[Chapter 17]
Dumating na ang araw na pinag handaan namin at ngayon na ang transaction namin sa mga Yakuza pero sa mga nakalap kong inpormasyon hindi lang Yakuza ang makakaharap namin dahil darating din sa venue ang Mara Salvatrucha ang Mara Salvatrucha ang pang pito sa mga kilalang Mafia sa buong mundo.
"Do you think Yakuza lang ang makakaharap natin? Why you are focusing in one enemy? Dapat iniisip mo kung ano ang mangyayari kung sino ang mga darating!" hindi ko makontrol ang bibig ko sa pag sasalita kung kaya ay mas pinili kong tumalikod na lang kay Zian. Alam kong siya ang boss but... Kailangan niyang isipin ang mga consiquences na maaaring mangyari.
"Guys andito na sila" sambit ni Dustin mula sa kabilang linya. Kanina isa-isa ko silang binigyan ng ear plug but hindi lang siya basta bastang ear plug. Sobrang liit niyang chip na pwedeng idikit sa tenga at sa pamamagitan non we can communicate with each other ba hindi napapansin ng iba.
Dustin is the one who can control the situation at nasa main entrance lang siya. Si Jacob naman ang nakaharap sa computer at nasa electric room para sa gagawing pasabog mamaya. Everything was already planned but this guy na katabi ko which is Zian pa chill chill lang habang nainom ng wine. We are acting like a boyfriend and girlfriend at kasama iyon sa plano. Noong una ayoko but yon lang ang paraan para madali kaming makatakas sa kamay ng mga Yakuza.
"Everything was already settled. Ready your self" sambit ni Jacob sa kabilang linya. "Got it" sambit ko.
Dumating ang isang lalaking mahaba ang balbas, naka tuxedo siya at maayos na nakasuklay ang buhok niya. Nagpalakpakan ang lahat ng bisita ng makatungtong siya sa stage.
"Good evening, ladies and gentlemen! He is here! The handsome and popular in our country Mr. Alfred Sanchez!" masayang sambit ng emcee sa harapan. Muling nagpalakpakan ang lahat. Ipinakilala din ang iba pang bigating bisita, dumalo din ang mga kilalang senador at iba pang may tungkulin sa gobyerno.
"The Yakuza was there! Be careful!" sambit ni Jacob.
Isa isa kong tiningnan ang mga guests at may isang lalaki ang umagaw ng atensyon ko, he is wearing a black coat at parang pamilyar siya sakin pero nanlaki ang mata ko ng masipat ko ang target namin. Agad kong kinalabit si Zian at napatingin din siya sa lalaki. May ngisi sa labi ni Zian at walang kabang mababakas sa mukha niya.
Ilang sandali pa tumayo ako agad at dahan dahang naglakad patungo sa pwesto nila. Nakasuot ako ngayon ng isang long navy blue dress na tube at may malaking slit na aabot hanggang sa hita.
"Ehem! Excuse me may i get a glass of wine?" i said with flirty tone. Tiningnan ako mula ulo hanggang paa ni Seo Jin ang pinaka target namin ngayong gabi. Nginisian niya ako bago ako abutan ng wine.
Bahagya kong inilabas ang hita ko at sinadya kong bitawan ang panyo ko nakita ko namang mas tumalim ang ngisi niya dahil don mas lalo akong kinabahan. Pagkapulot ko ng panyo ko nakita ko ang isang kakaibang susi, mas lalo akong na attract habang tinititigan ko iyon. I need that key!
"Yana don't!" mahinang sambit ni Zian sa kabilang linya. Ughh! Kainis!
Umayos ako ng tayo at mas ginalingan ko pa ang pag arte ko na parang totoong malanding babae. "Hmm... What do you want?" i said habang dahan dahang hinahawakan ko ang braso niya gamit ang hintuturo ko. Ngumisi siya ng pang manyak. Ugh! I want to kill him! Damn!
"I want you!" he said with korean accent. Halos tumayo lahat ng balahibo ko ng hawakan niya ako sa baywang at mas inilapit niya ang sarili niya sa akin. "I think let's move in the room" nakangisi niyang saad.
BINABASA MO ANG
The Mafia Boss
ActionIm Alliyah Asyana Aquilla have temporary lost of memory. Maalala ko kaya ang lahat? O tuluyan akong makakalimot sa mga bagay bagay? Written by; Cinna_tyst Date started: June 2017 Date Finished: ------------ Book Cover by; _winterkim