4

160 5 0
                                    

Axel Jung:

Binigyan ako ni Jennie ng iced juice. Napangiti ako. Bakit ko kaya natanong yun?

"Bakit di mo sinabi?" Napatingin ako sa kanya. "Bakit di mo sinabi na maguusap kayo ni Bea?"tuloy niya. "Akala ko magagalit ka eh"ngiti ko. Sana makuha ka sa excuse ko. "Ah, hindi naman ako magagalit eh"bulong niya.

Inakbayan ko siya. "Akala ko kasi awkward kayo"bulong ko para maging okay siya. "Hindi naman kami awkward ah"ngiti niya. "In fact, nag-usap pa kami" Tumingin ako sa kanya. "Anong pinagusapan niyo?"

"Kung mahal pa ba niya ikaw"

Then naalala ko yung nangyari sa Han River. "A-anong sagot niya?"pilit kong ngiti. "Ang sabi niya lang moved-on na siya" Napatitig ako sa mata ni Jennie. "Ako rin naman eh"tawa ko ng mahina. "Sana nga"

Hinawakan ko kamay niya at hinalikan ito. "Ang ganda ng singsing no? Wag mong wawalain sige ka"tawa ko. "Gutom ka ba?" Tumango lang siya. Bago pa man siya tumayo, lumuhod ako sa harap niya, my back facing her. "Sakay na!" Tumawa siya, "Nakakahiya ka! Kabayo eh!"

"Gusto mong buhatin kita?"tawa ko. Agad siyang pumasan sa likod ko. "Alam kong pagod ka kakahanap sa'kin, sorry ah~ dead na phone ko, di ko pa nasabi, Aish, pabo" Pinalo niya braso ko, "Buti naman alam mo" After nun, napayakap siya.

"Saan tayo kakain?"bulong niya. "Molla"sagot ko. "Ah! Soju nalang"patawa niyang sinabi. Soju? Pwede. "Lesgo!"tawa ko sabay takbo.

**************
"Mmm!"sabay naming nasabi nang makita namin yung meat na niluluto. Nilagay na yung 4 na soju sa lamesa namin. Okay lang, wala namang pasok bukas eh.

"Round 1? Go!"ngiti niya sabay kain. Naglagay ako ng soju sa bawat baso namin. "Ang lakas mo rin kumain eh"tawa ko. Habang kumakain kami, napatingin ako sa singsing namin. Ito ang magiging simbolo ng pagsisimula namin. Ang araw na di makakalimutan.

After naming ubusin yung 4 bottles, umorder pa kami ng another four. And yes, mahina siya. Natatawa nalang ako sa kakakain niya. Hanggang sa....

"Axel! Alam mo bang natatakot ako? Huh!"lasing niyang sinabi. Nakatingin lang ako sa kanya habang ningunguya yung meat sa bibig ko. "Natatakot talaga ako, hindi ko alam kung bakit eh! Refill mo nga" Nirefillan ko siya.

"Si Bea at ikaw?"ngiti niya tas sabay buhos ng luha niya unti-unti. "Maari kayong magkabalikan eh, dahil doon natatakot ako" Uminom ulit siya, this time sa bottle na. "Nung hindi ka nagsabi,akala ko pangsaglitan lang tong nararamdaman kong saya" Magsasalita na sana ako pero tinakpan niya bibig ko.

"Takot ako"

Nakita kong papikit-pikit na siya. At bogsh. Nakatulog na siya. Buti nalang ubos na lahat. Nagbayad na ako at nag-abang ng taxi sa labas. "Axel~"tawa niya. Sa unit ko muna siya. Tutal wala naman siyang kasama sa unit niya eh.

Iba talaga pag-lasing ang tao. Masyadong nagiging honest. Tinignan ko siya. Hinalikan ko forehead niya. Takot siya. Oo, takot siya Axel.

*************
Unknown POV:

Andito na sila, at hinahanap ka'rin. Anong meron sa inyong dalawa? Sana ligtas ka. Sana talaga di na ako bumalik. But she's looking for me. And I need to show up. Pero,hindi ko inaasahang masisira ang lahat ng plano ko.

Okay lang, handa ako. Alam kong makakayanan ko 'to. At di habang buhay ay magtatago ako, mula sa taong mahal ko. Cassandra, antay ka lang.

*******************

First Kiss II[COMPLETED]Where stories live. Discover now