipas pagkatapos nilang pagkwentuhan ang isang bagay nakakalimutan ko kaagad. Kaya hindi ko maiwasang mag sulat ng mga nangyayare.

Napakamot ako sa ulo ko.

"Hahaha oo nga pala... Tara na!" awkward man pinilit kong ngumiti.

Sumunod sila sakin palabas ng pinto. Nagtatawan at nagbiburuan kami habang nag lalakad papunta sa kanya kanya naming kotse.

"Dito ka na sumakay Dian" aya ni Niel sakanya. Pinagbuksan siya ni Niel ng pintuan ng kotse.

"Ally, dito na ako sasabay kay pareng Niel ha?" tumango ako sakanya.

"Paps sabay na rin ako sa inyo ni Maps" kunot noong tiningnan ni Dian si Jacob.

"Maps? Ano yon maraming mapa?" takhang wika ni Dian. Biglang humagalpak sa kakatawa niya si Niel kaya kunot noo rin siyang tiningnan ni Dian.

Natatawa din ako sa reaksyon ni Dian. Wala siyang ka ideya ideya sa mga pinag sasabi ng mga kasama niya.

"Easy HAHAHA! Jacob has a wierd thinking kaya sabayan mo na lang ang sinasabi niya HAHAHA!" aniya ni Niel.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 04, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon