chapter 21

33 5 0
                                    

[Chapter 21]


Muli akong nagising sa isang pagkakahimbing. Everything was change. Hindi ko namalayan na ilang araw na naman akong nakatulog. Tama! Ilang araw na naman akong natulog pero katulad ng dati wala akong matandaan bukod sa huling pangyayari bago ako mawalan ng malay.

Isang linggo na ang lumipas pero sa bawat araw natatakot akong matulog baka kasi hindi na naman ako magising mula sa pagkakahimbing ko.

"Ready ka na Ally? Baka malate pa tayo sa flight natin" nginitian ko lang si Dian at saka ako tumayo. Sumakay na kami ng kotse niya tsaka niya pinaharurot ang pagpapatakbo.

"Dian, please ayaw ko pang mamatay" natatawang wika ko sakanya. "Seriously? Ikaw Alliyah Asyana Aquilla  matatakot sa pag papatakbo ko? THE F*UCK" halos bumalikwas na siya sa kakaktawa. Duh! Anong nakakatawa don? alam kong drug racer ako but... My goodness hindi sa ganitong kataong lugar ayaw kong makapatay my goodness!.

Halos thirty minutes na nalagay sa panganib ang buhay ko dahil sa pag papatakbo ni Dian.

"Ta-da! We're here" lumabas siya at kinuha ang mga bagahe namin na nasa trunk. Nakahinga ako ng maluwag pero parang humiwalay yung utak ko dahil sa sobrang shocked.

Christmas vacation na namin kaya napag pasyahan naming umuwi muna sa England para doon mag celebrate. Actually hindi pa rin ako pumapasok sa school ewan ko ba hindi ko na feel ang pag aaral unlike dati.

Sa isang linggong lumipas i have my doubt sa taong pumaslang sa magulang ko. Gusto kong kumpirmahin ang lahat pero hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin. His name is Homer.

Ginawa ko na ang lahat ng makakaya ko para hanapin siya but wala talaga akong makitang location niya, i guess he is great in his field kaya walang kahit anong trace na makikita.

"Woy tulala e" nanlaki ang mata ko ng makita ko si Dian na sobrang lapit na ng mukha sakin. "Tara na nga! Inuuna mo yang pag katulala mo e" hinila niya ang kamay ko palabas ng kotse niya.

"Hays! Bitaw nga Dian" napasimangot si Dian. Binitawan niya ang kamay ko saka naglakad papunta sa mga bagahe namin. Hinila niya ang mga yon papasok sa loob ng NAIA. Hayss! Paawa pa ang gaga e. Tumakbo ako at kinuha ang isang maleta. "Akin na nga yan!" sumilay naman ang ngiti sa labi niya samantalang ako inirapan ko lang siya.

Habang naglalakad kami hindi ako mapakali parang may lihim na nag mamasid samin. Sa tuwing tinitingnan ko ang buong paligid lagi kong natatanaw ang isang lalaki na naka itim na cup at naka itim na leather na jacket. Nasa waiting area kami ng mahuli ko siyang nakatingin kay Dian.

"Dian did you know that guy?" tanong ko kay Dian sabay turo don sa lalaki.

"Saan Ally?" tanong niya habang palingalinga sa tinuturo ko. "Tss wala naman eh!" pagmamaktol niya. Nang lingunin ko wala na nga doon. Inilibot ko ang mata ko sa buong paligid ngunit hindi ko na siya matanaw.

"P-pero Dian nakatingin siya sa atin kanina"

"Wala lang yon! Baka nagandahan lang sa beauty natin alam mo namang maganda tayo" sabay flip niya sa buhok niya. Tsk! Kapag nag karoon ka nga naman ng kaibigang assuming kabanas.

Hindi ko na lang siya pinansin at tumayo na ako at pumasok sa loob ng eroplano.

Ilang minuto na lang lilipad na ang eroplanong sasakyan namin pero hindi pa rin naakyat si Dian. Palinga linga ako sa bintana para makita siya kaso wala talagang Dian na paparating.

"Excuse me Ma'am meron pa po ba kayong kasama sa ibaba?" napatingin ako sa babaeng nag salita. Maganda siya pero may kung anong takot ang mababakas sa mata niya.

The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon