1

1K 16 5
                                    

Unknown POV:

"Excuse me sir?"

Napatingin ako sa babae. "May hinahanap po ba kayo?"tanong niya sabay tingin sa campus. "Dito ba nag-aaral si Cassandra Lee?" Ngumiti yung babae, "Opo, classmate ko po siya, gusto niyo po-" "Hindi na, salamat"ngiti ko sabay alis.

Pagkadating ko sa kanto, nakita ko yung pamilyar na kotse. Sht. Paano nila nalaman na nandito ako!?

*************
Cassandra Lee:

Lumapit sa'kin si Lyra. "Hmm?"ngiti ko sa kanya. "Unnie, may naghahanap sayo sa gate ng campus, lalaki, ang gwapo! Ituturo sana kita kaso sinabi niya na okay lang" Nagulat ako. "H-huh? Anong itsura?"tanong ko. "Gwapo siya Unnie kahit mata lang nakita ko"ngiti niya. Sinong lalaki? Mas lalo tuloy akong kinabahan. Magsasalita sana ako pero umalis na siya. Muntik ko nang makalimutan, hindi pala siya matino kausap minsan. Lalo na't pagnagwapuhan siya. Buti nalang wala teacher namin at uwian na. Hindi parin talaga ako makapaniwala na matatapos na ako sa h.s life ko.

"So? Ano? Gagala ka pa ba?"ngiti ni Matt. "Gusto mo ba?"ngiti ko rin. Sasagot na sana siya ng biglang umepal si Lennar. "Sama niyo naman ako oh" Tinignan ko lang siya. "Hoy, may Bea ka na"sungit ni Matt. "Busy yun, ayaw nga magpaistorbo eh"sagot ni Lennar.

"Araw-araw namang busy yun ah, bakit ngayon mo lang siya di guguluhin?"tanong ko. "K-kasama niya si Axel" Sabay kaming nagulat ni Matt. "Bakit?"tanong ko ulit. "Hindi ko alam"ngiti niya. May linilihim ba si Axel at Bea? May namumuo pa ba sa kanila?

Inakbayan ko si Lennar at Matt. "Just like the old days, arat?"ngiti ko. Tumawa sila at naglakad. Hindi parin talaga mawala sa isip ko kung bakit sila magkasama. Hindi man lang alam ni Lennar kung bakit. Sana naman wala talagang namumuo.

"Saan ta-"

Napatingin kami kay Matt na napatigil sa pagsasalita. Ano bang tinitignan niya? Jennie? Lumapit kami sa kanya.

"Ba't ikaw lang?"tanong ko. "Hinahanap ko si Axel"sagot niya. "Magkasama sila ni Bea ah"singit ni Lennar. "Teka-teka, bakit di nila sinasabi?" Napatingin kami kay Matt na nagtatype sa phone niya. Hinawakan ko kamay niya.

"Sila na ang bahala"ngiti ko sabay tingin sa dalawa. Tumango nalang siya at tinago ang phone niya. "So ano plano niyo?"tanong ni Matt. "Hahanapin nalang namin sila"ngiti ni Jennie at sabay na silang umalis ni Lennar. Padagdag pa to sa kaba ko ah.

************
Jennie Pamiendo:

Magkasama sila ni Bea? Bakit di niya sinabi?

Chill Jennie. Nililigawan ka palang niya. Pero kasi.....bakit di niya sinabi? Micro ba siya? Sana hinde.

"Uy? Okay ka lang?"tanong ni Lennar. Napangiti nalang ako. Hindi ko alam kung saan sila hahanapin.

Pero bakit natatakot ako bigla? Ganon na lang ba ako kadali mahulog? Pero sana hindi masira expectations ko kay Axe-

"Natatakot ka ba?"

Napatingin ako kay Lennar. "Saan?"tanong ko. "Sa maaring mangyari"ngiti niya. Sorry for the words, pero manhid ba si Bea? Nasasaktan na si Lennar. Hindi ba siya naaawa?

"Natatakot"bulong ko. I mean, kahit na nililigawan niya palang ako, sana makiramdam parin siya sa kung ano ang nararamdaman ko. "Ako? Hindi, may tiwala ako sa kanya eh" Napatigil ako. "Binibigay mo buong tiwala mo sa kanya?" Tumango siya. "Mahal ko siya eh"ngiti niya.

Gusto kong umiyak sa mga words niya. Sana talaga hindi mangyari lahat ng iniisip naming dalawa.

******************

First Kiss II[COMPLETED]Where stories live. Discover now